PROLOGUE

11.2K 175 10
                                    

This is a parallel story from TMUTABLA which focuses on the heroine's brother, Andrei Marco. I hope you like this one and I decided to upload this kasi matatapos ko na ang TMUTABLA. Please vote and comment on how do you find this novel ha? Thanks!

Stay beautiful and thank you.

xoxo, ellalures

=-=-=-=-=-=-

Day 143- Mahal ko talaga siya. Nakita ko na namang nakatingin siya sa best friend kong si Marian. Sobrang gwapo niya talaga. Para akong kakapusin ng hininga sa tuwing dadaan o mararamdaman ko ang presensya niya. Magkakambal sila ni Chris, pero mas may kakaibang dating si Andrei sa akin. Grabe, baliw na yata ako kasi binibilang ko ang mga araw na naiinlove ako sa kanya. Baliw ka na ngang talaga Victoria.

Andrei Marco Falcon: matalino, gwapo, perfect at mahal na mahal ko.

Oo, baliw na siguro ako. Grade six pa lang ako hinahabol ko na siya. Wa epek lahat. Kahit na matalino daw ako wala pa rin. Di ko kaya siyang maimpress. Ako yung matalino at mabait na estudyante pero bakit si Marian pa rin ang gusto niya?

Si Marian kasi maganda, sexy at crush ng bayan. Ano nga ba naman ang laban ko sa kanya? Mayaman ang pamilya nila at isa siya sa mga most sought after muses sa buong campus.

Pangit ako kaya ayaw sa akin ni Andrei. Mahal na mahal ko siya at wala akong pag-asa sa kanya. Walang-wala.

Day 275- Binigyan ni Andrei si Marian ng limang boquet ng bulaklak ngayong araw. Oras-oras may dumadating na bulaklak sa classroom. Siya na naman ang bida sa lahat. Alam ko naman na binest friend niya lang ako para may makopyahan siya sa tuwing malapit na siyang bumagsak. Childhood friends kami and right now I’m stuck being a child while she’s moving on as an adult. Kinantahan pa siya ni Andrei at nagsigawan ang lahat. Masyadong unfair ang buhay kasi naman bakit siya lagi ang gusto ng lahat.

Day 294- Narinig kong sinabi ni Marian na wala siyang interes kay Andrei kasi si Robert Sy ang gusto niya. Dati ko pang alam na malaki na ang pagkagusto ni Marian kay Robert kaya naman ginagamit niya si Andrei para mapagselos si Robert. Kawawa naman yung mahal ko, pinaglalaruan lang siya. Ang lakas ng tawa ng mga kaibigan ni Marian dahil sa mga plano niya. Ang sama niya sobra. Gusto ko siyang kaladkarin mula sa kinauupuan niya. May Chinese blood siya kaya bagay sila ni Robert.

Day 327- Naghahalikan ngayon sa likod ng auditorium ng school sila Robert at Marian. Nadudurog ang puso ko para kay Andrei. Unconditional love ang nararamdaman ko para kay Andrei kaya naman kahit may chance na ako eh mas nasasaktan ako kung masasaktan siya. Patay na patay ako sa kanya at oo, nasisiraan na ako  ng bait dahil sobra na akong OA sa pagmamahal ko para kay Andrei. Ganito katindi ang pagmamahal ko sa kanya kaya nga kahit mukha na akong tanga, hinahabol ko pa din siya.

Day 533- Inabot ko kay Robert ang love letter na pinapaabot ni Marian. Syempre magkaibigan kami kaya inabot ko iyon. Ang tagal kong nag-hintay sa labas ng classroom nila. Mukha na naman akong tanga sa mga utos ni Marian. Ang tanga-tanga ko talaga. Naiiyak na ako sa kaba kasi madudurog ang puso ni Andrei sa gagawin ko. Matagal na naman kasi ang tagong relasyon ni Robert kay Marian. Gusto lang talaga ni Marian ang hinahabol siya ni Andrei kasi siya ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa campus. In short, ginagamit lang ni Marian si Andrei para sa kasikatan niya sa campus.

Nakita ko si Robert at sinabi ko na ang love letter ay pinapaabot ni Marian. Tuwang-tuwa si Robert sa pinapaabot ni Marian.

Nakita ko si Andrei na masama ang tingin sa akin. Alam niyang kakilala ko si Robert dahil pareho kaming member ng student council at iniisip niya sigurong inireto ko na ng tuluyan si Marian kay Robert. Galit na galit siya sa akin at nakakatakot kung magtatama ang mga tingin namin. Alam kong alam niya ang ginawa ko kaya naman dali-dali akong umalis at tumungo sa classroom. Ramdam kong sinusundan ako ni Andrei kaya naman no choice na ako at tumakbo ng mabilis patungo ng parking space kung saan naroon ang driver ko.

Mabilis siya. Malapit na niya akong maabutan. Dala-dala niya pa rin ang malaking bulaklak na ibibigay niya sana kay Marian. Naiiyak ako habang tumatakbo. Nahagip niya ang braso ko at natumba ako habang nasa taas ko siya.

“Bakit ka habol ng habol ha?” Galit kong sabi sa kanya.

“Kasalanan mo ang lahat nang ito Victoria! Hindi-hindi kita mapapatawad. I don’t care if you love me too much. You ruined my life! Tigilan mo na ang kakahabol sa akin! Nawala si Marian sa akin nang dahil sayo. Sa akin siya, pero bakit mo sinabi kay Robert na mahal siya ni Marian?”

“K-kasi nga totoo naman yun. Mahal siya ni Marian. Mahal kita pero hindi ako sinungaling. Best friend ako ni Marian, syempre di ko rin kayang masasaktan siya.” Sabi ko.

“Magising ka na! Hindi ka mahal ni Marian. Chinese silang pareho kaya boto ang parents ni Marian kay Robert. Alam ko namang alam mo yun kasi nga matalino ka di ba? Sabi mo pa mag-i-engineering ka di ba? Magising ka naman! Ayoko lang na masaktan ka ni Marian. Ganun kita kamahal Andrei.”

“Wala akong pakialam sa pakiramdam mo Victoria! Kasalanan mo ang lahat. Wala na sa akin si Marian kasi umeksena ka! Stay away from me! Stalker! Obsessed! Freak! Pangit ka!”

Sinampal ko na si Andrei.

Sinampal ko siya.

Sinampal ko ang lalaking mahal ko.

My high school life went downward spiral. Buong buhay ko sa high school binuhos ko sa kakahabol ko kay Andrei. Buong akala ko kasi magugustuhan niya ako. Umikot ang buhay niya kay Marian. Ito na ang huling taon ko sa St. Maximillian. Hindi-hindi na ako babalik sa unibersidad na ito. Binasag nito ang puso ko. All my bitter memories are here.

Everything that hurts stays here kaya naman, iiwanan ko na ang lahat. Iiwanan ko na ang puso ko dito unibersidad na ito.

=-=-=-=-=-=-

COMMENT for your thoughts about this and please vote if you liked it! Thanks! Mwah!

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon