Chapter 17

9.7K 235 19
                                    

Chapter 17

Pagkapasok ko palang sa university ay nakita ko na siyang naglalakad papasok sa room kaya mabilis ko siyang hinabol at bigla na lang niyakap.

Bahagya niyang tinapik ang balikat ko para pakawalan ko na siya. Humiwalay ako at saka naman siya humarap sa akin nang nakangiti.

"Happy New Year, Je!" nakangiting sabi niya sa akin kaya ngumiti din ako pabalik at binati din siya.

Nagulat ako nang humawak siya sa kamay ko pagkatapos ay pumasok na kami sa room. May mga tao na sa room kaya agad naming nakuha ang atensyon nila.

Binati nila kami at kinamusta, ako lang ang sumagot dahil alam ko namang hindi sila papansinin ni Re ko.

Ako lang talaga ang hinahayaan ni Renia na makalapit sa kanya ng husto.

"Bro," bulong sa akin ni Christopher sa kaliwa ko.

I ignored him because I was enjoying the moment. Nakahawak pa rin kasi sa kamay ko si Renia. Pero muli na naman niya akong tinawag na may kasama pang kalabit.

"Oh?" bulong ko rin.

"Kinilig naman ang tumbong mo, e noh?" pang-aasar niya sa akin.

Bahagya ko siyang nilingon.

"Fck you," I mouthed then he laughed.

Sobrang lakas ng tawa ni Christopher kaya pati si Renia na laging walang pakialam ay napatingin sa bwiset na lalaking ito.

"Sorry, fans. Inaasar ko lang itong lover boy natin dito," malakas na sabi niya kaya nagtawanan ang mga blockmates namin.

Nakita kong namula ang pisngi ni Renia at akmang bibitawan ang kamay ko pero agad kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Never let me go, Renia. Never.

Nakatingin ito sa akin kaya alam kong nabasa niya ang nasa isip ko. Umiwas ito ng tingin sa akin at hinigpitan din ang hawak sa kamay ko.

Good girl, Re.

"Gusto kitang ligawan, Re," bulong ko sa kanya.

Narinig ko ang mura ni Christopher sa tabi. Ang lakas talaga ng pandinig ng bwiset.

"Pag-usapan natin iyan mamaya," nakangiting sabi niya.

Madali akong mag-assume, Re. Hwag mo akong paasahin, please.

Tinitingnan lang niya ako at nawala na ang ngiti sa labi.

"Later, Je. Later," sagot nito pagkatapos ay pilit na humiwalay sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

Sorry.

Tumango na lang siya sa akin at wala akong nagawa kundi maghintay na lang hanggang matapos ang klase.

Dumating na yung unang prof namin at puro kwentuhan lang ang naganap.

Nagulat ako nang hinila ako ni Christopher pagkatapos ay tinulak ako palapit sa prof namin na nagtatakang nakatingin na sa amin.

"Anong trip mo?" inis kong sabi sa bugok na iyon. Nanahimik ako tapos bigla na lang nanghihila at nanunulak ang bwiset.

"Sir, may we go out?"

Tngina, akala yata nito nasa High school pa siya.

Tinaasan siya ng kilay ng prof, "Kung hindi ka natutulog, lumalabas ka naman sa klase. Naglolokohan na lang yata tayo dito, Mr. Lopez. Sabihin mo lang sa akin kung may balak kang ipasa ang subject ko. Ngayon, dinadamay mo pa si Mr. David," litanya ng prof.

Halata namang hindi nakikinig si Christopher kasi busy siya sa pagsenyas sa dalawa pa naming katropa na dirediretso nang lumabas habang busy sa kakadaldal iyong prof. Mga walanghiya talaga ang mga ito.

Nang makalabas na sina Braiden at Jorg, doon palang pinansin ni Christopher iyong prof.

"Naiihi na talaga kami, Sir. Bye!" walang hiyang sabi ni Christopher tapos hinila niya ako palabas.

Nakakunot ang noo ni Renia nang mapadaan kami sa kanya. Pero hila hila pa rin ako ni Christopher kaya hindi ako nakahinto.

Nasa labas na iyong dalawa pa at hinihintay kami. Pinagsasapok ko naman iyong tatlo nang makawala ako sa hawak ni Christopher.

"Anong trip niyo?" inis kong tanong kahit na sobrang naenjoy ko iyong eksena kanina.

"We missed you, bro," sagot ni Braiden kaya nasapok ko ulit ito. Umamba naman itong susuntukin niya ako kaya binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin.

"Nakonsensya kasi iyang si Christopher," umiiling na sabi ni Jorg kaya napatingin ako kay Christopher.

"Anong ako?! Baka ikaw!" balik ni Christopher kay Jorg.

"Ano ba! Para kayong mga bata," pagsuway ko sa dalawa at narinig ko naman ang paghalakhak ni Braiden.

Kaya tiningnan ko siya at tumingin ng masama sa kanya, "What's funny?"

"You and your obsession."

Tumaas ang kilay ko sa sinagot niya. Ngumisi lang siya pabalik. Braiden and his gayish mouth.

"Tinanong ng mommy mo si Christopher about Renia. And Jorg being the most talkative, sinabi niya lahat sa mama mo ang alam niya tungkol kay Renia."

Tiningnan ko si Jorg at tumango ito. Kaya siguro bigla akong pimagsabihan ni mama noong isang araw.

"Ano ngayon? What is this all about?" masungit kong tanong.

Ngumisi naman si Braiden at pinakita ang phone niya sa akin.

"I know where she lives," sabi pa ni Braiden habang hawak hawak ang phone. I saw Renia at the convenience store na malapit kina Braiden, dapat ay hindi na ako magugulat kung malalaman ni Braiden kung saan siya nakatira.

Binigay ni Braiden ang phone niya sa akin kaya tiningnan ko iyong picture doon.

Sa picture ay papasok si Renia sa maliit na apartment. Wala akong pakialam kung saan siya nakatira. Ang pinagtatakaa ko lang ay bakit dito tumitira ang isang taong may ari ng isang kumpanya na 40-story building?

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon