CHAPTER 16 (Big fat liar)

5.4K 69 3
                                    

I am a big fat liar. Tumawag ako kay Chris para magsorry at okay naman siyang makisakay sa pagsisinungaling ko. He said that he really wanted to teach his brother a lesson kaya sumakay na lang siya.

Andrei is a one huge dumb as* to even say that. Anong karapatan niya para paglaruan lang ako ng ganun? If he really likes me, he needs to earn me.

Yes, I am still in love with that bastard. Kahit anong pag-iwas ko mahal ko pa rin siya na para bang isa siyang lason na ‘di matanggal-tanggal. I sighed.

Buti na lang the party went well at nakapagpahinga na rin kami.

Thank goodness, no one had seen the confession incident kundi lagot talaga kami at eskandalo pa iyon for my parents and his parents are well known in society.

I soaked myself in the tub, to ease the stress away. Masyadong napagod ang isip ko ngayong araw kaya naman kailangan kong mag-isip-isip.

How can he do this to me? Paano niya ako napaglalaruan na para bang wala lang sa kanya? I was expecting to move on kahit mahal na mahal ko pa rin siya. Sinusubukan ko pero pinipilit niya akong higitin pababa kung nasaan siya. He’s such a one huge walking sin.

“Si Victoria ba? Sus, wala naman kasing pag-asa iyon sa akin. She knows I’m into Maria kaya aware na siguro siya na hindi ko na siya magugustuhan.” That’s what I can clearly hear from Andrei habang kausap niya ang mga mayayamang kaibigan niya.

“Whoa pare, pero sayang naman si Victoria. Maganda naman siya, mapayat nga lang.” Sabi nung isang chinito niyang kaklase.

“Matalino kaya iyon. Di ba kaklase niya iyong kambal mo? Balita ko nakikipagsabayan sa talino iyong stalker mo Drei.” Nagtawanan sila habang ako naiiyak na nakatayo sa likod ng auditorium. Paano niya nagagawa ang mga ito? Ganito ba talaga siya kasama? I was expecting more from him pero he left me beyond disappointed.

Very disappointing.

Sinimulan ko na pulutin ang mga kalat nang matapos ang festival sa eskwelahan namin. Isa ako sa mga abala para dito kaya isa rin ako sa tutulong maglinis. I know I look beyond miserable right now, pero no choice ako dahil responsibilidad ko naman ito.

Habang nagliligpit, pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha dahil naalala ko pa rin ang mga sinabi ni Andrei. He really despises me.

=-=-=-=-=-=-

I woke up from a nightmare. Naalala ko na naman ang mga araw na nagmukha akong tanga kakahabol kay Andrei. How can he be this lethal? Bakit ba ganito na lang ako paglaruan ni Andrei?

I literally gasped for air pagkabangon ko, kaya dali-dali akong pumunta sa labas para makahinga. Tanghali na din nang magising ako kaya siguro nanlalambot ang katawan ko.

“Oh, na-late ka na ng gising dyan ha. Kamusta naman ang mga bisita kagabi? Wait nga pala, si Christian iyong medyo curly ang buhok, di ba? Mukhang bagay kasi kayo tapos nagtatawanan pa kayo, mukhang may chemistry nga kayo.” Kinikilig pa si mama habang naghahain ng tanghalian.

I gave her a sarcastic smile, kasi ayan na naman ang matchmaking powers niya.

“Ma, magkaklase kami dati ni Chris sa St. Maximillian. He’s just a friend at may girlfriend na iyon”

“Eh di agawin mo. Aba, mas bagay kayo ng di hamak!”

I rolled my eyes at her and began eating. “Ma, hindi kami pwede, okay? Please understand na may girlfriend si Chris.”

“Eh yung kambal ba meron? Bagay din kayo. Siya iyong boss mo di ba? You suit him too.”

“Ma! Have you seen him flirting with a girl last night? God, hindi kami bagay.” I frowned.

“Sus! Aba dapat makahanap ka naman ng boyfriend. Twenty five ka na! Iyong last boyfriend mong amerikano eh napakabastos ng bibig. Kelan ka ba makakahanap ng matinong lalaki?”

I glared at her, at tumawa lang siya. “Ma, please. Ayoko n asana pag-usapan iyan. I want to rest right now kasi may pasok na naman bukas.”

“Pero bagay kayo ni boss mo ha.” She winked at lumabas na para pumunta ng coffee shop.

Pinipilit ko naman i-digest ang pagkain pero parang wala nang natirang lakas ang katawan ko. Andrei drained everything of me. To think na sinabi ni mama na bagay kami ay hindi ko matanggap. She didn’t know it was him who made me away from her for so long.

No choice ako bukas, kundi harapin ang Andrei na nagpapalambot sa buong pagkatao ko.

=-=-=-=-=-=-

Pagdating ko ng opisina ay wala pa rin si Andrei. Late ako ng 20 minutes pero wala pa din siya. Kung nasa planta man siya ay sana dala niya ang protective gear na nakasabit sa gilid ng table niya. Absent siguro siya.

I began clearing all the books para maipadala ko na sana sa Finance department. Wala akong gana magtrabaho ngayon kaya binagalan ko ang usual hefty pace ko.

This office feels too lonely without him.

“Buti pa si Andrei, binigyan mo ng muffins. Ako na kasama mo sa student council nakalimutan mo.” Christian pouted at nagsimulang ayusin ang mga gagamitin para pagdedecorate ng Gymnasium para sa JS prom.

“Eh siya naman iyong crush ko, hindi naman ikaw! Tsaka, madami kang fans tuwing nasa hard court ka. Marami kaya silang binibigay, kaya imposibleng walang nagbibigay sayo.”

“Pero, they buy those sweets hindi home-made. Ang damot mo ha, sige ka hindi kita ilalakad kay Andrei.”

“Tse! Hindi mo naman talaga ako nilalakad eh!”

“Sus, kaya naman eh kaso best friend mo kasi iyang babaeng ginagamit ka lang.” That struck me.

“Oo na. Alam kong ginagamit niya lang ako, pero wala akong choice kasi kaibigan ni mama ang mama niya. I hate the fact she uses me and Andrei likes her.”

“Eh di agawin na kasi natin para naman sayo na si Andrei.”

“Christian, ayaw nga sa akin ni Andrei. He despises me at tinawag niya pa akng freaky stalker sa mga kaibigan niya. There will never be an ‘us’. Obvious naman kasi na patay na patay siya kay Marian. Halos magmukhang flower garden iyong classroom namin kahapon dahil sa binigay niya.”

“Sus, ako hindi naniniwala na mahal niya iyang si Marian. She’s a scheming b*tch at napakaarte akala mo naman may laman ang ulo.”

“Alam mo kahapon, kumuha ako ng isang white rose sa mga nakapatong sa table niya at inipit ko sa favorite book ko.”

“Hala, dapat hindi mo na sana kinuha, kasi alam ko in the near future bibigyan ka rin niya ng bulaklak.” He winked.

“Kelan? Kung patay na ako?”

The sound of a shutting door woke me up, then there I was lying in the table feeling helpless looking at him.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon