CHAPTER 38 (Di ako naniniwalang may 'FOREVER')

8.3K 103 7
                                    

I realized, madami na kaming napagdaanang dalawa. It’s just funny how this is such a whirlwind romance, but still we managed to be stronger. I guess trust and faith really helped us a lot and I guess this will be the start of our journey together. Naniniwala akong walang ‘FOREVER’ at alam kong ang meron lang eh ‘yung sinasabi nating trust and loyalty.

“Pa’no na nga pala si Josephine? She caused some issues in the office at kawawa naman ‘yung kaibigan niya na mawawalan ng trabaho. Natatakot akong guluhin niya tayo nang biglaan.” I guiltily admitted to him kasi nga iba ang tama ng babaeng ‘yun kay Andrei.

“I filed a restraining order at permanent ‘yun. May kaibigan akong lawyer kaya madali lang ‘yon. Takot na siya kasi nga makukulong siya at baka humingi pa ako ng bayad sa damage na nagawa niya. I know she’ll keep what she promised kasi kung hindi siya naman ang kawawa.” He confidently said habang nakaupo sa loob ng kwarto ko.

“Ikaw, minsan nakakatakot ‘yung mga ginagawa mo ha. ‘Di kaya medyo harsh ka sa kanya? She’s still a brokenhearted girl kaya ‘di natin siya masisi.” Sagot ko habang inaayos an gang diary ko sa bookshelf.

“Eh sa kasalanan naman niya ‘yon. I can’t tolerate such wrong doings, Victoria. Alam mo naman ang personality ko at wala siyang magagawa dahil nga ganito na ako ever since. They can’t simply stop me just because it’s too much. Aba, wala akong pakialam sa kanila.” Then he smirked again which is his signature move.

“Pero isipin mo naman kung pa’no na lang ‘yung feelings niya. Nakakaawa rin naman siya but on the other hand, what she did to her friend is against the girl code kaya nga siguro deserve niya ang ginawa mo. Pa’no na nga pala ang friend niya? Baka naman may chance pa siyang magstay sa work niya, kawawa naman kasi.” I told him.

“It’s no longer in my power, Vickie. Shareholder lang kami ni Christian pero ‘di namin hawak ang desisyon dyan. May board pa rin kaya sorry, I can’t say she’ll keep the job.” Sagot naman niya.

“Sayang naman ang trabaho niya.” I told him again and he just pouted at me.

“Kahit mangonsensya ka dyan, ‘di ko na kasi ‘yun kargo. May CCTV at public scandal ang ginawa niya kaya malakas ang ebidensya. Let’s just hope for the best.” At alam kong hudyat na ‘yun para tigilan ko ang pagtatanong ko dahil halatang naiinis na siya sa topic naming dalawa. I sighed. I just fixed my bookshelf dahil marami akong dadalhing libro at mga lumang diary. ‘Di sinasadyang nahulog ang blue diary ko. The infamous diary of Victoria Anne Solomon fell out of all the diaries na nasa bookshelf.

“Ano na naman ‘yan?” Andrei asked.

“Wala ‘to. It ‘yung luma kong diary na tungkol lang sa’yo. Want to see this? Kasi nakakahiya eh! Wala na akong bukambibig dyan kundi ‘yung inggit ko kay Marian. Basta, nakakatawa pero ewan ko kung ano ang tingin mo dyan.” I giggled as I handed him over my blue diary. Naalala ko ang lahat na nakapaloob sa diary na ‘yan. I kept all my secrets, woes, happiness, and sadness. Basta lahat ng pwede kong maramdaman ay nailagay ko na dyan. Masasabi kong malaki ang naging parte ng diary na ‘yan sa buhay ko.

Day 143- Mahal ko talaga siya. Nakita ko na namang nakatingin siya sa best friend kong si Marian. Sobrang gwapo niya talaga. Para akong kakapusin ng hininga sa tuwing dadaan o mararamdaman ko ang presensya niya. Kambal  sila ni Chris, pero mas may kakaibang dating si Andrei sa akin. Grabe, baliw na ata ako kasi binibilang ko ang mga araw na naiinlove ako sa kanya. Baliw ka na ngang talaga Victoria.

Andrei Marco Falcon: matalino, gwapo, perfect at mahal na mahal ko.

Oo, baliw na siguro ako. Grade six pa lang ako hinahabol ko na siya. Wa epek lahat. Kahit na matalino daw ako wala pa rin. Di ko kaya siyang maimpress. Ako yung matalino at mabait na estudyante pero bakit si Marian pa rin ang gusto niya?

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon