Chapter 20

12.2K 284 27
                                    

Chapter 20

Mabilis ang panahon kapag masaya ka. Naniniwala ako rito. Kapag kasi masaya ka, hindi mo nararamdaman ang pagdaan ng mga araw. 

 Naging busy kaming lahat sa pag-aaral para sa final examination. Maraming pasaway sa amin sa block pero kapag major exams ang pinag-uusapan ay talagang nagseseryoso kami. Our dream is to be an engineer, kaya kailangan talaga ng puspusan sa pag-aaral. 

Kahit na tapos na ang competition ay naging ritual na namin ni Renia na magkita every Saturday para mag-aral. Minsan advanced reading lang ang ginagawa namin. At habang ginagawa namin iyon ay mas lalo ko siyang minamahal. She's the smartest person I know.

Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng convenience store kung saan namin napagkasunduang magkita ni Renia. I saw her inside drinking her coffee. Pumasok na ako para batiin siya.

"Hi Re! Still sleepy?" tanong ko sa kanya. Ako kasi hindi ako natulog sa sobrang excited para sa date namin.

"No, I'm a morning person," sabi niya pagkatapos ay tiningnan ang suot kong black jacket na katerno ng suot niyang jacket. Yes, we're wearing couple jackets. 

Ang jacket na suot ko ay may nakasulat na Je. Samantalang Re naman ang nakasulat sa jacket nito kaya kapag magkadikit kami ay mababasa ang word na "JeRe". Syempre, ako ang nagpagawa ng mga jackets. 

Halos magkapareho kami ng suot. She's wearing pants and rubbershoes, at ganoon din ako. Bumili ako ng dalawang 1L na bottled water at ilang biscuits sa store bago ko siya niyayang magbyahe na. 

6AM namin napagkasunduang magkita para makarating ng maaga sa Alviera. Sa Sandbox ang punta namin. Si Renia kasi ang nagsuggest kaya okay na sa akin.

"Drive thru muna tayo, Je," sabi niya nang mapadaan kami sa McDonalds kaya niliko ko iyong sasakyan na hiniram ko kay papa. Nagpapasalamat ako dahil suportado ako ni papa kaya nagawa niyang ipahiram sa akin ang Pajero niya.

Nag-order lang si Renia ng hotcakes at burgers. Pero hindi ko hinayaang siya ang magbayad.

Pagkatapos ay nagdrive na naman ako. Medyo malayo kasi ang Alviera sa lugar namin.

"Je, take a bite."

Nilingon ko siya at nakita kong hawak niya ang isang burger.

"Eyes on the road," muling sabi niya kaya muli akong nagconcentrate sa pagmamaneho.

Lumapit siya sa akin at inilapit din ang burger sa bibig ko kaya sumubo ako. Shit. Paano ako makakapagconcentrate nito?

Nagsunod sunod pa ang pagpapakain niya sa akin ng burgers. And God knows, how much I wanted to stop the car and kiss her.

"Where's your phone?"

Kukunin ko na sana ang phone ko sa bulsa ng pants ko pero pinigilan niya ako.

"Ako na."

Oh tukso.

Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko iyong kamay niya sa pants ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang nailabas na niya ang phone ko mula roon.

Napangiti ako nang mapansin kong ngiting ngiti ito habang hawak ang phone ko. Marunong na rin itong mag-wacky. My Selfie Queen. 

"Habang traffic, tingin ka muna dito," sabi niya habang hawak hawak ang phone ko.

Tumingin ako at ngumiti kaya sunod sunod ang pagkuha niya ng pictures namin. Pictures na lang namin ang laman ng gallery ko.

Sa buong byahe ay hindi ito tumigil sa pagkuha ng litrato. Nahuhuli ko rin siyang kinukuhanan ako habang nagmamaneho. Ang gwapo ko kasi.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon