Final Chapter - Full circle (March 17, 2019)

21.7K 444 178
                                    

#IHK84

"Uuwi ng maaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uuwi ng maaga."

"Opo." Sagot ni Miala habang nakatingin sa salamin.

"Hindi mo pa boyfriend pero paganda ka ng paganda diyan?"

"Ma..." Tinigil ni Mia ang pagaayos at humarap sa nanay niya na ngayon ay may kalakihan na ang tiyan. "Kahit naman walang lalaki, titingin at titingin pa rin ako sa salamin. Lahat naman tayo bago umalis." Hinimas niya ang tiyan ng nanay niya. "And opo, hindi ko pa po siya boyfriend."

She is referring to Andres— na papadating na ngayon para sunduin siya.

Hindi niya alam kung paano gumaan ang lahat. Basta ang alam niya, the loads of yesterday were suddenly lifted. Hindi man lahat, pero ang mahalaga ay umayos. Wala pa ring kasiguraduhan kung mananatili ang katiting na kasiyahan, pero hindi na siya ganoon nagaalala na baka kasunod nito ay kalungkutan. Dahil kung mangyari man 'yun, alam niyang ganito talaga ang buhay.

She hasn't been through all these para walang matutunan. Dahil lumambot man siya at natumba, unti-unti niya na ngayong binubuo ang sarili niya.

"Hindi pa talaga?"

"Hindi pa." Pag-uulit ni Mia.

"Bakit hindi pa?"

"Kasi ma, baka hindi pa ako handa... Parang ikaw."

"Oh bakit napunta sa'kin usapan?"

Ngumiti lang si Miala. Dahil ang totoo, medyo maayos na rin naman ulit ang relasyon ni tito Sonny niya at ng nanay niya. They are both trying their best to plan how they will raise the baby in her mom's belly. Pero ganun pa man, hindi pa rin ganoon katulad ng dati. Hindi na muli pang bumalik si Mindy sa bahay ng mga Nobleza. Ni hindi pa ulit siya tinanong ng nanay niya tungkol dito. Basta ang alam niya, sa apartment na lang ulit sila bumalik.

"Basta ma, ayos na muna 'to."

"Bakit hindi mo pa sinasagot?"

"Wow ma." Natawa si Miala. Nao-awkward siya na maging ganito ka-open sa nanay niya na mukhang sinusubukan pa siya. "Gusto mo sagutin ko na?" She also tried to challenge her, although she knows she is treading on thin eyes.

"Hindi ah!"

"Bakit?!"

"Bakit napunta sa'kin 'yung tanong?! Ako 'yung nagtatanong kanina ah."

"'Yung tanong mo kasi ma parang with malice."

"Anong with malice? Tinatanong ko kasi kung bakit hindi mo pa sinasagot eh parang gusto mo naman 'yung tao."

Ngumiti si Mia.

"Oh, ngingiti pa."

"Bakit payag ka na ba? Kahit hindi pa ako graduate?"

"Siyempre, gusto ko pa rin na sana, graduate ka na..."

"See?"

"Pero siyempre, wala na naman akong magagawa. Kung gusto mo talaga. Nililnaw ko lang. Kasi parang ngayon, kayo naman tapos sinasabi mo hindi."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon