Chapter 7

12.1K 289 19
                                    

Chapter 7

Si Renia ang nasa isip ko habang nagpapakalasing kami sa iced tea. Asar na asar pa rin iyong tatlo pero inenjoy na lang nila iyong pulutan.

Alam mo, Renia. Nakakainis ka! Ang hirap hirap na nga para sa akin na iwasan ka tapos bigla mo akong guguluhin.

"Bro, anong trip ito?" tanong sa akin ni Jorg.

"Narealized ko na masama palang uminom ng alak," sabi ko.

"We are not underage!" giit pa ni Braiden. Nagkibit balikat lang ako at tinawanan sila.

Napatayo bigla si Braiden nang may mga bagong dating. Ang Kuya Gelo nito kasama si Ate Hazel, ang maganda nitong asawa na hawak ang kamay ng kanilang maliit na anak na babae.

"Bray bray!" Narinig naming tawag ni Ate Hazel kay Braiden.

Nagpigil kami ng tawa. Tawang tawa kasi kami kapag tinatawag siyang ganon. He was twenty years old, for Pete's sake!

Lamapit si Braiden dun sa maliit na bata at binuhat ito at saka dinala sa amin. Nasa tatlong taong gulang na iyong sobrang cute na anak nila.

"Say bleh to them, Halo," utos ni Braiden na ginawa naman ng bata. Nakangiti pa si Halo habang binabanggit iyong "beh" imbis na "bleh".

Nanlaki naman ang mga mata ni Braiden habang tinitingnan ang pamangkin.

"What? Don't call them 'beh'. They are monsters, awoooh," suway ni Braiden sa pamangkin.

Nagtawanan kaming bigla. Bata pa lang kami ay talagang may pagkabakla na si Braiden kapag nagsasalita. Buti mga ay medyo hindi na siya conyo ngayon hindi tulad nung dati.

Lumapit sa amin iyong mag-asawa at tinitingnan iyong inumin namin.

"Aba, anong trip ito?" tanong ni Kuya Gelo habang hawak iyon bote ng lemon iced tea.

"Ask Jethro," sabi ni Braiden habang pinaglalaruan pa rin ang pamangkin.

"May nagbawal sa akin uminom," sagot ko.

Exaggerated na napabuga ng kanyang inumin si Jorg habang lumingon lang sa akin si Christopher.

Tumingin sa paligid si Jorg bago nagsalita. "Si Ms. Mapagpigil?!"

Tumango ako at nagtawanan naman iyong mag-asawa.

"Bray bray,  gayahin mo itong kaibigan mo. Nagbabagong buhay na," natatawang sabi ni Ate Hazel.

"My life is already perfectly imperfect. I don't need to change anything," pambaklang sagot ni Braiden na ikinailing ng kuya nito.

Kinuha na nila si Halo at nagpaalam na papasok na sa bahay.

Pagkaalis nila ay halos sabay sabay na nagbuntong hininga ang tatlo.

"Ang baho!" pang-aasar ko habang tinatakpan ang ilong.

Pero hindi nila iyon pinansin.

"Si Renia ang dahilan kung  bakit nagiging mas bobo ka na ngayon?" harsh na tanong ni Christopher.

"Nagsalita ang matalino ha!" sagot ko imbis na sagutin ang mga tanong nila.

"Talaga naman! So bro, tinamaan ka na talaga sa kanya?" tanong ulit ni Christopher.

Hindi ako sumagot kahit malinaw na sa akin ang sagot.

Hinihintay ng tatlo ang sagot ko perp nakuha nang mainis ang tatlo pero hindi pa ako sumasagot.

"Hoy, Braiden. Dahil ikaw iyong machicks sa ating lahat. Pwede bang mainlove iyong isang tao sa loob lang ng tatlong linggo?" tanong ni Jethro.

"No!" mabilis na sagot ni Braiden. "That three weeks are not enough to know a person well. Lalong lalo na if we are talking about Renia."

Uminom muna ako ng iced tea bago nagsalita.

"Hindi naman sukatan iyong love sa kung gaano mo kakilala ang tao. Ito iyong pagtanggap mo kahit na ano pa siya," sabi ko at naglaglagan ang mga panga nila habang tinitingnan ako.

"Fuckers! Tinamaan nga!" sigaw ni Jorg at tinawanan ako.

"Don't worry, mah friend. Hindi ko ipagkakalat. Hahayaan kong makaporma ka muna bago ko ipagkalat," sabi ni Jorg.

"As if he will!" sabi pa ni Braiden.

"Pinapalayo niya ako sa kanya."

Nagtinginan iyong tatlo.

"Mahirap iyan!"

"Hanap ka na lang ng iba," suhestyon ni Jorg.

Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin kaya sila naman ang nagtakip ng ilong.

"Ang baho, Tol!"

"Gusto mo ng mouth wash?"

"Sht. I think I'm gonna puke!"

I mouthed a bad word to them then they laughed.

"Seryoso, sabi mo pinapalayo ka niya tapos ngayong binabawalan kang uminom ng alak. Tingin ko, confused siya sa feelings niya para sa iyo."

Napatingin naman ako kay Christopher nang sabihin niya iyon. Bihira lang na magsalita  ang isang ito ng mahaba.

Confused si Renia? Sht. Binawalan niya ba ako sa pag-inom ng alak? O nag-assume lang ako?

"Alam kong alam mo na masama iyan sa kalusugan."

Assumero ka nga talaga, Jethro.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon