CHAPTER 24 (Breath of fresh air)

4.6K 80 4
                                    

I don’t know what evil demon possessed me to sleep with that woman. I just didn’t know how to handle Victoria. I felt so guilty dahil kitang-kita ko kung paano siyang nanghihinang naglalakad kagabi pabalik ng kwarto. She was really pale and sick, but I still managed to be an as*hole.

I saw her sitting in the poolside, wearing provocative clothing. Mukhang kakagising lang niya at namumula pa ang kutis niya galing sa lamig ng airconditioning system sa kwarto. She’s wearing her aviators and is now lying down.

She’s talking to that Romeo.

“Yes… I miss those days with you all. I am actually thinking about going back in the US.” Sabi pa niya at habang nagtatawanan silang dalawa sa pinag-uusapan nila. Damn I hate myself for leaving her last night. My mind went downward spiral as soon as she showed me how she hated my touch.

She hates it when I try to do something. Pakiramdam ko pinandidirihan niya ako. Nararamdaman kong ayaw na niya sa akin at nawala na ang feelings na akala ko ay nadyan pa rin hanggang ngayon. All I thought was she’s still head over heels with me, iyon pala imagination lang lahat.

Ang sakit sa pakiramdam at ngayon naman ay balak na niyang bumalik ng US. Ganoon na lang ba iyon? I declared my love for her, and there she is, obviously rejecting me.

Harap-harapan niyang pinakita kagabi na nadidiri siya sa mga ginagawa ko. How could I get inside her heart? I want her.

I really, really, really want her in love with me.

I want her insane and gong crazy kasi sobra na niya akong mahal at hindi na niya kaya pang iwanan ako. That would be a fvcking imagination.

She stood up at bumalik na sa loob.

Hanggang tingin na lang siguro ako. Hindi naman nagwo-work lahat ng ginagawa ko. Tama bang panghinaan ako ng loob?

Victoria actually pursued me for four damn years in high school and… I guess dapat ipaglaban ko rin siya like how she was to me.

“Andrei… I really like you. Kahit na pinagtatawanan na ako ng mga kaibigan mo, wala akong pakialam kasi I know someday you’ll fall in love with me.” Bigla niyang sabi. Basang-basa siya ng ulan at tumakbo siya mula auditorium para lang ibigay sa akin ang mga chocolate muffins na ginawa niya.

Naghiyawan ang mga kasama ko. We were actually watching my twin brother Christian habang nagpapraktis ng basketball.

She’s dripping. Basang-basa ang uniform niya… at baka ang pink bra niya. Pinagtitinginan na siya ng mga lalaki. She has this beautiful skin na kahit nerd pa ang tawag ng iba sa kanya, mapapansin mo pa rin ang ganda ng mga mata niya.

I took out my extra white shirt at insinuot sa kanya dahil binabastos na siya ng mga kaklase ko. Hindi ko rin maintindihan pero nagagalit ako at gusto ko silang sugurin.

“Tanga ka ba?! Bakat na iyang bra mo! Takpan mo bilis!” Binilisan niya ang pagtatakip sa sarili niya at bigla siyang namula. She sneezed.

“Tingnan mo sinipon ka na. Akin na nga iyang dala mo, lagay ko na sa bag. Tsaka may dala akong paying, hatid na kita sa driver niyo. Malamang magkakasakit ka na. Tingnan mo nga namumula na iyong mata mo pati ilong mo. Pinisil ko ang ilong niya at nagblush siya.

Kahit ako, hindi ko alam bakit ko ginawa iyon. Pakiramdam ko natutuwa ako kay Victoria. Hinawi ko ang buhok niyang mahaba sa likuran ng kanyang tenga. Meron pala siyang nunal bandang leeg. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan na hindi suot ang makapal niyang salamin.

“Manong!” Tinawag ko ang driver niyang nakasandal sa kanilang itim na sasakyan. Nagula siyang makitang basang-basa si Victoria ng ulan.

“Naku, hija nilalamig ka na. Tara iuuwi na kita. Salamat nga pala hijo sa pagdala sa alaga namin. Nasa loob ang yaya niyang naghihintay lang sa kanya. Nakita kong humiga siya kandungan ng yaya niya at pumikit.

Unti-unting nawala ang sasakyan sa aking paningin at may ibang pakiramdam ang nasa dibdib ko.

=-=-=-=-=-=-

Nakita kong nakahiga si Victoria sa kanyang kama habang nakaheadphones. Balot siya ng kumot at maraming nagkalat na gamit na tissue sa gilid ng kama niya. May pinagkainang cup noodles at bote ng mineral water. May balat pa ng gamot na siguro para sa lagnat.

I bravely sat on her bed at hinipo ang noo niya. Mainit pa rin siya.

“Mainit ka pa rin. Gusto mong pumunta ng ospital?” Umiling siya at ngumiti. Bumangon siya at may kinuha sa kanyang bag.

Thermometer.

“Hindi kasi ako aware kung ano na ang temperature ko. Masakit talaga ang ulo ko, pero mas okay ngayon compared earlier this morning.” She smiled and went back to her bed.

“Victoria… I’m sorry. Hindi dapat kita iniwanan kagabi dahil lang sa nagtatampo ako sayo. I was so stupid to flirt and do crazy stuff with that girl. I mean… I really fell deeply in love with you at pakiramdam ko nandidiri ka sa akin.”

She removed her earphones and cupped my face. She kissed me on the cheek.

Iyon na siguro ang pinakasimpleng halik na natanggap ko sa buong buhay ko. That simple kiss took my breath away.

Correction, I slept with the other girl and we DIDN’T have sex. Natulog lang ako sa tabi niya dahil wala akong choice at nag-offer naman siya. May isa pa kasing bakanteng kama.

Anyways, that kiss felt like my life depended on it. I smiled at her and embraced her really tight. I want to feel her at kahit maging celibate pa akong buong buhay ko eh wala akong pakialam as long as I have her. I need her, and if I won’t be spending my days with her, para na rin siguro akong namatay.

“I’m sorry… kung inakala mong nandidiri ako sayo. Pero… you should understand na marami akong insecurities lalo na pagdating sayo. I can’t… feel secured. Hindi ako sigurado kung akin ka nga.”

“Mas marami akong insecurities. Pakiramdam ko, iiwanan mo na lang ako nang di ko namamalayan. Nakakatakot. Ayokong isipin pero laging sumasagi sa isipan ko.No ,don’t apologize.  Wala akong pakialam kahit hindi kita mahawakan, basta lang wag kang magagalit sa akin. I would hate myself if ever… you’ll hate me.”

“Hindi naman ako magagalit sayo eh, kaso hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. I know na alam mong may gusto pa rin ako sayo. Feel my sincere love, Andrei. I’m not a passionate person but I have this unconditional love with you since the day I met you. I can never hate you, kahit gustuhin ko… hindi ko kaya.”

She kissed me. A small peck on my lips and that tasted like sweet madeleines with freshly made whipped cream on top.

Everything she is makes me feel too refreshed… she’s a breath of fresh air.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon