Chapter 70 - Damaged Goods (December 31, 2018)

11.9K 382 19
                                    

#IHK70

Nakababad si Miala sa bath tub nang pumasok si Jane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakababad si Miala sa bath tub nang pumasok si Jane. Sinadya nitong hindi i-lock ang pinto to easily check up on Mia.

"Huwag kang masyadong magbabad diyan. Baka magkasakit ka." Ani Jane habang pinapatay ang humidifier. "Maya-maya tumayo ka na diyan ah."

"Salamat Jane. At pasensya na." She tried to smile. "Ano 'yung amoy na 'yun?" Mia tried to change the topic. Gusto niyang maging normal pa rin ang lahat matapos lahat ng nangyari.

"Lavender. Essential oil para ma-relax ka." Ngumiti si Jane. "Magbihis ka ng mabilis ah. At lumabas ka doon. May dinner akong pinaakyat."

Tumango si Mia bilang pasasalamat.

Nang lumabas si Jane, mabilis na tumayo si Mia at tinuyo ang sarili gamit ang twalya sa gilid. Simula kahapon, ni hindi na siya nakaligo. She really needed this.

Napaluha na naman siya, not because she remembers what happened, pero dahil sa supporta at pagmamahal na binibigay sa kanya ni Jane. She's both grateful and embarrassed at the same time. She didn't deserve this kind of friend na malakas para sa sarili nito at sa batang dinadala nito kahit ilang araw pa lang simula noong iwan ito ni Tom. Something that she wasn't able to do for herself, when Lenard left her.

Hindi siya ganun kalakas para sa kanilang dalawa ng anak niya.

Pagkatapos magbihis, lumabas si Mia at nakitang nag-aabang pa rin sa kanya si Jane.

"I'm sorry, Mia ah."

"Ano ka ba. I should be the one sorry, Jane. Dito pa talaga. Nahihiya na talaga ako sa inyo ni Tom. Dinala ko pa lahat ng baggage ko dito."

"Hindi mo kasalanan. Alam mo 'yan, Mi. Nanahimik ka naman na. You don't deserve this. You don't deserve them."

"I know..." Ngumiti si Mia. "The baby didn't deserve me as a mom. Kaya siguro nawala."

"Mia."

"It was a long time ago. And this is the the first time na inalala ko 'yun." Kinuha ni Miala ang tuwalya sa ulo niya. "Na inalala ko siya."

"You just told me..."

"I told you because of mom. Because of your baby..."

"And I know that you told me, because you trust me. Pero sinabi ko lang ng ganun kay Lenard. Can you blame me?"

"Hindi naman sa... ayaw kong sabihin sa kanya. Hindi ko lang siguro kaya." Ngumiti si Mia bitterly. "Hindi ko kayang sabihin sa lahat. Because I don't know which is causing me more pain at that time."

"What do you mean?"

"At that time..." Bumuntonghininga si Miala. "At that time, I wanted it gone."

"W-what? No..."

"Yes, maybe. Hindi ko alam eh. I was thinking about my mom. I was thinking about my future. Na wala namang tatay 'yun. But at some point, siyempre, unti-unti kong tinatanggap." Pinupunasan na naman ni Mia 'yung pumapatak na luha. "Do you remember how young I was back then? I couldn't even process the fact that he was gone. That Lenard left me. Tapos buntis ako? I feel my world collapsing."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon