Chapter 3

15.5K 310 16
                                    

Chapter 3

Two weeks na ang lumipas at ganoon pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit lagi akong nakasunod sa kanya. Basta ayaw ko siyang nakikitang mag-isa. Kung tatanungin niyo kung kumusta na siya, ayon, madaldal na. Pero biro lang iyon.

She's still the same Renia. Masungit at tahimik pero punong puno ng tapang at talino.

"Jeth, say bye to your place," sabi ng isang blockmate ko nang ipamigay ang mga results ng quizzes namin sa Calculus.

Renia got the highest score, a perfect score. Nararamdaman ko na siya ang ipapalit sa akin para sa quiz bee competition na tinanggihan ko ng dahil dun kay Sandra.

"Wow, perfect na naman," sabi ko kay Renia. Tiningnan niya ang test paper ko at nakita ang isa kong mali.

"May I borrow your test paper?" Nagulat ako nang sinabi niya iyon. Agad ko namang ibinigay sa kanya at tiningnan siya habang kinukompara niyo ang test paper niya sa test paper ko.

Pagkatapos ay tumayo na si Renia at lumapit sa professor namin at pinakita ang mga testpapers namin. Lumapit naman ako at tiningnan iyon.

"Jethro got the correct answer." Narinig kong sabi niya sa prof.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang banggitin niya ang pangalan ko sa kauna-unahang pagkakataon.

Sinolve ni Ma'am Balingit ang equation and it turned out na tama nga ang sagot ko at mali ang kay Renia.

Lalo lang ako namangha sa honesty na pinakita niya. Kahit na magpakita ito ng negatibo ay tingin ko ikamamangha ko pa iyon.

Aalis na sana ako pagkarecord ng scores namin kaso muli akong tinawag ni ma'am.

"Jethro, represent our school in the Battle of Geniuses and you will be exempted in your prelim exam."

Bakit ba ang kulit? Sa ayaw ko ngang makasama iyong anak niya--

"My daughter, Sandra, will not be joining the competition," sabi nito pagkatapos ay tumingin siya kay Renia. "If Renia Rose will agree to be your partner in the quiz bee."

Pakiramdam ko ay biglang nagliwanag ang paningin ko pero medyo dumilim iyon nang mapatingin ako sa mukha ni Renia. Mukha naman siyang aayaw. Naiimagine ko na ang mga araw na makakasama ko siya sa pagrereview. The competition will be held on January kaya nararamdaman ko na ang pagkikita namin kahit Christmas break. Iyon ay kung papayag siya.

"Ms. Mapagpigil?"

"It will be an honor to represent this school, Mrs. Balingit. And to be Jethro's partner for the competition," sabi ni Renia na walang kangiti ngiti pero naramdamam kong sasabog na ang puso ko. Sana hindi niya nabasa iyon. Jethro, tanga.

Lumaki ang ngiti ni Ma'am pagkatapos ay agad agad na nagdismiss. Medyo bastos.

"Hindi ka ba lumaban last year?" tanong ko sa kanya.

"No."

Tumango ako at nag-isip ng muling sasabihin.

"Mananalo na tayo," sabi ko.

"I know."

Napangiti ako lalo nang patulan niya ang kayabangan ko.

"Let's celebrate?' nakangiting tanong ko pero sa totoo lang mahirap pala ang magyaya ng ganito.

"Celebrate what?"

"Advance celebration."

Lumakad siya papunta sa seat niya at kinuha ang bag pagkatapos ay lumabas na ng room. Iyon na kasi ang last subject namin.

"Gusto mo ba?" muli kong tanong. Tiningnan niya muna ako bago umiling. Ito na nga ang sinasabi ko eh, mahirap na ngang mag-ipon ng lakas ng loob tapos tatanggihan ka lang, iyon ang mas mahirap.

"I don't celebrate," sabi ni Renia pagkatapos ay binilisan ang lakad.

Napahinto ako dahil sa narinig kong lungkot sa boses niya. She said those words as if she was in real pain. Pinanuod ko lang ang paglakad niya. I watched her every steps. Hindi mo aakalain na napakalungkot pala biya. Ngayon alam ko na itinatago niya iyon sa pagiging ilap.

Nakita kong hinarangan siya ng mga babaeng kilala bilang mga miyembro ng isang sorority sa university namin. She stopped walking and listened to the girls.

Doon ako muling naglakad, mas binilisan ko iyon para agad akong makarating sa kanya. That sorority is very dangerous. Ibang klase ang mga miyembro n'yon.

Hinawakan ko ang wrist ni Renia pagkalapit ko sa kanila.

"Excuse us," sabi ko at hinila na si Renia palabas. Muli kaming hinarangan nung mga babae pero iniwasan namin iyon hanggang sa sumuko na sila.

"Their sorority is very dangerous. Don't join them," sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, "What do you think of me?" medyo galit na sabi niya. Ano bang ginawa ko para ikagalit niya?

I am just concern.

Nakita ko ang saglit na pagbabago ng emosyon niya pero mabilis ding bumalik iyon sa usual poker face nito.

"Never in my life I have imagined myself joining those sororities. Keep that concern of yours, I don't need it now," sabi niya tapos kumawala sa pagkakahawak ko sa kanyang wrist bago lumakad palayo.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Renia. Ibig sabihin ay kakailanganin niya ang concern ko sa ibang araw?

"Ihatid na kita," paghabol ko sa kanya. Umuling si Renia pagkatapos ay huminto sa paglalakad.

"H'wag mo akong sundan," sabi niya bago sumakay sa isang jeep na dumaan.

Kahit na iyon din ang jeep na sasakyan ko ay hindi muna ako sumakay. Baka akalain niya na sinusundan ko siya at baka tuluyan ng mainis sa akin at hindi na ako kausapin kahit kailan. Natatakot akong dumating iyong araw na iyon.

Sumakay ako sa susunod na jeep. Nakatingin ako sa jeep kung saan nakasakay si Renia at inaabangan ang pagbaba niya.

Maraming bumaba sa isang waiting shed sa kabilang jeep kaya nagtuloy tuloy iyong jeep na sinasakyan ko na naging dahilan kung bakit hindi ko na nasubaybayan ang pagbaba ni Reina. Saang waiting shed kaya siya bumababa?

Tumigil na ang jeep sa waiting shed na binababaan ko kaya napabuntong hininga ako at malungkot na bumaba ng jeep. Naglakad ako papasok ng subdivision namin. Usually, nagtatricycle ako pero trip kong maglakad ngayon.

Iniisip ko ang tono ng boses ni Reina noong sinabi niya na hindi siya nagcecelebrate. Iyon na ang pinakamalungkot na tono na narinig ko sa buong buhay ko...at sa isang matatag na tao pa nanggaling.

Pagkauwi ko sa bahay ay diretso lang ako sa kwarto at sabay bukas ng laptop. Sinubukan kong isearch ang pangalan ni Renia sa Facebook. May isang lumitaw pero magkaiba naman ang itsura ng mga ito. Kaya hindi siya iyon.

Pati ba naman Facebook wala siya?

Napahiga ako sa kama habang iniisip kung nakauwi na ba siya...at kung anong ginagawa niya.

Nababaliw ka na, Jethro.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon