Chapter 11

12.3K 279 23
                                    

Chapter 11

7:30 am palang ay nasa university na ako. Kahit na group study ito ay pakiramdam ko ay date ito.

I swiped my id before I entered the library. Dahil Saturday at masyado pang maaga ay wala pang masyadong tao. Pero kitang kita ang isang babaeng may itim at tuwid na buhok na nasa isang tabi at tahimik na nagbabasa.

Mas maaga pa siya sa akin? Dapat pala 7 am palang ay nandito na ako.

Natatarantang lumapit ako sa kanya, "Ang aga mo naman."

Tumingin muna siya sa akin bago niya ibaba ang kanyang binabasang libro na ang title ay 'Chinese Cinderella'.

"Can we start?" tanong niya sa akin habang nilalabas ang kanyang mga math books.

Ngumiti lang ako at nilibas ang dalawang sandwich sa bag ko. Napaka-special pa ng pagkakagawa ko doon.

"Kain muna tayo," sabi ko.

Kinuha naman niya ang isang sandwich at nilagay ito sa kanyang bag. Pagkatapos ay itinuro ang pader ng library na may nakalagay na 'No eating and drinking inside the library'.

"Thank you for the sandwich," sabi niya sa akin pagkatapos ay binuksan na ang calculus book.

"You are always welcome. Igagawa na kita ng sandwich palagi," nakangiting sabi ko.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Jethro," sabi niya habang may hinahanap itong page sa book.

"Hayaan mo na lang ako. Masaya na ako kapag tinatanggap mo ang mga binibigay ko," sabi ko tapos tumahimik na nang sinabi na ni Renia ang mga gagawin namin ngayong araw.

Magsasagot kami ng problems sa Calculus pagkatapos ay ikukumpara namin ang mga sagot namin at ididiscuss.

Pagkatapos ng dalawang oras na katahimikan ay natapos na naming sagutin ang mga equations sa anim na activity. Mahihirap ang mga equations na iyon kada activity kaya laking pagtataka ko nang natapos ko iyon ng dalawang oras lang.

Halos parehas kami ng sagot, nagkaiba lang ang sagot namin sa dalawang item. Sa isang item ay si Renia ang nakakuha ng tamang sagot kaya diniscuss niya sa akin kung paano niya nakuha iyon.

Aaminin kong kilig na kilig ako sa mga oras na iyon dahil sa ang dami daming sinabi sa akin ni Renia. Kahit na Math iyon ay wala akong pakialam dahil bibig pa rin niya ang ginamit.

Doon sa pangalawang item ay ako ang nakakuha ng tamang sagot kaya diniscus ko iyon kay Renia. I was very nervous that time because of her intimidating eyes. Pero ginalingan ko pa rin baka sakaling maimpress siya sa akin.

Pagkatapos naming magsolve ng maraming equations ay nagsimula kaming magtanungan ng mga Math terms, syempre nang pabulong.

Nagtagal din iyon isang oras at kalahati. Dahil hindi naman talaga ako masipag na magbasa ay marami akong hindi alam sa terms. Kabaliktaran ko naman si Renia dahil lahat ng itatanong ko ay nasasagot niya.

"Next Saturday, we will study Trigonometry," sabi niya pagkatapos naming magligpit ng gamit.

Sa totoo lang, hindi na namin kailangan ng review. Pero ayaw ko namang magreklamo dahil sobrang gusto ko ring makasama siya kahit ilang oras lang.

"Same time and place?" tanong ko.

"Oo," sagot nito pagkatapos ay nilingon ako. "Cafeteria."

Napamaang ako habang pinapanuod itong lumabas ng library. Cafeteria?

Nagmadali akong sumunod sa kanya. Napangiti akong wala sa oras nang makita ko siyang nasa loob ng elevator habang hawak ang hold button. Talagang hinintay pa niya ako.

I cleared my throat as the elevator closed. "May alam akong masarap na kainan, my treat. Gusto mo?" nahihiyang tanong ko.

Diretso lang ang tingin ni Renia. "No. Sa cafeteria na lang tayo kumain."

Lumaki ang ngiti ko nang narinig ko mula sa kanya ang salitang tayo. Ang sarap lang pakinggan kapag nanggaling iyon sa kanya.

Pumasok kami sa building ng engineering at bumaba sa basement, nandoon kasi ang cafeteria ng College of Engineering and Architecture. Kaunti lang ang tao nang makarating kami, kaunti rin ang bukas na stores dahil nga Sabado ngayon.

Umupo ito sa may upuan doon kung saan malapit sa aircon kaya sumunod ako.

"Anong gusto mong kainin, Renia?"

Binuksan ni Renia ang bag nito at pinakita sa akin ang sandwich na binigay ko sa kanya kanina, "Okay na ako dito."

Mabilis akong umiling, "Hindi, lunch time na. Dapat ka ng kumain ng rice," sabi ko.

Umiling din siya sa akin,"I am not hungry."

"Pero--"

"Stop it, Jethro. This sandwich is already too much for lunch," sabi niya kaya hindi sinasadyang napatingin ako sa sandwich.

Kung ako siguro ay kulang na kulang pa iyan. Ganito pala siya kahinang kumain. Pero hindi pwede yan kay Jethro, papatabain ko ito.

Tumayo ako para bumili ng pagkain namin. Iyong main canteen lang ang bukas kaya no choice. Bumili ako ng combo meal para sa kanya, chicken rolls at asado.

Pagkabalik ko ay inilapag ko iyong dalawang plato at saka pinanuod ang maliliit na kagat niya habang kinakain ang sandwich na gawa ko.

"Renia, here." Inilagay ko sa kamay niya iyong spork.

Tiningnan naman niya ako sa mata pagkatapos ay huminga ito ng malalim.

"This is too much, Jethro," sabi nito nang nakatingin sa plato nitong puno ng pagkain.

"Try mong ubusin, kundi masasayang iyong perang ipinambili ko. Sa dami ng taong nagugutom sa buong mundo, dapat h'wag na nating dagdagan at magpasalamat na lang tayo kung may nakakain pa tayo. Kaya ubusin mo iyan para--"

"Okay, okay. I understand. I will try to eat this all. No need to say such things," pag-iinterrupt niya sa paglitanya ko.

Bahagya akong napakagat ng labi sa kahihiyan. Ang bakla non, Jethro.

Nakita kong ibinalot niyang muli iyong sandwich na ibinigay ko sa kanya bago iyon ilagay sa bag. Inisip ko na lang na sobrang nagustuhan niya iyon.

Sinubukan nga niyang kainin iyong ibinili ko sa kanya. Naubos niya iyong kanin pero may natira pa sa mga ulam. Okay lang, marami na rin naman siyang nakain.

"Saan mo gustong pumunta?" natanong ko kay Renia pagkatapos kong ibalik iyong mga plato namin sa pinagbilhan ko. Umaasa ako na makakasama ko pa siya kahit ilang oras lang.

"Umuwi na lang tayo, Jethro," mahinang sabi niya sa akin. Kaya napatango ako ng wala sa oras. Paano ba naman ginamit na naman niya ang salitang tayo.

Hindi ko naiwasang mamula kapag narinig sa kanya iyong salitang tayo. Tangina, para kaming mag-asawa, parang nasa isang bahay lang kami nakatira ng dahil sa sinabi niya.

"Thanks for the lunch, Je."

Pakiramdam ko nagningning ang mata ko sa itinawag niya sa akin. Ibig bang sabihin close na kami kaya binibigyan na niya ako ng nickname?

Ngumiti ako sa kanya, "You are always welcome, Re."

Hashtag best day ever.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon