Chapter 21

10.1K 270 20
                                    

Chapter 21

"Jethro, tigilan mo na iyan."

"Sa tingin ko hindi na siya babalik."

"Bro,it's been eight fvcking years. Move on."

"Stop waiting."

These are the words of those people around me. Lahat sila matagal nang sumuko but I am different. I will wait for her. But not forever. Ayaw kong maghintay hanggang sa mamatay ako dahil ibig sabihin lang non ay hindi ko na siya muling nakasama.

I will find her. Pinanghahawakan ko ang pangako niya. She's mine. Only mine.

Hindi na siya nagpakita pagkatapos ng date namin. It has been eight years and I am still waiting.

Ilang buwan akong naging miserable pero nang marealized ko ang tinuro sa akin ni Renia ay muli akong tumayo. I graduated as Summa Cum Laude at topped the board exam.

Hindi nagsasalita sina mama pero alam akong tahimik nilang pinapasalamatan si Renia ng dahil sa nakamit ko. Renia is my inspiration.

Hindi ko hahayaang masabihan siyang sinira ang buhay ko dahil lang sa pag-iwan sa akin. I want to give her the best. Kaya nagsumikap ako.

I worked at the biggest firm in New York for almost four years. Nag-ipon ako hanggang sa makapagtayo ako ng sarili kong firm sa Pilipinas. Maliit pa lang iyon pero masasabing mabilis ang paglago ng kumpanya dahil sa mag-iisang taon pa lang ito pero kabi-kabila na ang mga natatanggap naming projects.

Masaya ako ng dahil sa mga natanggap ko pero mas sasaya ako kung magiging kumpleto ko. Hangga't hindi ko siya nakikita, hinding hindi mabubuo ang pagkatao. There's still a missing piece.

"Cheers!"

Pansamatala akong nagising nang marinig ko ang boses ni Braiden. The gayish Cassanova has finally fallen.

Nasa Bachelor's party kami ni Braiden. Pero kaming apat lang at ibang kamag-anak niya ang invited. Sa sobrang sungit kasi ng lalaking ito ay wala siyang ibang naging kaibigan.

"Hanggang ngayon ba naman iced tea pa rin ang iniinom mo?" natanong ni Jorg at nagtawanan naman sila.

I am obedient. Renia will be mad if she found out I am drinking these dangerous drinks again.

"Be one of my engineers, bro," sabi ko imbis na sagutin ang tanong niya. Ang tagal ko na siyang inaalok na magtrabaho sa firm ko pero ayaw niya. Naeenjoy daw niya ang restaurant na itinayo niya. Engineer ito pero nagtayo ito ng restaurant. Weird.

Gaya ko hindi rin niya ako sinagot. Si Christopher lang ang pumayag sa kanilang tatlo. Pero part time lang siya dahil may family business silang dapat niyang asikasuhin. Samantalang si Braiden ay nabigyan ng posisyon sa kumpanya nila kaya hindi niya iyon mabitawan.

"Kayo magseryoso na kayo! Masarap sa feeling ang nagmamahal," biglang sabi sa amin ni Braiden kaya literal na napanganga kami sa kanya. Kailan pa siya natutong mag-Tagalog?

"Matagal na akong nagseseryoso," sabi.

Nakita ko ang pag-iling ni Jorg.

"Sana naman sineseryoso ka rin."

Ilang beses ko nang narinig iyon but I still don't care. Kahit ano pang sabihin nila, alam kong babalik siya.

Bago magpasukan that time, dahil wala akong communication kay Renia ay sinubukan kong puntahan ang kumpanya nila. Pero wala akong nakuha. I was damn hurt pero hindi ako sumuko.

"Sorry, Sir, pero walang Mapagpigil na nagtatrabaho rito."

"No, she's the owner," sabi ko pa noon.

Hindi makapaniwalang tiningnan akong receptionist.

"This is Milanos Enterprise," sagot niya habang tinuturo ang malaking sign na hindi ko agad napansin.

Nagsinungaling siya. Pero binalewala ko lang iyon. Wala akong pakialam kung may kumpanya ito o wala. Siya ang kailangan ko at hindi ang kumpanya.

Lahat ay gagawin ko para bumalik na siya. I want her for real.

Umalis lang ako ng basta basta namh tumunog ang phone ko. It's the private investigator.

Pagkatapos ng call aya agad akong bumalik sa loob para magpaalam na. Pupuntahan ko pa kasi ang investigator kahit na gabing gabi na.

Nagkita kami sa isang coffee shop. Pagkaupo ko pa lang ay seryoso ang mukha nito habang iniaabot sa akin ang isang brown envelope.

Naglalaman iyon ng mga pictures ng isang babae. At ito ang babaeng nasa sasakyan at galit na pinapasok si Renia nang pumarada sila sa tapat namin habang natutulog si Renia sa mga balikat ko sa isang waiting shed.

"Na saan ang babaeng ito? Baka magkasama sila ni Renia--"

Pinutol ng investigator ang mga sinasabi ko gamit ang mga salitang halos magpasabog sa akin.

"Mr. David, that lady is Renia Rose Mapagpigil."

Mas lalong dumami ang mga tanong. Paanong siya si Renia? My Re...who are you?

"Half Filipina and half Spanish. Owns one of the biggest company in Barcelona. Private identity but with the help of my friend in Spain, I was able to get those pictures. I'll be flying to Barcelona this week for further investigations."

Tumango ako at sinabing sagot ko na lahat. Kahit na umalis na ang investigator ay hindi pa rin ako makatayo sa inuupuan ko at pilot kong iniintindi ang nangyayari.

Nagtagal pa ako doon sa coffee shop bago umuwi ng bahay. Diretso lang ako sa kwarto at binuksan ang laptop.

Sinearch ko ang pangalan niya sa Facebook at walang nakita. Pero natatandaan kong may nakita akong isang account dati pero iba ng nasa profile picture. Tiningnan ko muli ang litratong iniwan ng investigator.

Posible kayang Facebook ng babaeng ito ang nakita ko? If she's Renia Rose Mapagpigil...who's my Re? Where's my Re?

Tiningnan ko ang loom bracelet na binigay niya, "Come back...I'm still waiting."

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon