Chapter 15

9.6K 258 10
                                    

Chapter 15

Sobrang excited ako habang papunta sa park kung saan ang meeting place namin ni Renia. Sa malayo pa lang ay nakita ko siyang gumagawa ng loom bracelet gamit lang ang mga kamay niya.

Mukhang hindi pa niya tapos ang regalo niya para sa akin. Pinanuod ko muna siya sa malayo. Lumapit lang ako sa kanya nang nakita kong nakangiting itinago no Renia iyong bracelet.

Maingat kong hinawakan ang tatlong malalaking nakabalot na regalo ko sa kanya habang papunta sa kanya.

"Hi Re!" bati ko habang inaabot na ang mga regalo ko sa kanya.

"Ang dami nito, Je. Thank you," amused niyang sabi.

"Pwede ko na bang buksan?" tanong niya sa akin kaya tumango ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti kp habang pinapanuod ko siyang sobrang excited na binubuksan ang mga regalo.

Maingat nitong binuksan ang wrappers imbis na sirain. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita na niya ang mga pictures niya na nasa may kalakihang frame. May text na nakaukit pa sa mismong frame na "Re Niya".

Tumingin ito sa akin at punung puno ng kaligayahan ang mata niya. That's the happiest moment of my life.

Ang huling regalong binuksan niya ay ang frame kung saan pinagsamasama ko ang mga selfies namin sa iisang frame kung saan may nakaukit na "Re Ni Je".

"Wow, Jethro. Salamat!" masayang sabi niya sa akin habang masayang tinitingnan ang mga pictures namin sa frame na iyon.

Kitang kita ko ang appreciation at galak sa mga mata niya kaya lalo siyang gumaganda. Damn girl, kahit anong gawin niya lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Maingat na ibinaba niya ang frame pagkatapos ay may kinuha sa kanyang bulsa. Doon ko nakitang itinago niya ang bracelet na ginagawa niya kanina.

"Waa kasi akong maisip na regalo, Je. Sana magustuhan mo," sabi niya sabay kuha ng kamay ko pagkatapos ay maingat niyang ipinasok ang bracelet doon.

Maganda ang pagkakagawa ng bracelet. Hindi iyon ordinaryong loombands na nagagawa ng kahit sino. May sarili iyong style na sobrang nagandahan ko. Combination lang ng black and white ang gawa niya kaya lalo ko pang nagustuhan iyon.

Hindi ako makapaniwalang kinamay lang niya iyom dahil sobrang linis talaga ng pagkakagawa. Ibang klase ka talaga, Re.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya habang nagpapasalamat ako sa kanya. Nang humiwalay ako ay nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi kaya wala sa sariling napahawak ako doon.

Kahit na nahalikan ko na siya sa labi ay hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin.

Namula ang mukha niya habang iniiwas ang tingin sa akin at tiningnan na lang muli ang mga regalo ko sa kanya.

Napangisi ako sa nakita kong epekto ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

"Re..."

"Oh?"

"Tara, punta tayo sa amin," sabi ko kaya napatingin ito sa akin.

"Jethro, ayaw ko nga."

"Kung ayaw mo, ako na lang pupunta sa inyo," pangungulit ko pa.

Pinikit niya ang mga mata niya na parang kinakalma ang sarili. Kinabahan naman ako doon dahil ayaw kong nagagalit siya sa akin.

"Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko," mariin niyang sabi sa akin.

"Pero, Renia, gusto lang kitang ipakilala kina mama," sabi ko.

"Hindi mo naman ako kailangan ipakilala sa kanila," pagpupumilit pa rin ni Renia.

"Pero Renia--"

"Ayaw kong mapaaga, Jethro. Kaya sana huwag ka munang mangulit. Darating din tayo sa time na iyon. Maniwala ka sa akin, basta hintayin mo lang," mahinahon ang pagkakasabi niya pero maririin.

Wala na akong nagawa kundi tumango.

"Aalis na ako. Maraming salamat, Jethro," muli niya akong hinalikan sa pisngi. "Advance Merry Christmas, Je."

"Merry Christmas, Re."

Pinanuod ko na lang siyang lumayo habang dala ang mga regalo ko sa kanya. Kapag kasi ganoon ang sitwasyon hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Hindi ko kasi maintindihan dahil hindi naman niya ipinapaintindi sa akin.

Gusto kong isumbat na girlfriend ko siya kaya gusto kong makilala ang mga magulang gaya ng gusto ko siyang ipakilala sa mga magulang ko. But I can't do that, because she's not my girlfriend. Ayaw niya ring manligaw ako sa kanya.

Mapatingin ako sa bracelet na regalo niya. "Bakit ka ganyan?" tanong ko.

Umiling na lang ako at tumayo sa pagkakasandal sa puno. At naisipang umuwi na lang.

I know you hide something. Can't you exclude me from your list, Renia? Can you?

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon