CHAPTER 31 (Desperate Bastard)

4.9K 77 0
                                    

I can’t contain myself. Sobrang kinakabahan ako na para bang may nakabara sa lalamunan ko at ‘di ako makapagsalita.  I hate this feeling pero since I love Andrei, eh kakayanin ko na. A simple sacrifice for the man I love my whole life. He defines my feelings and I feel completely lost with him everytime we kiss. His presence enough makes my insides go dancing.

I pressed the door bell and a maid in blue uniform came to open the gate. I smiled at her at pumasok ako. This is the first time I’ve been inside his house. Dati kasi hanggang labas lang ang tingin ko dahil isa nga akong malaking stalker. Dati hanggang dungaw lang ako sa aming tinted car, ngayon officially invited ako. The feeling is too over-whelming na parang nakakatakot.

“Ma’am, upo muna kayo. Tawagin ko lang si Sir Drei.” Sabi nung maid at umupo ako sa mahabang white leather sofa hawak-hawak ang gawa kong chocolate muffins. This is definitely his favorite kaya ni-rush ko talagang ma-bake at syempre pa-impress na rin.

“Vickie!” Andrei ran and quickly gave me a peck on the lips. He smiled and draped his arms arounf na para bang kinukulong niya ako at nakakakilig sa pakiramdam.

“Grabe, kanina lang naman tayo nagkita parang na-miss mo agad ako.” I pinched his nose and he just giggled like a little boy.

“Eh ayoko sanang malayo ka. I want you stay beside me 24/7 kaya nga next target natin is to meet YOUR family para naman makilala na din nila ako… and to apologize for what I’ve done. Alam kong sobrang jerk ko dati and I want to express my gratitude for your family dahil kahit papaano ‘di ka nila nilalayo sa akin.”

I looked at him with puppy eyes. “Grabe drama naman ng poging ‘to.” He kissed me again when I heard someone cleared his throat. “Dad!” Andrei said at nakatawa lang ang daddy niya.

“Manyak ka. Anak ba kita?” Then his mom laughed.

“Dad, hindi! Grabe naman, napapahiya ako sa magiging asawa ko.” Then I pinched him in the arm. Ang kulit niya kasi, at nakakatuwa.

“Hija, ikaw pala ang anak ni Dr. Solomon. Totoo nga na maganda ka at mukhang edukadang bata. You’re far different to all the girls he brought here.” His dad said.

“Tama ka dyan dad. Lalo na’yung Annalisa? Ang bastos ng batang ‘yon. Walang modo at lagi pang natutulog sa kwarto ni Andrei. Inaway niya ‘yung si Manang na matagal na sa ‘tin kasi daw ‘di siya tinawag na ‘Ma’am’. Aba pinalayas ko nga.” Then Althea Marie laughed so hard na parang nakakatawang joke ‘yon.

Napatawa na rin ako kaya naman kinurot ako ni Andrei sa pisngi.

“Bakit ano po bang klaseng babae ang dinadala ni Andrei?” I asked his dad while trying to suppress my laughter. Ang cute kasi niyang magtampo. ‘Yung mata niyang namimilog while his lips pouting at me makes me want to kiss him torridly in this table, kaso I need to suppress my desires.

I’m such a perverted woman.

“Mga babaeng kinulang sa class at sa utak. Now I know why he was playing most of the time kasi inaantay ka pala niya. I like your for him, though I don’t like him for you. You’re too good for my playoy of a son.” Nagtawanan ang mga magulang niya at nakisabay na rin ako. Naramdaman kong niyakap ako ni Andrei.

“Eh wala naman talaga silang panama sayo, kasi tingin mo pa lang nahuhulog na brief ko.” Binulong niya sa tenga ko at naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Loko-loko talaga ‘to kahit kelan.

“Loko ka talaga.” I looked away kasi nahihiya ako sa kanyang humarap at nakakahiyang harap-harapan kaming naglalandian sa harap ng mga magulang niya. “Eh ikaw nga eh, tingnan mo lang ako parang natunaw na lahat ng meron ako.” I whispered back.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon