Chapter 22

9.4K 271 25
                                    

Chapter 22

Umalis si Mr. Torres after a week pagkatapos ng usapan namin. He tried to talk to that Ms. Renia Rose Mapagpigil for a month but still got nothing.

Iyan ang dahilan kung bakit lumipad na ako sa Barcelona. Ilang linggo ko ring pinaghirapan para makausap siya. I am very thankful that I am one of the most successful engineers in my country. That's the reason why I got an appointment with her.

"I have an appointment with Ms. Renia Rose Mapagpigil."

Sinabi ko iyon sa receptionist pagkatapos ay nagbigay sila ng instructions. Siniguro pa na wala akong dinadalang gadget na may camera. Papunta pa lang ako sa elevator nang may tumawag sa akin.

"Jethro! Jethro David!"

Napalingon ako sa babaeng tumawag at literal na nanlaki ang mga mata ko.

Kung dati ay iiwasan ko sigurado siya pero nagbago na ngayon.

"Sandra! What are you doing here?" tanong ko.

"I work here," sagot niya pagkatapps ay tiningnan ako ng matagal. "Lalo kang gumwapo. Namiss kita."

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita. Alam ko naman na magsasalita ulit ito. Medyo lumungkot ang mukha niya pero nanatili pa ring nakangiti sa akin.

"Bibisitahin mo ba siya?" tanong niya sa akin. Biglang lumakas ang pintig ng dibdib ko.

"Alam mong siya ang may-ari nito? Nakita mo na rin ba siya?" sunod sunod kong tanong.

"Hindi ko pa siya nakikita pero naniniwala akong siya iyan kasi ka-apelyido niya, lalo akong naniniwala ngayon kasi binibisita mo siya. Ang tagal ko ng nagtatrabaho dito pero Engr. Mapagpigil lang ang alam kong pangalan ng big boss namin. Mabibilang lang sa kamay ang mga nakakakita talaga sa kanya." Pinakinggan ko lahat ng sinabi.

"Kayo pa rin pala, 'no? Ilang beses mo na siyang binisita? Buti na lang naabutan kita ngayon," sabi niya pagkatapos ay tumawa ito.

"Oo nga e," tipid kong sagot. "Una na ako. Ingat."

Pinanuod pa rin ako ni Sandra hanggang sa makapasok ako sa elevator. Pinindot ko ang 50th floor. Nasa top floor daw ang opisina ng kanilang big boss.

Habang palapit na palapit sa pinindot kong numero ay lalong nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Umaasa pa rin ako na siya iyon kahit na alam kong imposible.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng elevator. May mga guards doon at isang babae sa tapat ng isang glass door. Ito siguro ang secretary.

"Are you Mr. Jethro David?" tanong sa akin pagkalapit ko.

"Yes, is Ms. Mapagpigil already inside?" tanong ko.

Pinalapit ng secretary ang isang guard para kapkapin ako. Nang makita ang phone ko ay kinuha iyon ng secretary. Hindi kasi iyon nakita sa reception kanina.

"You will have this after your conversation with Ms. Mapagpigil," sabi ng secretary. Tumango na lang ako.

"She's already waiting for you, ," sabi ng secretary habang binubuksan ang glass door.

"Thank you," sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin.

Sumalubong sa akin ang mukha ng babaeng nagpapakilala bilang si Renia.

May sinabi muna ang secretary sa Spanish bago kami iwanang dalawa sa opisina.

"Have a seat, Je."

Nanlaki ako sa tinuran nito at sa boses. Medyo kahawig ng boses ni Re ko ang boses ng babaeng kaharap ko. Posible kayang... ang kaharap kong babae ay si Re ko?

Mabilis ang tibok ng puso ko pero alam kong hindi ganoon ang pintig nito kapag kaharap ko si Re ko. Kinakabahan lang ako ngayon kaya ganito.

"You found me, Je," muling sabi nito.

"Stop calling me that," mariin kong sabi.

Hindi ko akalaing kilala niya ako. Mukhang ito pala ang dahilan kung bakit siya pumayag sa appointment na ito.

"Why? I am Renia. Your Renia Rose Mapagpigil."

Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Alam kong hindi ikaw si Re ko.

"Where is she?" tanong ko at binalewala ang sinabi niya.

Nagseryoso ang mukha niya at hindi ko naiwasang ikumpara ang magandang mukha ng mahal ko sa mukha ng babaeng nasa harapan ko. They have the same expressive eyes.

"I honestly don't know," sagot niya. Kahit na napakaseryoso ng mukha niya ay nakarinig pa rin ako ng lungkot doon.

"Is she your sister?" Hindi ko naiwasang itanong. Nandidilim ang paningin ko habang nakatingin sa babae.

"Yes, half sister. We have the same mom but different fathers. Her father was the reason why our mom died. "

Nagtuloy tuloy ang pagkukwento nito. Nalaman ko na siya talaga ang totoong Renia. Dahil mahina ito sa pag-aaral ay napagdesisyunan ng ama ng totoong Renia na magpanggap si Re ko bilang anak niya kapag nasa Kolehiyo na. Pumayag si Re dahil sa utang ng loob. Ginagalang ni Re si Mr. Mapagpigil dahil ito ang kumupkop sa kanya.

Nainggit ang papa ni Re kay Mr. Mapagpigil, ang ama ng totoong Renia na isang half Spanish and half Filipino. Iyon ang dahilan kung bakit inagaw ng papa ni Re ang asawa ni Mr. Mapagpigil. At nagbunga ang pagtataksil ng dalawa, iyon ang babaeng mahal ko. Nasabi rin niya na may step mom na ito ngayon.

Nag-suicide ang ama ng mahal ko pagkatapos mabaon sa utang dahil sa paglubog ng negosyo ng mga ito. Isang linggo pagkatapos mamatay ng ama niya ay sumunod din ang mama niya. 

My heart was breaking while hearing her story. Hindi ko alam na ganoon katindi ang napagdaanan ng Re ko. Kahit hindi Renia ang pangalan niya ay alam kong  siya pa rin ang Re ko.

Naiwang mag-isa ang mahal ko kaya nagmagandang loob ang ama ng totoong Renia at kinupkop siya. Kaya hindi daw nakatanggi si Re nang humiling si Mr. Mapagpigil sa kanya. Iyon daw ang kauna-unahang hiling ni Mr. Mapagpigil kay Re.

Homeschooled dapat si Re pero pinilit niya na mag-aral sa isang unibersidad nang pumasok na sa Kolehiyo para mas lumawak ang kaalaman niya kaya pinili niyang mag-aral sa Pilipinas. Filipino din kasi ang mga magulang ng Re ko.

"She went to three universities. I was the one who decides for her because she was using my name."

Galit na galit ako dahil doon pero pinili kong respetuhin ang desisyon ng mahal ko.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit bigla itong nagtransfer.

"I knew you were dating her. And I knew you are a distraction that's why I asked her to leave that university and you, too. My name is very important."

Tahimik akong nanghihiram ng pasensiya kay Re. Naibigay ko na kasi lahat sa kanya. Kahit na kapatid niya ang babaeng ito ay alam kong masusuntok ito kapag nagpatuloy pa siya.

"Are you happy with what my Re has achieved for you?" mariin kong tanong.

"You may leave now," mariin ding sabi niya.

Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.

"What's her name?" I asked.

Ngumisi lang ang babae sa akin pagkatapos ay pinindot ang intercom at may sinabi sa salitang Spanish.

Ilang sandali lang ay may pumasok na guard at agad akong hinawakan at pilit na hinila palabas.

"What's her name? Where is she?" tanong ko pero nanatili lang itong nakangisi. Damn this girl.

Padabog kong kinuha ang phone ko sa secretary at mabilis na lumabas.

Naiyak ako sa sobrang frustration. Lahat lahat na. Awa, galit at pangungulila. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na kalimutan na lang siya. I fell in love too hard and I know I can't do anything to forget her. Masyado akong natamaan para sukuan siya.

I won't do that. I promised to wait for her.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon