CHAPTER 33 (The Skeletons in his closet)

4.1K 61 0
                                    

Say you’ll share with me one love… one lifetime.

May lifetime pa ba kami ni Andrei? Kaasar naman kasi ‘yung babaeng ‘yun. Kahit na alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo eh bakit kaya ang bigat pa rin pakirramdam ko? That woman is a Class-A slut at pinapalabas niya ang pagiging High-grade b*tch ko. I wasn’t really that kind and humble kahit na ‘yun ang ina-assume ng lahat kasi minimalistic lang ang style at personality ko. No one knows I could be really such a b*tch ‘pag nagalit ako.

Katulad na lang kanina. I felt a huge urge to beat the sh*t out of her. ‘Di ko talagang inakalang pumatol si Andrei sa ganung klase ng babae. Kelan kaya mawawala ang inis ko? Sobrang sakit na ng ulo ko at isang oras pa ang hihintayin ko para makapag-out at makipagkita kay Andrei. Pa’no ko nga ba sasabihin sa kanya ang nalaman ko? Pa’no kung iwanan niya ako kasi ayaw niyang maging bastardo ang anak niya? Sh*t naman, sana nagpabuntis na rin pala ako.

Haaay.

I heard a knock from the door. Si Amalie pala.

“Hey girl!” Bati niya sa akin habang hawak-hawak ang box ng donut. I pouted and she frowned. Mukhang gets na niya kung bakit ako nakasimangot.

“Si Andrei na naman, ano? Lintik talaga ‘yang lalaking ‘yan.” Sabi pa niya. Kumuha ako ng oreo donut at kinain ‘yon agad. Sobrang inis ko talaga kanina sa babaeng ‘yon at hindi ko alam kung anong magagawa ko kung nagtagal pa siya ng ilang Segundo sa loob ng kwartong ‘to.

“Amalie… na… nakabuntis yata si Andrei.” Humihikbi kong sabi. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mukha ko. Patuloy pa rin ako sa pagkain ng donut kahit maiyak-iyak na ako kakaisip kung anon a nga ba ang mangyayari sa amin ni Andrei. Parang nagsasawa na kasi ako sa ups and downs ng relasyon naming dalawa eh. Nakakasawa na kasing masaktan.

“Hulaan ko ha, si Hosepinang maluwag na babae ba ‘yan?! Aba ‘yang gaga na ‘yan eh sinabihan din akong nabuntis daw siya ni Andrei eh. Pinagmamayabang niya ‘yan kanina sa Marketing department at nakatikim ‘yung babaeng ‘yun kanina sa ‘kin.” Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang nagawa niya kay Josephine?

“A-ano ang ginawa mo, Amalie?”

“Aba, sinabi ko lang naman ang listahan ng mga lalaking tinutuhog siya gabi-gabi kaya naman tinawanan lang siya ng mga kasamahan namin. Sa totoo lang, sa daming tumitira sa kanya, malalaman niya pa kung sinong ama ng pinagbubuntis niya?”

“Oh my goodness… ang hard mo naman.” Sagot ko.

“Gaga, kahit nga ako duda kung magkakaanak pa ba ang matres niya eh talo pa ang 7/11 sa pagka 24/7 niyang keme niya. Pardon me for my profanity, ha? Kakainis kasi, ang kapal ng mukha niya kanina. Tinatawanan niya pa ‘yung mga babaeng may crush kay Andrei.”

“Pero… pa’no kung totoo nga?”

“Imposible nga! Kasi, nakapills ‘yung gagang ‘yun. Naalarma siguro siya ‘nung sobrang sweet niyo nung team building. Aba, halos matunaw na kayo sa tindi ng tingin niya. My hubby said, na kahit ‘yung mga kasamahan niya sa unit eh nagalaw na ‘yun. I don’t why she’s doing this. I mean, maganda naman siya pero bakit parang desperada na? Pera?”

“Aba ewan ko nga din, Amalie. ‘Di ko din alam kung bakit ganyan siya. Sinisira niya ang sarili niya. I feel pity for her, kasi madumi na ang tingin sa kanya ng mga tao.”

“Well, you have to talk to him… just to clear things up. Mahirap na ‘yung iniisip niyang maayos kayo pero iba na pala ang iniisip mo.”

“Of course. I love him and as much as possible, I’ll be lenient towards him. After all, kahit ano naman kasi ang mangyari, hindi ko naman siya ibibigay na lang.”

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon