Chapter 19

10.3K 259 31
                                    

Chapter 19

You don't need to hide your eyes from me, Jethro. I can still read your mind, clearly. And even louder just by touching you.

I was hurting him and I couldn't do anything to protect him. Gusto kong sabihin ulit na layuan niya ako dahil masasaktan lang siya pero hindi ko kaya. I was being selfish. I want him around.

Hindi ako makasagot nang ipinagtapat niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon.

"But it's okay, as long as you let me stay close to you," dagdag ni Jethro.

Pinili kong hindi magpakita ng emosyon sa sinabi niya kahit ang totoo ay gustung gusto kong umiyak sa sakit na nararamdaman ko.

God, give me a life. My own life.
**

Hindi siya nagsalita. Tiningnan lang niya ako ng matagal. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong magalit sa kanya kahit na pakiramdam ko ay nilalaro na lang niya ako. At nagpapakamartyr naman ako. Is this normal?

She's not ready, I know. I am willing to wait. But I don't know if I can wait forever.

Bumalik kami sa room na parang walang nangyari. Mas naging busy kami sa pagrereview dahil limang araw na lang bago ang competition.

I should be mad at her, but I was blaming myself for all of these. I have fallen in love with her. She didn't ask me to. I think this is my consequence for loving her.

Para sa akin mas mabuti nang ienjoy namin ang mga araw na magkasama kami kaysa magtanim ng sama ng loob. The moment I realized I love her, I also promised to myself that I will give her all my patience and understanding.

Bumalik kami sa dati. Iyong...kinakausap ko siya gamit lang ng isip ko. Kapag siya naman ang may sasabihin, tipid siyang magsalita. Iniisip ko na sana nabiyayaan rin ako ng psychic powers tulad ng kanya.

"Maghanda na kayo, tatawagin na kayo sa stage," sabi sa amin ni Mrs. Balingit.

Tumango kami ni Renia sa professor. Lumabas din si Mrs. Balingit pagkatapos at naiwan ang anak nitong si Sandra na nakatingin sa akin.

"Your necktie, Jeth," sabi ni Sandra. Lalapit sana siya sa akin kaso biglang humarang si Renia at siya na mismo ang nag-aayos ng necktie ko.

Bago niya ako bitawan ay binigyan muna niya ako ng masamang tingin. Inisip ko na lang na baka ayaw niyang may humahawak na iba sa akin. My god, I'm falling...deeply.

Tumikhim si Sandra kaya napatingin sa kanya si Renia. Kay Renia lang ang tingin ko. Alam ko namang magpapapansin lang si Sandra.

"Good luck, Jeth! And Ate Renia." Narinig kong sabi niya tapos ay nauna nang lumabas sa amin.

"She called me 'ate' but she did not call you 'kuya'. Was she kidding me?"

Kinagat ko ang labi ko para pigiling matawa. Ang cute niya kasi habang sinasabi iyon. It felt so good when she wants me only for herself. My Possessive Re.

"What?" tanong niya sa akin nang makita niya ang reaksyon ko. She rolled her eyes at me.

"Re, kailan ka pa naging mataray?" Hindi ko maiwasang sabihin sa kanya.

"Shut up, Je."

Tuluyan na akong natawa. Madalas kasi kapag nag-aasaran kami hindi ito nagpapatalo or minsan tatahimik na lang. Ngayon lang ito nagpakita ng pagkapikon. And it's cute as hell.

Natigil lang ang pang-aasar ko sa kanya nang tinawag na kami sa stage kaya nagmadali kaming umakyat sa stage, ako lang pala. Namangha ako nang makitang normal pa rin ang lakad niya papuntang stage. A Renia will always be a formal Renia.

Kaya mabilis kong kinalma ang sarili ko at ginaya ang pormal na ekspresyong pinapakita nito.

"Renia and Jethro David from HAU," pormal na pagpapakilala ni Renia sa aming dalawa. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mabagal na pagbigkas niya sa Re-nia. Kaya parang Re Niya ang bigkas niya.

Hindi rin binanggit ni Renia ang fullname nito kaya parang David na rin ang kanyang naging apelyido. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon para pakiligin ako dahil kinilig talaga ako. Darn, I am such a girl. Malapit na akong itakwil nina papa sa pagkabakla ko.

Kami ang nanalo. Pagkatayo pa lang namin sa stage na iyon ay dapat tanggap na ng mga kalaban namin na matatalo sila.

Hindi napunta lahat ng scores sa amin dahil minsan ay nauunahan kami ng ibang school sa pagpindot ng buzzer. Pero minsan lang iyon. Lahat ng questions na natanong sa amin ay nasagot namin ng tama. We are that good.

Pagkabalik namin sa school namin ay napag-usapan namin iyong cash prize na natanggap naming dalawa.

"Maybe, iyang pera na lang ang gagastusin para sa date natin after finals," sabi niya ikinabigla ko. Naaalala pa pala niya iyon.

"Pero may ipon naman ako para doon," angal ko sabay bigay sa kanya ng sobre.

"Sige, mag-date kang mag-isa mo."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na kinuha sa kanya ang sobre at itinago sa bag ko.

"Sabi ko nga ito ang gagastusin natin."

Madalas kong tawanan si papa kapag nakikita kong natatakot ito kay mama. Pero ngayon naiintindihan ko na siya. 

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon