CHAPTER 15 (You are my first love)

5.4K 81 3
                                    

I saw Andrei flirting with one of our guests. Magandang babae ang kausap niya at kanina pa sila nagbubulungan. I looked away, dapat sigurong kalimutan ko na nga yata siya. He’s the poison slowly killing my heart and I can’t let him win again this time.

“Alam mo Vickie, baka kung nakakamatay lang ang mga tingin ni Drei, kanina pa ako namatay. Halatang nagseselos eh.”

“Asa naman, eh magkaaway kami niyang kambal mo. Bakit kaya ganyan ang ugali ng kapatid mo? He’s friggin’ immature and… ah basta nakakaasar siya.”

“Pero mahal mo pa rin. Aminin mo na kasi, may gusto ka pa rin sa kanya. First love never dies, believe me.” At nagtaas pa siya ng kamay.

“Loko-loko ka talaga. Wala na akong gusto sa kapatid mo kasi he broke my heart many years ago and right now ang relationship na maooffer ko na lang sa kanya is purely professional. Hindi na ako yung dati na maghahabol sa kanya. Feeling niya siya ang pinakagwapo sa mundo.”

“Well, totoo naman iyon.” Then he smirked.

“Ewan ko sa inyo, pareho kayong kambal na may sira.”

“Gwapo naman kami at jusko, ayokong masapak ni Andrei ang gwapo kong mukha dahil lang nagseselos siya sa atin. Seriously, I can’t even look at him in the eyes kasi parang dudukutin niya ang mga mata ko!” Then I laughed, hysterically.

“That’s a great joke there Christot payatot. Anyways naalala ko yung pang-asar nay un sayo nung High school tayo. Yung maputing bata na laging kasama ng kapatid mong babae, ang cute nun.”

“Ah… si Alyssa ba? Oo best friend ni Althea Marei iyon at lagi talaga kaming mag-asaran.”

“Well, I can see na you’re no longer payatot ha. You must be hitting the gym a lot! Gusto mo sabay tayong maggym?”

“Ayoko. Baka mapatay na ako ni Andrei sa selos niya.”

“Loko. Impossible. Look at him, halos magmake out na sila nung kausap niyang babae. I’m sure sa kama ang bagsak niyan.”

“Bahala ka. Ako sinasabi ko sayo nanggagalaiti na ngayon si Andrei sa selos. Maniwala ka kasi iba ang instinct naming magkapatid. We’re twins, and I can feel his boiling temper tight now. I swear.”

In a matter of five second, lumapit si Andrei sa amin and he smelled alcohol.

“Bro, lasing ka na ata. Let’s get you home, okay?”  Pero tinaboy ni Andrei ang kamay ni Chris at tumingin ng seryoso at diretso sa akin.

“So ganun? Sa kakambal ko pala gusto mong lumandi. So you want him that much kasi kung makatawa ka sobra eh, hanggang tenga.”

“A-andrei, lasing ka na. Iuwi mo na siya Chris.”

“No! Tell me, bakit siya pa ang gusto mo eh magkamukha naman kami ah. I have the same nose, eyes, lips cheeks! Lahat! Bakit mo ba siya gusto?!”

“I don’t get the point in your questions, Andrei. Umuwi ka na, kasi lasing ka na.” He grabbed my arm and dragged me out of our property. Nasa gilid lang kasi kami kaya ‘di kami napansin sa dami ng tao.

“Ano ba ang problema mo?! Hindi kita maintindihan, Andrei. Kapatid mo iyon pero bakit binastos mo? You’re acting like a child! Napakapeke ng calm and collected image mo sa mga tao!”

“Wala akong pakialam sa ibang tao, Victoria! Ang pakialam ko lang eh ayokong may ibang lalaki na nakikita kang ganyan… kaganda. Sobrang ganda mo na pero ngayon ikaw ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Why do you have to be so beautiful? Why do you have to play up with my system? Karma’s being a fat a*s b*tch now, huh? Are you my karma, Victoria?”

“Ano bang karma ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan! And please, stop grabbing my waist!”

“Ayoko! Hindi ka aalis! Hindi ka pwede sa iba, kasi akin ka lang. Wala akong pakialam kahit nandyan pa ang pinakamagagandang babae! Ikaw dapat akin ka lang!”

“Kahit nandito si Marian? Nandito ang first love mo, Andrei. Nandito siya.” A tear excaped my eye kasi natulala siya.

“Ano bang akala mo? Hindi ko siya first love! For God’s sake, I just wanted her to be an ornament sa image ko! She’s never my first love. Hindi siya. Ibang babae… someone fascinating and she loves me the most. She takes care of me. She loves me too much. She sacrifices for me… and I guess I love her even if I realized it a bit late.”

“M-may mahal ka na palang iba pero sabi mo, you want me.” Naiiyak na ako habang kinakausap siya. “Sabi mo, mahal mo siya pero bakit ako?”

“Kasi… ikaw ang first love ko Victoria. I hated you because you just left. The moment I read the last love letter you sent me, all the things you’ve done for me came back to my head and my heart’s being a huge b*tch for making me cry with that letter. Naalala ko lahat kung paano ko pinagselosan ang kapatid ko noon, kung paano ko halos bugbogin si Matthew na kaklase mo kasi pinipilit ka niyang isama sa JS prom eh ayaw mo.”

I’m just speechless.

“Kuhanan ng report card noong fourth year summer, pero hindi ka dumating. I was so disappointed na nagmadali kang mag-alsa balutan para pumunta ng Amerika. It was disappointing kasi makikipagbati sana ako kasi at some point natapakan mo yung ego ko. I want Marian as a girlfriend kasi maganda siya at siya iyong akala kong deserving sa status ko. I was really wrong kaya simula noon, hindi na ako nakipaggirlfriend at flings and fvck buddies na lang ako.”

My tears went dropping. Hindi ako maniniwala sa sinasabi niya. He’s playing with my feelings again at alam kong niloloko niya lang ako.

“Sinungaling ka pa rin Andrei. Kelan ka ba magbabago? You were the sole reason why I left. I will never forgive you, at ngayon nagsisinungaling ka pa sa akin. Ang kapal ng mukha mo. Sobra mo na akong sinasaktan.”

He touched my face and tears are falling from his face.

“Please, believe me. You are my first love. Nothing had changed.” His eyes turned red from crying and drunkenness. I guess he’s just drunk that’s why he was able to make this lie.

“Go home. I’m going inside. Christian, take him home. Please… I don’t want to see your brother. I want to go to my room and sleep. Take him away. Maawa ka na, please iuwi mo na siya.” I kept taking his hands off of me pero nakayakap siya ng mahigpit sa akin.

I can smell him, and that familiar scent made me wrap my arms around him. Ewan ko kung bakit pero I’m already hugging him back. I love him too much.

“I love… your brother Andrei. Kami na.” 

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon