Chapter 25

11.3K 316 34
                                    

Chapter 25

Wala akong balak na pakawalan siya sa yakap ko at alam kong ganoon din siya.

We missed each other.

Lumayo ako ng kaunti para matingnan ko siya ng matagal sa mata dahil gusto kong ipaalam sa kanya ang mga nalaman ko mula sa tunay na Renia.

Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko, "You don't have to do that, Je. Matagal ko ng alam."

"Paano?"

Ibinaba ni Re ang kamay niya sa pisngi ko hanggang sa napunta iyon sa balikat ko.

"The moment you promised to wait for me, I know you will find me. I know deep in your heart you were having doubts, but you chose to ignore it. Remember the photo?"

Napatango ako nang maalala ko ang photo na ipinakita sa akin ni Braiden noon.

"That was Renia's driver. She instructed her driver to remind me about leaving the school...leaving you. She did that on purpose, I knew it," pagpapatuloy niya.

"Sorry...I didn't mean to judge you--"

"You did not judge me, Je. Wala kang pinaniwalaan." Pagkasabi niyang iyon ay matagal niya akong tiningnan.

"Hindi ko nagawa ang mga gusto kong gawin dati dahil nabubuhay ako para sa iba. Pero pagdating sa iyo nararamdaman kong nabubuhay ako bilang ako.  Bilang si Regina."

"Ayaw kitang saktan kaya pinapalayo kita. I even lied to you about that company. Well, hindi ako nagsinungaling dahil may 50-story building naman talaga ang mga Mapagpigil. Kaya lang hindi iyon ang tinuro kong building noon dahil nasa Barcelona ang kumpanya," pagpapaliwanag niya. "That's why we can't consider it a lie, right?"

Natatawang tumango ako, "Hindi big deal iyon sa akin."

She sighed while looking at me. Bakas sa mukha niya ang saya.

"The long search is now over," sabi niya.

Ngumiti ako at dinagdagan iyon, "We can start our forever now."

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Naramdaman ko kung gaano ko siya namiss. I wanted to cry and thank God for this moment. And for a lifetime moment.

I know she's reading my mind right now but I don't care. I want her to know how much I missed her.

"Hindi ka ba nanghinayang sa walong taon?" tanong niya sa akin bigla.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya habang sinasagot ang tanong niya.

"Sino bang hindi? Pero h'wag na nating isipin iyon dahil nandito ka na and I think you are willing to spend forever with me."

Our tears are starting to well up as I say those words.

"Kahit kailan talaga, Je, ang hilig mong pangunahan ako sa mga dapat na isasagot ko. I know you always assume and you are actually good at it," natatawang sabi ni Re habang nilalagay na ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Ganoon ka rin naman, Re. Hindi ko pa nasasabi ang sagot ko ay agad mo ng nalalaman."

She laughed. I missed this.

"Hindi ako nag-aassume dahil naririnig ko iyon sa utak mo," sabi niya habang may naglalarong mapang-asar na ngiti sa pulang labi niya.

Doon ko lang napansin na naglalagay na ito ng kulay sa mukha pero mukhang tinatamad pa ring magsuklay dahil medyo magulo ang buhok niya pero hindi pa rin iyon nakakabawas sa ganda niya.

"Let's have dinner together," sabi ko at kinuha ang mga gamit ko.

"How about the interview?" tanong niya.

Itinuro ko ang logo ng company na may nakalagay na apat na letra.

J E R E

"This company is ours. Dahil sa iyo pinangarap ko ito."

**

Sinabi sa akin ni Re na gawin namin ang mga bagay na ipinagkait niya sa akin noon. Matagal na siyang handang makilala ang mga magulang ko pero gusto niyang ipakilala ko siya bilang si Regina at hindi bilang si Renia.

Pagkatapos niyang natapos ang kolehiyo bilang Renia ay lumipat siya sa ibang lugar sa Pilipinas upang muling mag-aral bilang si Regina. Kumuha ulit siya ng Engineering dahil iyon talaga ang pangarap niya.

"Siguradong masusurpresa sina mama," sabi ko habang pinapasok ang kotse ko sa garahe.

Nasa dining na sina mama nang pumasok ako sa bahay habang hawak ang kamay ni Regina.

Pumunta kami sa may dining at nakita naming nag-uusap sila ni papa kaya hindi nila ako napansin.

"Ma, pa," pagtawag ko sa kanila kaya nakuha ko ang atensyon nilang dalawa.

"Meet Regina, my fiancée."

Nalaglag ang mga panga nila sa gulat. Alam kong ganoon din si Regina dahil sa biglaang pahayag ko. Bahagya pa niya akong siniko para suwayin. Pero hindi ko na babawiin ang sinabi ko dahil ipinangako ko sa sarili ko na kapag nahanap ko na siya ay hindi ko na siya pakakawalan.

Agad na nakabawi si mama at tumingin nang nakakunot ang noo sa akin.

"Hindi dahil sinabi kong pipilitin kita sa ibang babae ay dapat humanap ka ng iba.  You're loving Renia for so long and don't expect me to believe you right now," medyo galit na sabi ni mama. Tumingin siya kay Regina, "Pasensya na hija. Pero iyon ang totoo."

"I know that he loves me, Ma'am," sagot ni Regina at alam kong pinipigilan niyang matawa sa reaksyon ng mama ko.

Nagulat rin ako sa reaksyon ni mama. Akala ko ayaw niya kay Re ko pero gusto rin naman pala niya. Medyo magulo talaga si mama.

"My son loves Renia," pagpipilit ni mama.

Tumikhim si papa na kanina pa nakatingin kay Regina. Tiningnan ako ni papa na parang may tinatanong kaya tumango ako. Of course, kilala nila ang mukha ni Re dahil sa mga pictures niya na inipon ko sa kwarto ko.

Ewan ko ba kay mama kung bakit hindi niya agad nakilala si Re dahil hindi naman malaki ang pinagbago ni Re.

"Honey, calm down. Let us hear them first," kalmadong sabi ni papa na hindi na mapigilan ang ngiti dahil sa naging reaksyon ni mama.

"You are right, ma'am. Your son loves me," sabi ni Re habang lumalapit kina mama at papa.

"I was Renia but my real name is Regina. Regina Bautista--soon to be David. It's nice to finally meet my future parents-in-law."

Namula kami ni mama sa sinabi ni Regina. Namula si mama dahil sa kahihiyan samantalang epekto ng kilig ang akin.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni papa kaya pinalo palo ito ni mama.

Lumapit ako kay Re ko at inakbayan siya. Sumimple pa ako ng halik sa kanyang namumula na ring pisngi.

This is what I've always dreamed for, to stand in front of my parents with my Re. I wished to do this too in front of her parents but I know it's now impossible.

Tahimik akong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa paggamit sa mga magulang ng Re ko bilang Kanyang mga instrumento para mabuhay si Regina sa mundo at para makilala ko siya.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon