CHAPTER 13 (Celebration)

4.7K 85 0
                                    

I wore an Itallian-branded dress. It’s a black A-cut and going mid thigh in length, sweetheart cut with low back. The color accentuated my freshly tanned skin from California a month ago. I had my in a curly and messy bun with a 1950’s hair line.

My mom bought me a new pair of nude heels and red rouge dry matte lipstick. Seriously, ako ba ang ay birthday bakit ako pinagmumukhang sobrang ganda ng nanay ko at talagang naghire pa siya ng make up artist. May mamahaling bracelet pa sa tabi na nakabox at mukhang bago galing ibang bansa.

“Mom? Bakit parang sobrang ganda ko yata ngayon?”

“Hmmm… anak. Dadating kasi yung anak ni Dr. Jimenez at doctor din yun. Siya sana yung ka-blind date mo, kaso nagkabiglaang surgery kaya ‘di nakapunta.

“Ahh… so yung dapat na ni-reto sa akin nung isang linggo eh ngayon makakapunta? Okay, I hope he’s dashing tonight. Nabigla nga ako kay dad kung bakit bongga ang birthday eh dati naman sa isang resto lang tayo.”

“Your dad wants to enjoy his life, hayaan mo na siya anak. He’s living it in a happy way. Ramdam ko na ginagawa ito ng dad mo kasi tumatanda na kami, atsaka he wants to experience ang engrandeng birthday.” My mom winked.

“Pero mom, you look so beautiful, ha.” Then she smiled.

“Alam ko at ang dad mo ha, expensive ang three-piece suit niya.”

“Wow, dad’s going mad! He’s never been spending this much!”

“I know baby, kaya nga let’s enjoy this and keep smiling dumadating na ang mga bisita sa labas at wag ka munang lumabas, ha?”

“Bakit?”                                                                                       

“Basta, kasi ikaw ang unica hija. Dapat ikaw lang ang fresh at maganda. Walang dapat hihigit sayo. Ngayong 25 ka na, halatang ngayon ka lang nagbloom at kitang-kita ko na malaki ang ikinaganda mo simula nang tumanda ka at sobrang sexy mo na anak. Sabi sayo eh, may benfits ang pagmember ko sayo sa gym!”

“Ma! Ano ka ba, may makarinig.”

“Bakit ba? Eh teritoryo natin ito.” Then she smirked. Kahit kailan talaga eh lakas ng confidence eh. I just giggled at hinayaan ang make up artist na gawin ang trabaho niya.

Well pagtingin ko sa salamin, obviously she did a good job. I am definitely smoking hot. Ako na yata ang pinakamagandang babae dito… on second though baka hindi kasi dadating si Mrs. Marian Sy.

Bahala na nga si batman. Sana naman everything goes smoothly sa birthday ni dad. I hope maging maayos ang lahat.

Nagstay ako sa kitchen counter habang sumisipsip ng choco drink na nakatetra pack. Nauuhaw na kasi ako at kailangan ko ng matamis para naman maging hyper ako ng unti kasi nanglalamya ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa bintana ang mukha ni Andrei na nakasuot ng Black tuxedo, black shirt, and silver bow tie. Nakabrush up siya at grabe ang tinginan ng mga kababaihan sa labas. Halatang-halata ang mga nakikipagflirt sa kanya.

Tse. Mas maganda ako ngayon, kaya maglalawa ka Engr. Andrei Marco Dela Merced Falcon! I’m telling you maglalaway ka talaga!

Nagsasalita na ang dad ko sa labas at ‘di pa rin ako pinapalabas ni dad ng bahay. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya dahil sound proof ang sala namin. Bigla may pumasok na matangkad na lalaki at napabalikwas ako.

“Victoria? Labas na tayo, ako nga pala escort mo. By the way, you look breath-taking. Sobrang ganda mo ha. Ewan ko nga ba sa daddy ko eh ako pa ang naging escort mo. I bet yung twin ko naman yung gusto mo.” He winked!

“Hindi ha. Nandyan kaya yung kablind date ko.”

“Sino sa mga yun, Vickie?”

“Yung anak ni Dr. Jimenez.”

“Nge! Eh bading yun. Sus, buti na lang ang gwapong tulad ko ang naging escort mo. Swerte ka.” At humagalpak sa tawa si Chris.

“Tayo na?” He asked.

“Of course.”

=-=-=-=-=-=-

Lumabas si Victoria hawak-hawak ang kamay ng aking kakambal na si Christian Alexis. What the fvck?! So sa kanya pala boto ang parents ni Victoria? Nagpalakpakan ang mga tao at pinapunta pa siya sa harapan kasama ang parents niya. They make her sit in a velvet chair at muling nagspeech ang daddy niya.

“Anak, this party is not just about celebrating my birthday. It’s actually a celebration of your comeback. Miss na miss ka namin ng mommy mo at… naiiyak na ako. Okay, hindi kasi natin naicelebrate ang debut mo at maraming birthdays mo simula ng mag-aral ka sa America. You became so attached to you studies kaya tuwing pasko o summer lang tayo nagkikita. Miss na miss talaga kita, at naiiyak ako tuwing naalala ko yung araw na ayaw mo nang mag-aral dito sa Pilipinas sa isang ‘di ko alam na rason. You were so lonely na para bang dinudurog ang puso namin ng mommy mo. You were broken that time and we didn’t know how to pick the pieces of you broken self. Thank God, at nakarecover ka na agad kasi tingnan mo yang escort mong si Dr. Edward Jimenez, napakagwapong bata. Anak, mabait yan at sana bigyan mo ng tsansa kasi botong-boto ako sa batang iyan. Anyways, let’s enjoy the party in celebration of my daughter’s comeback.”

Pagkatapos ng speech ay biglang niyakap ni Victoria ang kanyang daddy. Ramdam ko na parang may bumara sa lalamunan ko at ‘di ako makapagsalita. Para bang kasalanan ko ang lahat kung bakit biglaang pumunta siya ng Amerika.

Nilagok ko ang baso ng scotch na binigay ng waiter. Parang nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sarili ko kasi ang tatay ng babaeng nagugustuhan ko ay may gustong iba para sa kanya. Karma ko na siguro ito. Sa dami ba naman ng babaeng pinaiyak ko at sinaktan ko si Victoria na nga yata ang Karma ko.

How can she look that beautiful and fragile? How can she look that way when she’s the reason why something inside is slowly killing me?

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon