Special Chapter-5

3.2K 97 11
                                    

Special Chapter-5

Malakas kong tinawag si Jethro nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. Umaatake na naman ang migraine ko. Inutusan ko siyang magluto kaya alam kong matatagalan pa siya sa pag-akyat ng kwarto. Pero muli akong sumigaw dahil hindi ko na talaga makayanan ang sakit na nararamdaman ko.

"JETHRO!"

Mahigpit ang kapit ko sa bed sheet dahil parang kinukurot ang utak ko sa sobrang sakit.

Nang bumukas ang pinto ay akala ko si Jethro na pero pumasok sa kwarto namin ang bunso namin na magtatatlong taon na.

"Mommy? Why?"

Umiling ako sa anak kong si Jethro. Akala niya ay siya ang tinatawag ko dahil Jethro rin ang pangalan niya, siya ang junior ng asawa ko.

"Mommy?" nag-aalalang tawag sa akin ng anak ko.

Tiningnan ko ang anak ko at unti unti nang lumalabo ang paningin ko. Lalapit na sana sa akin ang junior namin nang nagmamadaling pumasok ang asawa ko sa kwarto.

"Regina! Sumasakit na naman ba?" tanong niya.

"Je, it hurts so much," nanghihinang sabi ko kaya bumakas lalo ang pag-aalala sa mukha niya. Pero saglit ko lang iyong nakita dahil tuluyan nang nandilim ang paningin mo.

"MOMMY!"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ng aking Ysabelle. Nang makitang gising na ako ay bigla siyang sumiksik sa akin at pinaghahalikan ako sa mukha.

"Mommy, umiiyak po si baby Jun-jun kanina," naiiyak na sabi sa akin ng Ysabelle ko na limang taong gulang na.

Natutuwa ako dahil sobra sobra ang pinapakitang pagmamahal niya sa kapatid niya. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kanyang kapatid na ikinasasaya ng puso ko.

"Don't cry, Ysabelle. Your brother was just scared," masuyong sabi ko sa kanya.

"What happened to you, mommy? Daddy said you were having a headache," naiiyak pa ring tanong niya sa akin.

"It's just my migraine, baby," sagot ko sa kanya.

"Migraine? Ano po 'yon? Headache?" she asked again. Napangiti ako nang dahil doon.

"Parang ganun nga iyon," sabi ko sa kanya habang inaayos ang upo niya sa gilid ko at saka umupo na rin ako nang maayos.

"Mommy, I have migraine, also."

Pakiramdam ko ay maiiyak ako nang dahil sa sinabi niya sa akin. Pero pinigilan ko iyong mga luha ko dahil alam kong muli siyang magtatanong. I tried to clear my mind and only thought of these words,

Paano mo nasabi?

I was praying hard that she didn't hear me. I was already praying for this the moment I learned about my pregnancy with her.

"Mommy, sometimes my head hurts a lot, especially when we are outside with so many people," sabi niya sa akin na nagpahina sa akin.

Mabilis kong niyakap ang anak ko para hindi niya makita ang pagpatak ng mga luha ko. Iyon ang nadatnan ni Jethro nang pumasak siya sa kwarto ko habang natutulog si Junior sa bisig niya.

Kumunot ang noo niya at mabilis ding lumapit sa akin.

"Masakit na naman ba, Re ko?" He asked. Umiling ako.

Dahan-dahang inilapag ni Jethro ang bunso namin sa may sofa pagkatapos ay lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Mommy, you're hugging me too tight," reklamo ni Ysabelle kaya binitawan ko na siya.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon