CHAPTER 21 (Our hotel room?)

5.4K 83 0
                                    

We all quietly ate at the buffet. Bawat lingon ko ay lumilingon din si Andrei. I can feel him watching every move I make. Nakakakilig, pero iyong mga babaeng halos hubaran na siya kung tingnan eh talang malapit nang malintikan sa akin.

Hinawi ko ang bangs ko, para makapagshades. Ayokong nakikita nila kung paano na ako nanggagalaiti sa inis. May isa pang babae na nagsabi na feeling celebrity daw ako, na feeling ko ako na ang pinakamagaling na babaeng accountant sa company. Well, hindi nga ba? Insekyora kasi sila.

I took another bite in this chicken thing na nasa plato. I can’t taste it better since I’m still sick and everytime I drink juice or anything na may lasa eh mapait pa rin.

“Victoria, drink this medicine. Hindi ka gagaling niyan pag wala sa oras ang pag-inom mo.”

“Ang sweet!” Biglang sumigaw si Amalie na nakaagaw sa atensyon ng iba. I saw the girls on the other table making faces na parang naiinis sa akin na ewan.

“Amalie, please baka mamaya kalbuhin na ako ng fans club ni Andrei. Kung nakakamatay lang ang mga tingin nila, baka kanina pa ako inilibing.”

“Sus, inggiterang mga pangit kasi.” She made face too which made her husband laugh and kissed her on the cheeks.

“Subukan nilang landiin ang asawa ko, baka manghiram sila ng mukha sa aso.”

“Babe, kahit maghubad pa sila ‘di ‘to tatayo ‘pag hindi ikaw!” He laughed and Amalie hit his arm.

“Tse! Wag ka na nga dyan magpacute sa kanila. Kanina nga halos lumuwa na yung mata sa boobs nila eh. Baka mamaya gusto mo talagang magbikini ako para iyong mga lalaki naman ang humarap sa akin?” Hamon pa niya. I just laughed kasi sobrang cute nila.

I felt Andrei arms wrapping my waist which made me gasp. His nose is now lying on my nape and his breathing is too hot I felt it on my sick skin.

“Sobrang bango mo, Victoria. Nanggigil ako sayo.” He whispered on my ear. Nanlaki ang mata ko at lalong uminit ang mga pisngi ko. Sh*t parang may kung ano sa tiyan ko at ‘di ako mapalagay. Sobrang iba ang tama ng lalaking ‘to. Goosebumps!

“H-ha?”

“Sabi ko, sobrang bango mo.” Those words sounded like a whisper but the tone is too husky that it sent lumps on my throat.

“A-ah… thanks.”

“Thank you ba ang tamang sagot dito, Victoria?” Then I felt his forefinger on my ears. Sh*t ano ba kasing problema ni Andrei?

“You complimented me, and I said thanks. Ano ba dapat?”

OMG! He’s flirting with me. He is damn flirting!

“Totoo bang ‘di mo alam ang sagot? I guess I’d sniff other girl’s hair to compliment her and give me a proper answer.”

“Eh ‘di maghanap ka sa iba. Napakachildish ng mga gingawa mo, Andrei. If you want to flirt with other girls, eh ‘di sige! Wala naman akong pakialam. Nakakainis ka na.” Napatayo ako sa kinauupuan ko pero nakaramdam ako ng pananakit sa ulo.

Napahawak ako sa upuan habang hinihilot ang sentido ko. Nakakasakit ng ulo.

“Tara na iaakyat na kita.” Inalalayan ako ni Andrei pero tinapik ko ang kamay niya.

“Ayoko. Ako na lang, stay here and flirt all you want for all I care!” Nakakainis na siya talaga pero biglang umikot ang paningin ko at…

“No. Inaasar lang naman kita just to cheer you up. You’re too dense, Victoria.” Hinatak niya ako pabalik sa kinauupuan ko at mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ko na nakapatong sa nita niya.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon