Chapter 9

11.1K 313 31
                                    

Chapter 9

Sobrang kabado ako habang hinihintay ko ang sagot niya. Pakiramdam ko ay namamawis na ang kamay ko na nakahawak sa wrist nito para lang pigilan siyang talikuran ako.

"Drop it, Jethro. I am not interested in you."

Masakit iyon pero hindi iyon ang makakapagpasuko sa akin. This is a matter of life and death.

"I will court you. Liligawan kita sa bahay niyo kung gusto mo," sabi ko. Wala na akong pakialam kung sobrang desperado na ang tono ko.

Nakapikit siyang humarap sa akin habang kunot ang kanyang noo at mukhang sobrang iritado na.

"Ano pa bang gusto mong pagmamakaawa na gawin ko just to leave me alone?" Nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses. This is the first time. Kaya hindi ko naiwasang makadama ng sobrang kaba at takot.

Langya, Jethro. Under na under ka na ngayon pa lang.

"Masasayang lang ang oras mo. Ayokong tigilan ka," sabi ko na lalong ikinainis niya iyon.

Pasensya na sa kakulitan ko, Renia. Gusto talaga kita.

Nakipagtitigan siya sa akin at kahit na matatalim ang mga titig niya ay hindi ko maisawang kiligin.

"Hindi mo ako gusto. Masyado ka lang nahihiwagaan sa akin kaya mo nasasabi iyan."

Bahagya akong nasaktan at nainis sa sinabi niya. May mas masakit pala sa request niyang layuan ko siya, ito iyon, ang pagduduhan niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nakawala si Renia sa hawak ko pero hindi pa kami tapos. Siniguro ko munang walang taong dumadaan bago magsalita.

"Akala ko ba mind reader ka? O talagang nagpapanggap ka lang na hindi mo alam na totoo itong nararamdaman ko?" tanong ko sa kanya. Huminto na naman siya sa paglalakad.

Iyan, ganyan. Lagi mo akong pinapaasa kapag lagi kang humihinto kapag kinakausap kita. Pwede namang magtuloy tuloy ka sa paglalakad ha? Siguro gusto mo rin ako, Renia. Baka tama nga si Jorg na baka pinipigilan mo lang.

"Sabay ka sa akin, Jethro."

Bigla akong naexcite at napatalon. Pero nang naglakad na siya ay sumunod na ako, baka magbago pa ang kanyang isip.

Kahit na hindi kami nag-uusap o magkahawak kamay ay kinikilig pa rin ako dahil magkasabay kaming naglalakad.

Sumunod ako sa kanya nang sumukay na siya sa isang jeep. Gusto kong magtanong kung bakit iba ang sinakyan naming jeep pero tumahimik na lang ako dahil napakaseryoso ng mukha niya.

Mahigit kalahating oras ang biyahe namin bago kami bumaba malapit sa may malaking building. Ito ang pinakamalaking building sa amin.

"Nakikita mo ba iyan?" tanong sa akin ni Renia habang nakatingala sa 50-story building na nasa hindi kalayuan.

"Oo," sagot ko at naguguluhang tumingin sa kanya.

"Alam kong hindi mo sasabihin sa iba kung anumang sasabihin ko sa iyo ngayon," sabi ni Renia kaya lalo akong naguluhan sa inaakto nito.

"Pangako," sabi ko at bahagya niya akong nilingon at saka tumango. Pinanuod ko siya habang humihinga ito ng malalim at malungkot na tinanaw ang malaking building.

"I am Renia Rose Mapagpigil. The one and only successor of that company."

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin ako sa kanya? Ganoon sila kayaman? Ang tanga ko naman para isiping katulong siya.

Hindi ako makapagsalita dahil hiyang hiya ako sa kanya. Bakit ko ba kasi siya naisipang katulog?

"H'wag iyong inakala mong katulong ako ang isipin mo. Unahin mong isipin kung gaano kalayo ang agwat ng pamumuhay natin sa isa't isa."

Natulala ako nang muli siyang nagsalita. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at doon sa building. Totoong napakalayo nga. May isang supermarket kami pero hindi iyon maikukumpara sa malaking kumpanya na meron sila.

"Do you really think you have a chance? Wala. Walang wala, kaya sana ngayon pa lang ay tigilan mo na ako."

Nanlumo ako habang iniisip iyong sitwasyon namin. Gusto kong isumbat sa kanya na hindi naman pera ang basehan para magkatuluyan ang dalawang tao. Pero masyado akong nasaktan para ipaglaban kung anong opinyon ko. Matatalo rin naman ako sa kanya.

I smiled at her. Maliit na ngiti. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at alam kong binabasa niya ang nasa isip ko kaya nag-iwas ako ng tingin at napabuntong hininga.

Bumigat ang pakiramdam ko at parang nawalan ako ng mahal sa buhay. Pakiramdam ko ay sinampal sa mukha ko na hinding hindi magiging kami ni Renia...ng dahil lang sa magkalayong status namin sa buhay.

"Hindi ko maipapangako na maaabot ko ang ganyang kalaking kumpanya pero magsisikap ako. Mag-aaral ako ng mas mabuti para makapagtayo ako ng sariling kumpanya. Gagawin ko iyon para sayo. Just please give me a chance," may pagmamakaawang sabi ko.

Nalaglag ang panga ng magandang babaeng nasa harapan ko habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan ang magiging sagot ko. Pero desidido na ako, Renia. This is a matter of life and death.

**

Guys, magdededicate po ako sa mga magcocomment sa chapter na ito. Ano pong nasa isip niyo? ♥

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon