Chapter 16

9.4K 239 13
                                    

Chapter 16

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng pasko. Hindi na kami nagkita. Wala akong communication sa kanya, wala siyang phone number at hindi siya nag-oonline doon sa ginawa kong Facebook account niya. Dahil siguro sa sama ng loob ko noong disperas ay nakalimutan kong itanong sa kanya kung kailan kami ulit magkikita.

Araw araw, after that day ay pumupunta ako sa park pero hindi siya dumarating. Inisip ko na lang hindi talaga siya darating kasi wala naman kaming usapan.

For the first time in my life, hiniling ko na sana matapos na ang Christmas break para pasukan na. Hindi talaga ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang.

"Jethro!"

Narinig ko ang pagtawag ni mama sa akin sa labas ng kwarto ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto kaya dirediretso si mama sa loob ng kwarto.

"Mag-usap nga tayo, Jethro."

Tumango na lang ako at hinintay siyang magsalita.

"Sino ba iyang kinababaliwan mo?" tanong ni mama.

"Si Renia nga, ma. Re for short, pero ako lang dapat tumawag sa kanya non," nakangisi kong sagot kaya napailing na lang si mama.

Tumingin si mama sa malaking frame na may nakalagay na picture ni Renia. Stolen shot iyon pero ang ganda ganda pa rin niya sa photo na iyon.

"Kahit sino namang lalaki ay mababaliw sa ganda ng batang iyan," sabi ni mama habang tinitingnan ang picture ni Renia.

"But son, I think you are taking this in a very serious way."

Nagtatakang tiningnan ko si mama, madalas kasi ay 'baby' ang tawag niya sa akin. Nakakahiya mang aminin perp nakasanayan ko na iyon. Nakakapagtaka din kasi ni minsan hindi siya nagrereklamo kaya nabigla ako sa mga sinasabi niya ngayon.

"Yes, ma. I am very serious this time."

Napabuntong hininga ito pagkatapos ay malungkot akong tiningnan,"Are you sure she's taking you seriously?"

"Yes, ma. I know she likes me, too," nakangisi pa rin ako habang sinasabi iyon.

Ngumiti si mama pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Sobrang naninibago ako kay mama noon.

"You love her, son. Dehado ka kung nagkataon."

"Ma naman!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I knew my mom was just concern.

"Think about it, son. Ang buhay hindi fairytale. She's a good influence, yes. Pero hanggang doon na lang ba?"

Natahimik ako at tiningnan ang bigay na bracelet ni Renia.

"Tinanong mo ba siya kung bakit ayaw niyang pumunta sa bahay?"

Lalo akong natahimik sa sinabi ni mama. Ang sagot ko ay hindi. Ni minsan hindi ko siya natanong. Kasi imbis na magtanong ay pinipilit ko lang siyang pumunta.

"Baby, hindi dapat umiikot ang mundo mo sa isang tao. You are still young. Magfocus ka sa studies mo," payo ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

But ma...I have a goal. At si Renia ang dahilan kung bakit ko sinet iyon.

Tumayo na si mama pagkatapos ay tinapik ang balikat ko. Nagsalita ako bago pa siya makalabas.

"Ma, hindi niya sisirain ang future ko. Magagawa ba naman niya iyon sa sarili niya? Coz you know, ma, she's my future."

**

"Hija?"

Mabilis kong itinago ang mga picture frames na bigay ni Jethro sa ibaba ng kama bago ko binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mukha ng isang matanda at batang babae.

Why are they doing here?

"Bakit po?"

They were smiling but their minds were saying the opposite thing.

"Belated Merry Christmas, hija. Pasensya at hindi kami nakadalaw agad. Alam mo namang busy sa kumpanya lalo na at ngayon pa lang ay tinetrain na siya," turo niya sa kasama nitong babae.

Tumango ako at tinanggap ang inaabot nilang sobre. My allowance, for sure.

"Pasok po kayo," sabi ko at niluwagan ang siwang ng pinto.

Pumasok naman agad sila at maarteng tiningnan ang inuupahan kong apartment.

"Hija, your apartment is kinda...tiny. Ayaw mo bang bumalik sa mansyon?" tanong niya sa akin habang sinusuri ang bawat gamit ko sa loob ng apartment ko.

"Ayaw ko po. I want to achieve my goals without using others," sabi ko. Sinadya ko talagang patamaan sila.

Nakita kong namutla ang batang babae na kasing edad ko.

"How dare you!" sigaw niya sa akin.

I stood straight. I did not do anything wrong. I was just expressing myself.

"Why? Are you guilty?" tanong ko kaya lalo iyong namutla.

"Aalis na kami, hija. Mag-iingat ka dito ha? See you, soon," sabi ni Mrs. Mapagpigil. Tumango ako at hinayaan siyang halikan ako sa pisngi.

Lalabas na sana sila pero biglang hinarap ako nung kaedad kong babae na galit na galit ang mukha.

"I don't like that university of yours! Whether you like it or not, we will transfer you again to another school!"

Pagkalabas nila ay maingat kong isinara ang pinto. Isa lang ang nasa isip ko. Si Jethro.

Damn that girl. Give me a life!

**

A/N: Soooooo guys, few chapters left before the present time. ♥

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon