Chapter 24

9.9K 342 55
                                    

Chapter 24

"Mag-usap tayo, Jethro."

Ito agad ang bumungad sa akin pagkagising ko. Nakaupo si mama sa gilid ng kama habang hinihintay na unti unti akong makabangon.

"Kailan mo ba balak magpakilala ng babae sa amin ng papa mo? You are already 28!"

Napahawak ako sa ulo ko nang marinig ko ang sigaw ni mama. Matinding hang-over ang nararanasan ko ngayon.

"Sinabi sa akin ni Jordan na may bagong babae ka daw na nagugustuhan kaya ka nagpakalasing," pagoapatuloy pa ni mama.

Very talkative, Jorg.

"Ma, hwag po kayong maniwala sa lalaking iyon," sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

Tinitingnan ako ni mama nang nakakunot ang ulo.

"Ah! Basta ipakilala mo sa amin iyong babae. Paano na si Renia? Sumuko ka na?"

Napatigil ako sa pagmamasahe sa ulo ko at malungkot na tiningnan si mama.

"Ma, siya pa rin," sagot ko.

Nawala ang pagkakakunot ng noo ni mama at napunl din ng lungkot at awa ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Anak, eight years na. Hindi mo ako masisisi kung pipilitan kita sa ibang babae. Okay sana kung long distance relationship pero anak, walong taon na kayong di nag-uusap at nagkikita pero hinihintay mo pa rin siya. Ayaw mo bang sumaya?" tanong ni mama sa akin.

"Paano ako sasaya kung susukuan ko siya, ma? She promised and I'm living with that. And I promised, too."

Hindi nagsalita si mama at naghintay lang ng susunod kong sasabihin.

"Malapit na, ma. Malapit ko na siyang mahanap," puno na determinasyon kong sabi.

"Ilang beses ko nang narinig iyan sa loob ng walong taon. Mag-isip isip ka na, Jethro," sabi ni mama bago ito lumabas ng kwarto ko.

Sa loob ng walong taon marami akong nakilalang babae pero ni isa walang nakakuha ng atensyon ko. Dahil tinali ko ang puso ko sa isang babae na nasa malayo.

Hindi ako sumubok na kalimutan siya, ni hindi ko naisipang gawin iyon. Siya lang at wala ng iba.

Mas gugustuhin kong tumanda ng mag-isa kaysa hindi ang Re ko ang kasama ko sa pagtanda. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko iyon ng maaga.

Tumayo ako sa kama para kunin ang phone kong tumutunog na nasa sahig. Dinampot ko iyon at sinagot ang tawag.

"Bro, madami ng applicants. Pasok ka na," narinig kong sabi ni Christopher.

Hindi pa man ako nakakasagot agad nang binaba ng damuho ang phone.

Nagmadali na akong naligo para makapasok na sa work. Ngayon kasi ang job interview ng mga bagong engineers. Kakalabas lang kasi ng result ng Board Exam.

Nakarating ako sa opisina ng 10 AM at nakita kong marami rami na nga ang naghihintay.

Sinimulan ko na ang interview pero  nag-cut off ako nang maaga for lunch. Sobrang gutom kasi ako dahil alak lang nasa tiyan simula pa kagabi.

"Dumating ba iyong mga nasa top ten na nacontact mo?" tanong ko sa sekretarya pagkatapos kong kumain.

"Wala po, Sir."

Bahagya akong nalungkot doon pero hindi ko naman masisi ang mga iyon dahil marami mga offers na natatanggap ang mga ito. At mukhang nakakuha ang mga ito jg offer sa mga iba't ibang malaking kumpanya sa Pilipinas o kaya balak nilang magtrabaho sa ibang bansa tulad ng ginawa ko.

Bandang 6 PM ay malapit ng matapos ang job interview. May tatlong folders na lang ang nasa desk ko, ito ang mga nalate kaya kakaabot lang ng sekretarya ko ng mga resume.

"Cut off muna. Dinner lang ako," sabi ko. Hindi biro ang mag-interview ng ilang oras. Napagdesisyunan ko kasing gawing isang araw ito para magpatuloy na ang trabaho sa susunod na araw.

"Mas maganda po sana kung patapusin na ang tatlo para po makapagpahinga ka na, Sir," sabi ni Lucy, ang sekretarya ko.

"Sabagay. Sige, papasukin mo na ang next," sabi ko at mabilis naman itong sumunod.

Minadali ko na ang interview para makauwi na. Pagkatapos ng tatlo au ipinikit ko ang mga mata ko at muling bumalik ang sinabi sa akin ng mama ko. Lalo lang sumakit ang ulo ko kaya sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko para makauwi na.

Nakaready na akong umalis nang pumasok ulit si Lucy na may dalang folder.

"Sir, may humahabol po," magalang na sabi niya.

Bahagya akong nainis sa marinig, "Pakisabi tapos na."

"Sir, nasa top ten po siya. Actually, topnotcher," pabulong na sabi ni Lucy.

Tumango ako at muling umupo sa swivel chair ko para maghanda sa interview.

"Papasukin mo na lang siya. Maaari ka ng umuwi pagkatapos," sabi ko.

Sobrang natuwa si Lucy kaya mabilis na ibinigay niya sa akin ang resume ng aplikante bago ito lumabas para tawagin ang next applicant.

Engr. Regina Bautista

Wala akong nakitang photo kaya itinaas ko iyon nagbabakasakaling may mahulog na photo at tulad ng inaasahan ko ay may nahulog nga. Sa pagyuko ko para kuhanin ang nahulog na litrato ay saktong bumukas naman ang pinto.

Hindi agad ako nakatayo dahil sa litratong nakita ko na nasa sahig. Si Re ko.

Dahan dahan kong pinulot iyon at nakaramdam ng sobrang kaba.

Sa pagtayo ko ay naestatwa ako habang tinitingnan ang babaeng nakaupo ng tuwid sa harapan ko.

"Eng. R-Regina Bautista?"

Ngumiti ang babae pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng luha niya sa kanyang kanang mata.

Natulala ako at nataranta pero nakalapit pa rin ako sa kanya. Tiningnan ko ang buong mukha niya. Lalo siyang gumanda.

"Re?" pagtawag ko sa kanya.

Umiiyak siyang tumango at tinitigan din ako kagaya kung paano ko titigan ang mukha niya.

Namuo ang mga luha ko sa mata ko at pakiramdam ko ay nanghina ako. Natapos na ang mahabang paghahanap at nandito na siya sa harapan ko.

"You came back..."

Umiiyak na tumayo at yumakap sa akin si Re.

"Thank you for keeping your promise, Je. I am yours, only yours."

Naiyak na rin ako habang niyayakap siya ng mahigpit. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat at saya. Ang pangalan lang niya ang lumalabas sa bibig ko.

"Re..."

Bahagya siyang natawa at lumayo sa akin ng bahagya.

"I told you I am your Re," sabi niya.

Hindi ako sumagot at ginawa ang matagal ko ng gustong gawin, ang halikan siya at ikulong sa mga braso ko at siguraduhing hindi na siya makakawala sa mga bisig ko.

My Regina... My Re.

**

A/N: Konting push na lang po! Nilista ko po ang mga madalas kong makita sa newsfeed ko na madalas magvote at magcomment sa SW. Hindi sila kumpleto pero gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat. See the photo.

One more chapter before Epilogue. Pero magkakaroon pa po ng mga Special Chapters in Re Niya's Point of View. (Sorry hindi po ako sanay sa Regina. Hahaha)

#StillWaitingJERE

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon