CHAPTER 12 (DISASTER)

5K 75 1
                                    

Tumayo sa harapan ng table ko si Andrei hawak ang invitation na dumating siguro sa bahay nila. Kinabahan ako kasi hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumapit.

“I’m going. “

“Okay. I’ll tell my dad. Tell Chris to come, my dad’s expecting him”

“Okay, we’ll probably go together.” At lalong sumimangot ang mukha niya. Seriously? Parang di man lang naging concern nung nagkasakit ako. Loser ka talaga Andrei.

“That’s good. Formal dinner nga pala yun. Your dad’s been informed so no need to tell him.”

“Marami bang babae dun? Baka naman ikaw lang babae doon at ma-bore ako.” WTF?!

“Ang kapal talaga ng mukha mong loser ka! Oo na maraming babae doon na pwede mong i-kama like my cousins, friends, other relatives at mga anak ng katrabaho ng dad mo at dad ko, okay?” Asar talaga. Lunes na lunes sinisira ng lintik ang araw ko.

“Selos ka naman. Aminin mo na kasi Victoria, may crush ka pa rin sa akin.”

“Kapal mo, kasing kapal nitong binabalense ko! Leche ka sobrang tigas ng pagmumukha mo! Adik!”

“Whoa, oo nakakaadik talaga ang kagwapuhan ko, deal with it Vickie.”

“Hey! Don’t call me Vickie! Si Chris at mga friends ko lang ang tumatawag sa akin niyan!”

“Eh di tawagin na lang kitang baby, gusto mo iyon, right? Kinilig ka ano?” I stopped responding to his immature acts. Nakakainis. Ang kapal.

Oo na gwapo ka na, at mahal na mahal pa rin kita pero wag mo naman sana isampal sa mukha ko na maghahanap ka ng ibang babae sa party. Nakakabasag kasi ng puso, Andrei.

I pouted at the thought. I am currently lost in my thoughts, nang biglang halikan niya ako.

“Fvck! WTF are you doing, Andrei?!” I stood up at siya no reaction lang sa ginawa niya. Magaling talaga. Ako pa ngayon ang mukhang may pakialam.

“I said, stop pouting those lips kasi hahalikan ka talaga. Obvious naman na nagpapacute a sa akin kaya pinatulan ko na yung pagpapacute mo.” He winked!

“Yuck, ikaw cute? You’re a beast in my eyes, Andrei.”

“Yep. You’re the beauty, and I am the beast in… bed.” And he walked out of the office laughing so hard like he’s going to die.

That Andrei can still make my knees go weak and my heart thump like a drum parade. Ewan ko ba kung bakit ang lakas-lakas ng tama ko sa lalaking yan eh ang ginagawa lang naman niya eh inisin ako ng sobra at halikan ng walang paalam.

Napadampi ang mga daliri ko sa aking labi. That kiss still gives me melting feeling I’ve been seeing in my dreams. Bakit ba sa lahat ng pwedeng tamaan kay Andrei pa? Sobrang iba siya dapat na magustuhan ko. He isn’t the type to be tied down in a relationship. His life goes around with one woman a night, and nothing more, nothing less.

I sighed. I can’t find the words to describe my feeling right now. If there were words created for this feeling, I want it removed in the dictionary.

=-=-=-=-=-=-

I still can’t sleep. Halatang-halata ba na may gusto pa rin ako kay Andrei? Bakit niya kaya ginagawa yun? Paano nga ba kung lalo pa akong mahulog sa kanya? My heart is thumping like crazy and I want this to stop. I want to stop fantasizing Andrei. This isn’t healthy.

He was never healthy in my life to begin with.

Dapat isaisip ko na siya ang dahilan kung bakit ako biglaang nagpunta sa mga magulang ko. He’s the one who ruined my life to begin with and kailangan matapos na ang kahibangan ko. I need to end this misery in my heart. I want this to stop.

I want this feeling dead and gone.

I listened on my iPhone, and the song is ‘Surround you’ by Echosmith.

I want my heart to stop beating; to stop beating for Andrei.

=-=-=-=-=-=-

I stopped thinking about Andrei kasi isa ako sa nagpe-prepare para sa 52nd birthday ni dad. Right now parating na ang mga caterer dahil in four hourse time eh dadating na ang mga bisita. I was actually hoping na mas maaga baka kasi magkulang sa food or sa drinks and liquors.

I arranged the flowers at ang pool side ay nagmukhang instant fernwood gardens sa galing ng mga pinsan kong mag-asikaso. Grabe ang messy ko na at mamaya pala eh dadating na ang mga relatives namin para makapagbihis.

“Baby, maligo ka na nga. Messy mo na sobra. Nandoon na nga pala yung binili kong dress and shoes. Magpaganda ka anak, lagi ka kasing plain tsaka nga pala dadating ang mag-asawang Sy ha.”

Sy.

Fvck.

“O-okay mom. Akyat na ako.” I can’t find the words to say. Could this day get any worse? Mababaliw na ata ako sa sobrang kaba para sa araw na ‘to. I don’t wanna ruin my dad’s birthday pero may iba akong nararamdaman sa araw na ‘to.

Please Lord, sana maging maayos ang lahat na kahit iba an gang nararamdaman. Ko.

ANDREI+SY’s+ME+AWKWARD SILENCE=DISASTER

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon