Prologue

50.2K 719 42
  • Dedicated kay Kathryn and Daniel
                                    

Still Waiting (KathNiel)

Written by InnocentPen

PROLOGUE

"Ano ba talaga tayo?"

Iyon ang parati kong tanong sa iyo. Alam kong hindi ko magawang ipadama sa iyo kung gaano kita kamahal sa pamamagitan ng salita pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Mahal kita. Sana naramdaman mo iyon sa mga kilos ko.

"Tao."

Iyon naman ang madalas mong isagot at may kasama pang tawa. Kapag ipapaliwanag ko naman ang tanong ko ay iniiwasan mo iyon.

"Salamat. Sige, uwi ka na rin. Ingat ka."

Ito ang mga huling salitang sinabi mo bago ka nawala na parang bula. Madami akong gustong itanong sa iyo..

Kung bakit ayaw mo akong ipakilala sa mga magulang mo gaya ng pag-ayaw mong kilalanin ang mga magulang ko.

Kung bakit ako lang ang hinahayaan mong makalapit sa iyo.

Kung  bakit ayaw mong ligawan kita.

Kung bakit madalang ka lang magsuklay.

Kung bakit ayaw na ayaw mong hinahatid at sinusundo kita.

Kung bakit ayaw mong aminin na mahilig ka ring magselfie na  kasama ako.

At kung bakit napakamisteryoso mo...

pero nakuha mo pa rin ang puso ko.

Marami din akong gustong isumbat sa iyo gaya ng biglaan mong pagkawala pero bumalik ka lang sa akin at hinding hindi ka makakarinig ng kahit anong sumbat ko.

Come back to me....I am still waiting.

**

Author's Note: I'm back with a new story! And with a new challenge for myself. Kahapon ko lang naisip ito kaya sinulat ko na. Sana po ay suportahan niyo. Salamat! ♥ -Joycei

#ByahengForever

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon