CHAPTER 11 (Loser Andrei)

5.5K 86 1
                                    

Ngayon ang pangatlong weekend ni Victoria simula nang magtrabaho siya sa kompanya. Malamang nag-e-enjoy siya ngayon kasi hindi niya ako makikita. I stalked her Facebook account at may nakalagay na bagong status, mga 25 minutes ago.

On the way to Fullybooked at BGC

Wala naman akong gagawin today. Pumunta kaya ako ng BGC? Baka may date iyon at ramdam kong walang panama ang lalaking yun sa gwapo ko ‘to. Naligo ako ng mabilis. Kumuha ng isang vneck shirt, chinos at nagsuot ng topsider. Nagshades ako at nagbrush up ng buhok, alam ko kasing baka himatayin si Victoria sa gwapo kong ‘to.

Nakarating na rin ako ng BGC at nagpark. Tumungo ako ng fullybooked para hanapin siya at may nakita akong babaeng nakasuot ng puting rolled up pants, oversized plaid polo at may black vneck tshirt sa loob. She’s wearing her red thick-framed glasses. Sayang-saya siyang namimili ng mga libro at may basket pa siyang hawak.

Sa sexy niyang yan eh namumukha pa rin siyang nerd dahil sa kilos niya. Ramdam ko kasing di pa talaga siyang tuluyang nagmamature.

I pretended to get a book and bumped into her.

“A-andrei? Anong ginagawa mo dito?”

“Malamang bumibili ng libro alangan naman dahil sinusundan kita?” F*Ck madudulas pa ata ako nito. Kaasar naman kasi natulala ako sa sobra niyang ganda.

“Ahh… malas naman. Kung saan o pa gusto, doon ka pa pumunta. Loser.” Sagot niya.

“Hoy, hoy! Aba lahat nga halos ng babae dito sa book store kulang na lang maghubad na sa harapan ko tapos ang isang tulad mo lang ang magsasabi nyan? Excuse me, nandito ako kasi titingin ako ng English classics na pwedeng basahin.”

“Andrei, you read classics? Is that a sick joke?”

“Grabe ka naman, paborito ko kaya yung ‘David Copperfield’ ni Charles Dickens.  Akala mo siguro ang reading material lang na alam ko eh FHM, Playboy o Maxim, right? May sense ako!” At dahil doon, naalala ko nanaman ang antigong love letter na binigay sa akin ni Victoria. Sh*t nag-iinit yung pisngi ko. Bakit ba iniisip ko yun eh hindi naman special or something!

Kaasar talaga.

I saw pouted her lips while choosing books. Kumpara sa mga nandito eh siya ang pinakasimple manumit. Ang ibang babae naman paiksian ng suot at yung isa pang nakapula eh halos maghubad na sa harapan ko kung makatingin. Sa inis kong baka mamaya lapitan ako, hinapit ko si Victoria sa braso ko at hinatak siya sa counter para makapagbayad.

“What the fvck, Andrei?!”

“Wag kang makulit Victoria. Yung babae sa likuran ko kanina pa ako nilalandi. Ang kulit-kulit. Kunwari na lang girlfriend kita. Babayaran ko lahat yan kapalit nito. Tara na kainis kasi.”

“E-eh ayoko nga! Asar ka naman eh!”

“Akong bibili ng lahat basta umalis na kasi tayo dito. Naasar na ako.”

“Haaay! You’ll definitely pay for these!” Sabay dila niya.

Kinaladkad ko siya hanggang makarating kami sa isang coffee shop sa may Serendra para makapagpahinga. Mainit ang panahon ngayon kaya kailangan namin ng pampalamid. I let her sit first and I ordered to macchiattios.

“Hindi ko ineexpect na magkikita tayo dito, Andrei. Taga north ka di ba? What made your loser *ss come here?”

“Kasi I love this store! Atsaka bakit ba? Feeling mo pag-aari mo ang buong BGC.”

 I don’t know why I’m stuttering by watching her taking a sip on her drink. Pakiramdam ko naiinggit ako sa kapirasong straw na yun na hinihigop niya. Sh*t, dirty thoughts with an innocent girl? Nagmumukha na akong manyak.

I sighed and she looked at me na para bang nagtataka kung bakit.

“Okay ka lang ba, Loser Andrei? You sighed twice.”

“A-ah wala. By the way, nandito na lang din tayo, baka gusto mo sanang maglunch?”

“Sorry, may plano ako kasama si Romeo. We’re meeting mamaya around 12:30PM. Sorry, Andrei but I can stay here to enjoy this drink with you for a while.”

“O-okay, sayang naman. Bored din kasi ako, pero no problem.” I looked at her drinking her coffee while checking out her books.

“By the way Andrei, I’ll pay for-“

“No. I paid them so accept it. It’s no big deal, marami naman akong pera.” I flashed her a killer smile pero mukhang walang epekto. Walang epekto?

“Ganun ba? Okay, thanks loser Andrei.” She smiled again.

Why do I feel disappointed? I should hate this girl. I definitely have to hate her, but… how can you hate a woman looking so innocent as this one in front of me?

Hinatid ko na lang siya palabas ng coffee shop at tuluyan na ngang umalis. I feel a pang of disappointment again kasi tinanggihan niya ako. Malayong-malayo na siya sa Victoria na nabaliw sa akin. I miss her chocolate muffins. I miss her scent… I think, I just miss her.

Ramdam ko ang malaking disappointment na ito at di ko maisip kung bakit ba ako naiinis. Makauwi na nga lang.

=-=-=-=-=-=-

That was a weird coincidence. Sa lahat ba naman ng makikita ko ay si Andrei pa. Simple lang ang suot niya pero bakit sobrang gwapo niya? Nauutal pa ako kanina tuwing kakausapin ko siya. Di ko maiwasan kasi alam ko naman sa sarili ko na may natitira pa rin ako pagtingin para sa kanya.

Alam ko naman di pa rin ako makakaget over eh. I smiled at the thought at nakita ko na nag-aabang si Romeo sa labas ng isang Itallian restaurant.

“Victoria! I missed you so much baby!”

“I missed you too, Romeo. Kamusta ang biyahe mo?”

“Okay naman, kaso hindi ako makapag-adjust sa weather. Sobrang init at naasar lang ako lalo.”

“Ikaw naman. Ten years ka lang sa US pero di mo na agad maadapt ang klima dito? Tara na nga kumain na lang tayo. Namiss ko tuloy yung barkada natin sa Illinois. Grabe buti nakauwi ka na?”

“Oo naman, kasi si mommy sabi niya dito na lang daw ako total may kaibigan naman ako dito.”

“Ay! Punta ka sa isang araw ha. 52nd birthday ni dad. Magpapacatering sila kaya maraming bisita sana makapunta ka. Actually hindi naman sa isang araw agad. Sa isang linggo pa naman, pero don’t forget to go there ha? Magtatampo si mommy kasi alam niyang nakabalik ka na.”

“Adik ka pa rin! Syempre pupunta ako tsaka alam kong sosyalan yun. Tara na nga kumain na tayo kasi gutom na talaga ako.”

He just smiled and called the waiter to order our food.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon