CHAPTER 4 (Reminiscing the muffins)

6.1K 84 3
                                    

She’s now working on her table while I check the monthly distribution ng planta ngayon. She’s quiet and subtle when she works kaya naman di ko maiwasang maintimidate habang pinapagalitan ko ang mga kausap kong engineers na nakaupo sa harapan ko.

Ang kinaiinis ko pa eh kanina pa lingon ng lingon ‘tong mga kausap ko sa kanya. Why would they stare at her? Maganda nga ba talaga si Victoria? Is she that worth the turn?

“Engr. Reyes, lingunin mo na lang kaya yung accountant ko kaysa mag-explain sa akin sa production? Kanina ka pa kasi eh, di mapalagay yang mata mo.”

“Sorry sir. She’s really pretty and napakasimple pero attractive. Balita ko Int’l licensed accountant daw siya, kaya naging usapan na yan sa baba sir.”

So sikat na siya mga lalaki sa kompanya? She’s plain pero nakakakuha pa rin siya ng atensyon? Aba imposible ata yan.

“Really? So ibig mong sabihin may mga nagkakainteres na rin dito kay Ms. Solomon?”

“Opo sir.”

I went back on checking the papers habang pasimple siyang tinitingnan. Ganito pala ang epekto niya sa mga lalaki. To think na wala siyang kolorete sa mukha eh major turn on na yun.

Hindi siya turn on sa akin! Ah! Baliw ka na nga Andrei.

=-=-=-=-=-=-

“Miss, ikaw yung accountant ni Engr. Falcon, right?” I looked at this guy na nakaclean cut at nakasuot ng white polo. He looks rich at BABAERO.

“Yes. I’m Victoria Solomon.”

“Hi, I’m Engr. Vicente ng unit 25. I hope we can be friends. “

Inilahad niya ang kamay niya at nakipaghandshake ako. Di naman ako bastos kahit na alam ko ang balak niya eh I should be polite. Di ko naman ugali ang maging bastos kung decent approach naman siya sa akin.

Paano kaya nakakaattract ng mga lalaki ang plain kong mukha? Nakakaintriga.

“Yeah sure. I need to go back upstairs. Malapit na kasing matapos ang lunch break ko and baka maunahan ako ni Engr. Falcon, nakakahiya kasi.”

He smiled, at turn off ako sa braces niyang parang bading ang dating I swear.

“Oh sige, tara sabay na tayo sa elevator.”

He pressed the up button at nag-antay kaming bumaba ito ng ground floor. To my dismay, dumating si Andrei sa tabi ko habang nagtitext. I’m not going to face him, so I took out my phone and checked some emails para na din magmukhang busy ako.

“Oh yes Victoria, baka naman pwede kong hingiin ang number mo para may contact tayo. We could go out for dinner or kaya lunch. Okay lang ba?”

He gave me his phone pero I still haven’t typed my number yet.

“Bakit mo hinihingi ang number ng accountant ko Engr. Vicente? Wag mong ibibigay Victoria, I order you. Got it?”

Nabigla kaming dalawa sa sinabi ni Andrei. He’s mad, akala nanaman siya eh pinagmumukha ko siyang tanga. Sa inis ko binigay ko ang number ng landline sa bahay para safe at maasar ko siya. Sumosobra na eh.

“There’s my home number. Call me if you want to talk about anything, Engr. Vicente.”

=-=-=-=-=-=-

Nang makarating kami sa opisina, di na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinarap ko na siya. Aba ang kapal ng mukha niyang maglandi sa harapan ko pa! Boss ako pero pinagmukha niya akong tanga by rejecting my order at obviously napahiya ako sa Vicenteng mukhang bading na iyon! Ah sh*t yari ka sa akin Victoria.

“Ginagago mo ba talaga ako Victoria, huh? Simpleng instruction ko kanina di mo nanaman sinunod! Bakit ba ang hirap sayong sumunod sa sinasabi ko? Makulit ka talaga eh no? Bakit gustong-gusto mo makipaglandian sa mga lalaki dito sa opisina, huh? Malandi ka!”

“Gago ka rin Andrei! Bakit ba pati personal life ko eh pinapakialaman mo?! Wala kang karapatan para pangunahan ako! It’s my life and I do what I want to do! You don’t just order me around if it’s not about work!”

Sa sobrang inis ko umupo na lang ako sa pwesto ko at uminom ng malamig na tubig. Sobra na talaga ang galit ko sa babaeng ‘to. Inuubos niya talaga ang pasensya ko!

“So ano, Victoria Anne Solomon, quit ka na?”

She stood up, and went to my table. She stomped her hand and looked at me closely. Bigla naman akong kinabahan kasi medyo malapit na ang pink lips niya sa akin. Her lips looks so soft and moist. Nakakagigil talaga.

“Nope, Andrei Marco Falcon. I won’t quit. I am not a quitter and deal with me. Aminin mo na mas magaling akong di hamak sa mga previous accountants mo. I get the job done without you nagging like a stubborn husband. So kung asar ka sa akin eh mag-isip ka kasi I won’t quit kahit ano pang pang-iinsulto ang sabihin mo sa mukha ko.”

I can’t believe na kaya niya palang magtapang. She’s never been this way kasi ako lagi ang sinusunod niya noon. She’s too far from the Vickie in the past.

“Andrei, gawa ko nga palang muffins. Sana magustuhan mo. I made sure all the measurements are right and I made it moist para magustuhan mo. I heard you love chocolate muffins.” She smiled at me tinanggap ko ang dala niya. Sa totoo lang wala akong sinayang sa mga binibigay niya kasi masarap naman talaga. I pretend to ignore it and put it inside my bag, pero kinakain ko pag-uwi kaso nakikihati si Chris.

“Okay. Drop it on my bag Vickie.” I made it expressionless kasi baka habulin nanaman ako nito at isipin niyang motibo iyon para lalo niya akong habulin. Minsan nakakabadtrip na rin tong kalansay na ‘to kung humabol sa akin at nakakasilaw ang braces niya.

“Oh my gosh, thanks Andrei. Make sure to enjoy it and I’ll make more treats for you para matuwa ka lalo.”

She just smiled and walked away. Kahit nakakabadtrip siya sa pagiging stalker at fanatic niya eh masarap siyang magbake. Her attention is fully on me, pero nagagawa pa rin niyang maging top sa klase. She has been so smart kaya naman binu-bully siya ng mga girls na magpakopya or else kakawawain.

I don’t feel pity toward her. Kasalanan niya kung bakit mahina siya at dapat lumalaban instead na nagpapauto sa mga kaklase niya.

Di niya gayahin si Marian.

I went home at tumambay sa sala para kainin ang muffins na bigay niya. Mas masarap ito sa usual na dinadala niya. Lasang imported ang chocolate na ginamit at totoong careful measurements nga ang ginawa niya.

No wonder may umo-order pa sa kanya dati.

“Drei, pahingi! Dala ni Vickie baby yan ano? Share naman!” Tumakbo si Chris at nakakaasar kasi naabutan niya pa ako. Tinitipid ko nga kasi masarap tapos makikihati pa ‘tong mokong na ‘to. Asar.

“Eh! Akin nga yan. May Andrei sa likod oh, nakasulat! Kainin mo na lang yung bigay ng mga admirers mo tutal ikaw nga yung basketball heartthrob dyan.”

“Eh ayoko nun Drei.Artificial kasi binili lang, pag kay Vickie kasi masarap tsaka lasang bago at with love. Sana sa akin na lang siya nagkacrush para sa akin ang mga yan! Haaay wala man lang akong fan na magaling magbake!”

“Tsk, sorry ka na lang. All types of girls adore me kahit nerd, hot, at yung mga feminine. Bleh!”

“Damot mo naman! Walo yan eh! Share mo!”

 

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon