CHAPTER 1 (Most hated person)

8.6K 146 3
                                    

“Vickie anak, hinihintay ka ng daddy mo sa study. Wag ka na dyan makulit please. Magagalit yun sayo atsaka yung trabahong sinasabi ng dad mo pag-uusapan niyo. Sobrang bait talaga ng co-attending ng dad mo sa ospital at binigyan ka ng trabaho.” Kainis. Pipilitin na naman nila akong magtrabaho dito. Ayoko nga sa Pilipinas! I curse this country because of that boy! Damn I hate him so much! Yes, hindi ako makakamove on kahit ilang beses pa siyang mag-sorry. Lintik siya.

“Trabaho sa ospital? Accountant ako ma.” Walang gana kong sagot.

“May isang company sila. Opisina ng isang planta. Kailangan ng personal accountant nung isang anak nila. Sige na kasi.” Nagpupumilit pa rin. Kainis!

“Ma…”

“Vickie, please be reasonable naman. Wag ka na kasi sa Amerika magtrabaho. Okay naman ang buhay natin. We never failed to support you anak. May trust fund ka pero hindi mo naman ginagalaw. Tingnan mo nga 'yang itsura mo, ha. Haggard ka, anak. Mapagkakamalan ka-“

“Ano ma? Katulong na naman? Ikukumpara niyo na naman ako kay Marian. Tama na ma. Ako yung matalino, may academic awards. Si Marian mahina ang ulo at aminin mo puro ganda lang!” Puro na lang fashion! Hindi naman sa fashion umiikot ang mundo. Ang mundo ay isang magulong lugar na kung hindi ka realistic, ‘di ka mabubuhay.

Sawang-sawa na ako maikumpara kababata kong si Marian. Oo, masaya na siyang kasal kay Robert Sy at may anak na sila. Masaya na siya sa buhay niya habang ako miserable pa rin. Miserable ako.

Tumulo na lang ang luha ko at napaupo sa sahig.

“Anak, sorry na. Wag kang magalit kay mama, please anak magsalita ka naman dyan.” Ayan na naman ang vicious cycle. Why do I hate dramas? Because of my mom. I hate soap operas. I hate them all.

“Ma, sige mag-aayos ako, pero wag na wag niyo akong ikukumpara kay Marian. She’s never going to be me. Alam ko naman na mas gusto niyo ang magandang anak kaysa sa matalino. Excuse me, pupuntahan ko lang si daddy.” I answered

I left my mom in the living room. Kahit kalian di niya matanggap na simple lang ako sa buhay. I never liked luxurious stuff. Simple ako, kaya nga nagugulat na lang yung iba kapag nalalaman nilang anak ako ng mayamang mag-asawang Solomon.

Kahit kailan hindi ako magiging matapobre, maarte at maganda. Hindi ako si Marian. Simple akong tao na naniniwalang ‘di ko kailangan mo maging maarte para magustuhan ka ng tao. Take it or leave it, yan ang motto ko.

“Dad, gusto mo raw akong makausap.”

“Come here hija. I want to talk to you about the job Dr. Falcon is giving you.” Tama ba ang narinig ko??? Falcon! I hate that name! I despise that person, especiallY Andrei Marco Falcon! Ang kapal ng mukha niyang gawin iyon sa akin. Ang kapal-kapal niya at baka kung makita ko siya eh mapatay ko na nang tuluyan.

“F-falcon?” I asked na parang walang kaalam-alam.

“Yes hija, di ba last five years ago nag-invest ako sa Falcon medical group? Si Dr. Arthur Falcon ang kasama ko doon sa board and he actually offered me na magtrabaho ka sa planta nila. Yung isang anak niya kasi nangangailangan yung anak niyang isa ng accountant at sinabi kong pupwede ka. I don’t like you far away.”

“D-dad hindi pwede. Hindi sa ayaw ko ng trabaho pero…”

“Bakit anak?”

“Naalala niyo ba yung araw na ayoko nang mag-enroll sa St. Maximillian para magcollege? Yung pinili kong magcollege sa US kay Aunt Lea? It’s because a guy broke my heart. Yung naikwento ko dati na super crush ko na may crush kay Marian.”

“Yung tinawag kang pangit, freak at kung anu-ano pa?”

“Yes dad… You see, anak siya ni Dr. Arthur Falcon. Kaya ako hindi sumama sa event niyo kasi ayokong magkita kami ni… Andrei.”

“Andrei Marco?! He’s the one who made you that way before?! Mapapatay ko ang lalaking yun! Bukas ako ang kakausap sa hayop na yun!” Patayo na siya pero pinigilan ko. Kahit kelan exaggerated talaga si dad.

“Dad! It’s my fault. Pinrotektahan ko kasi siya. Ayokong alam niyang niloloko siya ni Marian noon. Dad mahal ko kasi siya, pero wala na yun sa akin. Kaya lang, di ko matatanggap ang trabahong ino-offer niyo.” He suddenly calmed down and stared at me.

“Pero kung wala na talaga yun sayo anak, tatanggapin mo and act like nothing happened. Okay? Face this like a brave woman. You are unique. Hindi ka yung typical rich kid na nagwawaldas lang ng pera. I love you so much, kaya face this. Okay?”

“Okay dad. Call Dr. Falcon, tell him I’m accepting it.” Napangiti si daddy and somehow this feels so fishy. Parang may mali na hindi ko maipaliwanag. Napatingin lang ako sa kanya habang nakangiting nakikipag-usap kay Dr. Falcon sa telepono. Que horror.

He ended the call with him.

“Okay. I know you’re brave. You managed to live in the US without our support and still magaling ka. I’m so proud of you.”

“Thanks.” Sagot ko na lang.

=-=-=-=-=-=-

“Naihanap na kita ng accountant anak. International accountant yun, ibig sabihin di lang siya valid dito kundi sa ibang bansa. Matalino iyon at anak ng isa sa mga board members.” Nakangiting sabi ni dad. I just don't understand why he vouches for this woman so much. Bakit ba kasi sobrang highly recommended ang babaeng ito? God I need to test her first.

“Dad, sigurado ka na dyan ha? Palpak 'yung accountant nung kelan.” Sabi ko naman kasi totoo. God, she just wants to get laid and I don't need another plastic in my office.

“Andrei, akong bahala. Wala ka na bang bilib sa pinakagwapong doktor sa mundo?” Natawa na lang ako kay daddy habang papogi pa siya sa hapag kainan habang kumakain ng almusal. Napangiti naman si mommy kaya tumawa na lang din ako.

I’m happy to see Althea Marie in her fifth year. Malapit na siyang sumunod sa amin ni Chris sa planta at nakikita kong mas mataas pa ang maabot niya sa amin. She's such a curious child and i admire her sense of responsibility.

“Kuya, sino nga pala yung babaeng lumabas ng kwarto mo kahapon? Si Annalisa yun di ba?” Tanong naman ni Althea Marie at napasimangot naman ako. Kahit kelan bantay sarado niya lahat ng babae sa buhay ko kahit 'yung mga di tumatagal ng isang araw.

“Oo na, siya nga. Atsaka bakit nga pala nangungulit ka dyan ha. Kumain ka na at maaga pa ang klase mo ayokong nale-late ka. Mag-ingat sa pagmamaneho, mainitin pa naman ang ulo mo.” Sabi ko naman at halatang naasar siya sa sinabi ko.

“Bleh!” Sabi naman niya.

“Andrei, pabayaan mo ang baby sis natin. She’s living her life wag ka na kasing istrikto jan. Bahala ka mamaya tumanda kang binata at babaero.” Sabi naman ni Chris na akala mo ang bait-bait. Minsan talaga bubutasan ko ng gulong 'to para maranasan niya magcommute. Ang hilig talaga mang-asar.

Binato ko si Chris ng lemon slice at tumawa ang parents ko pati na si Thea.

“Para namang gago to eh. Haay, sasabay ako sayo ha. Flat gulong ko sa harapan.” Sabi naman niya at nag-peace sign pa.

“Tapos ngayon sasabay ka sa akin. Tara na nga male-late tayo atsaka baka andun na yung bagong accountant ko. Daddy mauna na kami ni Chris ha, ikaw din Thea wag masyadong pakabusog kasi aantukin ka sa daan. Love you baby.” She just smiled and waved at us.

I kissed her on the forehead at lumabas na kami ni Chris para makaalis na.

It was a bit of a long drive, kaya naman nagmadali na akong magmaneho. I was already on the elevator nang may pumigil. A woman in pink knee-length dress. Her hair's long and shiny. She's got a great figure pero napakaplain niyang manamit. Her eyes, parang pamilyar. Maganda ang kanyang mga mata at mahaba ang kanyang mga pilikmata.

Kilala ko na siya. Alam ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon. I will never forget her. She's on my mind these past few years.

“And we meet again, Ms. Victoria Anne Solomon.” I said and she remained calm, still looking at her own reflection in the elevator door.

The she turned to face me.

“Yes, Andrei Marco Falcon. Your most hated person is now here standing in front of you.” And she smirked.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon