CHAPTER 6 (She's driving me nuts!)

5.7K 84 4
                                    

Napakapait ng darating na weekend ko. She despises me at I can’t think straight right now. It’s Friday night and drinking shots still didn’t help me out.

“Oh pare, anong nangyari sayo? Mukha kang biyernes santo dyan ha.”

“Gago. Pagod lang ako sa trabaho.”

“Sigurado ka? Eh kanina pa lumalapit yung mga babae sayo. Halos maghubad na silang lahat pero niisa wala ka man lang bala i-take home sa mga yan. Sana binigay mo na lang sa amin Kami naman ang sanang sumaya.” Nag-apir ang mga barkada ko.

“Oh Migs, andyan ka pala. Kamusta klase?”

“Gago. Alam mong Midterms Prelims ngayon at busy nagtatanong ka pa dyan. Ikaw kamusta na at mukha kang nalugi?”

“Wala.”

“Babae yan ano? Sino naman?”

“Gago wala nga kasi! Haaay… mga babae sakit lang sa ulo.”

“So babae nga? May girlfriend ka na?”

“Wala.”

“Eh sino nga kasi Andrei. Sabihin mo na, “

“Si Victoria Solomon.”

“Hmmmm… pamilyar yan sa akin. Solomon? Eh dib a yung doctor sa ospital niyo eh may Solomon dun yung umasikaso sa amin ni mommy? Ah mali, lalaki pala yun tsaka nasa fifties.”

“Daddy niya yun. Si Victoria Solomon yung accountant ko.”

“Oh, bakit palpak ba?”

“Hindi. Napakagaling nga niya eh. Kaso… we had a bad past. Naalala mo yung patay na patay sa aking naikwento ko nung magcollege tayo? Siya yun yung lumipat ng Amerika.”

“Oh! Pare kaya naman pala galit ka kasi nerd ang nasa harapan mo araw-araw.”

“Mali Migs. Sobrang gumanda nga siya ngayon kaya namomroblema ako eh. I hate her and she despises me. Wala na kaming naging matinong pag-uusap. Lagi kaming nag-aaway. Ayaw niya magquit kasi alam kong gaganti yun sa akin atsaka… ah basta! She’s driving me nuts!”

“Gusto mo siya. Aminin mo.”

“Gago ka ba?! Eh mortal enemy ko yun tapos magugustuhan ko? Nawala lang ang braces niya tsaka salamin pero pangit siya.”

“Kakasabi mo lang kanina na gumanda, huh? Bahala ka, denial king.”

=-=-=-=-=-=-

“Ano bang balak mo ha, Andrei? Malaking throwback ng history natin? Tigilan mo na’to kasi hindi na maganda pakinggan. Please, kung akala mo hahabulin parin kita, nagkakamali ka. Let’s be professional. Alam kong somehow I offended you by my actions pero sana maayos natin ang misunderstandings ang differences nating dalawa.”

“Okay.”

I’m getting a hard on just by thinking how brave she looked when she said she wants to make it quits. I know it’s a bit of a crazy idea of me in my head, but she looked really hot kanina. When she bites her lower lip parang gusto ko din kagatin.

Ahhhh! Can someone save me?!

I’m hopeless.

“Andrei sweetie, bakit yata parang wala ka sa mood? You requested this pero ni di mo man lang ako matingnan?”

“Josephine, I’m tired. Nabanggit naman siguro sayo ni Victoria na nagsite visit ako, right? Mainit sa labas at sobrang pagod ako.”

“Sweetie, hayaan mo na yung babaeng yun! Nakakainis kasi bakit may babae ka sa loob na mukhang nanay mo na kung manumit? Di naman siya maganda pero na-hire.”

“Magaling siyang accountant, Josie.”

“Eh parang secretarial job naman ang ginagawa niya eh.”

“Iba ang trabaho niya. Siya ang humahawak ng balanseng pinapadala namin sa inyo araw-araw.”

“W-what?! Yung lima-limang makakapal na libro ng accounts?!”

“Yep. A-akala ko mga anim na tao ang gumagawa nun? Pero kaya niya.”

“Yep. Ano ba, gawin mo na lang pinagagawa ko sayo dyan at wag mo na banggitin si Victoria, and just give me a mindblowing s*x.”

“Of course… my dark horse.”

=-=-=-=-=-=-

Unknown number

Kanina pa may nagriring ng number ko pero di naman nagsasalita kapag sinasagot ko. What the f*ck is wrong with this person? Kaasar eh, di ko matapos yung pinapanood kong koreanovela online. Panira ng moment.

Ayan nanaman si 0917*******

Kaasar na. All I can hear are strange noises and breathing? Someone is definitely sleeping on the other end. Nadrunk dial ako I guess. Nakakaasar kasi napapagtripan ata ako ng number na ‘to. Ang kapal talaga niya. Malaman ko lang kung sino ‘to lagot siya talaga.

I woke up next day and feeling so relieved. Buti na lang at tapos na ang first week ko at so far kaya ko na i-handle ang childish personality ni Andrei. All in all, professional naman siya kaso babaero numero uno nga lang talaga.

I worked out for four hours and decided to head out in a fast food chain to grab a bite since nakakagutom magworkout.

I’m sitting somewhere near the counter when I saw someone familiar. My day is totally ruined.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon