Chapter 18

9.5K 251 9
                                    

Chapter 18

Tahimik akong bumalik sa room, sumunod din naman agad 'yung tatlong bugok. Dumadaldal na naman ang prof pero hindi na lang namin siya inintindi.

Pagkaupo ko ay agad nang nakatingin sa akin si Renia na parang tinatanong kung anong nangyari.

Nagkibit balikat lang ako at nanatiling tahimik. Bakit? Siya lang ba ang may karapatang maglihim?

Pero hinding hindi ko siya kayang tiisin. Napapikit ako at huminga ng malalim bago ko hinawakan ang kamay ni Renia. Pasimple akong yumuko para idikit iyong kamay niya sa pisngi ko. I love touching her hand. I love everything about her. I am addicted.

Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa kanya. Kahit na anong gawin niya, tatanggapin ko. Iintindihin ko at hindi ko siya susumbatan.

Gaya ng dati, may pagkamagaspang ang kamay ni Renia. Tanda na siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay sa kanyang maliit na apartment.

Nakayuko pa rin ako habang dinadama ang kamay niya.  Ayaw kong mabasa niya ang nasa isip ko ngayon.

Renia, ano ba ang tinatago mo? Say it. Keep it with me. I won't mind.

Tumayo ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang paghaplos nito sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naging emosyonal. That was so damn gay but there were damn tears.

Nilayo ko ang kamay niya sa mata ko para hindi niya maramdaman ang mga luha ko.

Mas nararamdaman ko ang sakit kaysa sa selos. Ayaw kong mag-isip ng masama pero anong iisipin ko? Wala akong kaalam alam tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay siya ang dahilan kung bakit inspired ako sa pag-aaral para mapaghandaan ang future ko kasama siya. All I know is that I love her.

"Jethro?"

Narinig ko ang pagtawag niya at pilit niyan inaangat ang ulo ko gamit ang isang kamay niya pero nanatili lang akong nakayuko at dinadama ang isa pa niyang kamay.

"Je... what happened?" malumanay na bulong niya sa akin.

Naiintindihan ko na kung bakit biglang sinasabi ni mama iyon. I wanted to know the truth but I was too coward. Baka iwasan niya ako.

Ang susunod na photo na pinakita sa akin ni Braiden ay sa labas pa rin ng apartment ni Renia pero may nakaparadang magarang kotse at may isang lalaking kausap si Renia sa tabi ng kotse.

Ang sabi pa ni Braiden ay medyo matagal daw na nag-usap ang dalawa. Braiden wasn't lying. Kahit na sira ulo ang mga barkada ko ay hindi matitinag ang loyalty namin sa isa't isa.

Sino iyong lalaki? May kinalaman ba iyon sa sikretong itinatago niya?

"Hindi na kayo mga bata. Matatanda na kayo. Some of you guys are already twenty years old! Magtino tino ka kayo," narinig kong sabi ng prof pagkatapos ay narinig ko ang padabog na pagsara ngpinto.

Inalis ni Renia ang kamay niyang nasa pisngi ko pero agad din niyang ibinalik iyon pero may kasama ng panyo.

"Dry your tears then we will talk," nag-aalalang bulong niya.

Ginawa ko ang gusto niya habang iniisip kung itatanong ko ba kung sino iyong lalaki. Pero napagdesisyunan ko na lang na hintayin siyang sabihin niya sa akin sikreto niya. Kapag handa na siya.

Umupo ako ng maayos at hindi siya tinitingnan. Tumalikod ako kay Renia para kausapin Christopher sa kabila ko na nakayuko rin.

"Peram ng shades," bulong.

Umayos rin ito ng upo pagkatapos ay kinuha ang shades sa kanyang bag.

"Bakla," sabi niya sa akin habang nakatingin sa namumula kong mga mata.

Hindi ko na lang siya pinatulan. Brokenhearted na nga tapos inaasar pa. Saan ka pa makakakuha ng kaibigan na ganito ka dabest?

Isinuot ko ang shades niya pagkatapos ay kinuha ang kamay ni Renia para lumabas na kami ng room.

Dinala ko siya sa garden. Maaga pa kaya hindi pa mainit at saka wala pang tao. Umupo kami sa may mga benches doon.

"Je, are you...mad?" she asked me.

"No."

"Then why are you like this?"

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.

"Renia, tell me, ano ba tayo?"

Matagal bago sumagot si Renia.

"Tao," sagot nito na may kasama pang tawa.

Baby, this is not the right time to joke.

"Ano ba ako para sa iyo?" tanong ko sa kanya.

"Tao pa rin," nakakaloko niyang sagot.

Pinikit ko ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko. You are making me insane, Renia.

"Renia," pagtawag ko nang nagkalakas na ng loob.

"You are hurting me," tapat kong sabi.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon