Chapter 75 - Up high or down low (March 14, 2019)

12K 338 53
                                    

#IHK75

Miala and Mindy later moved to another apartment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Miala and Mindy later moved to another apartment. Hindi na niya alam kung anong nangyari after they left in a hurry from the condominium. It was all a blur of crying and cursing. She couldn't even remember eating. Isang chocoloate bar lang ang kinakain niya na galing sa ref ng fully-furnished apartment na pansamantalang nirerentahan niya.

Hindi sila bumalik sa dati nilang tinitirahan. Miala guessed, ayaw magpahanap ng nanay niya.

She was sucking the melted cocao from the plastic wrapper habang nakahiga sa sofa, nang biglang dumating ang nanay niya na may kasamang mga lalaking trabahador. She suddenly sat up straight habang pinapasok ng mga ito ang ilang gamit.

"Dito po. Paki-lagay na lang po dito."

Mga house—moving workers ang maingat na naglalagay ng mga gamit ni Mindy na galing sa bahay nila Lenard. Ilan din ito sa mga naipundar ni Mindy habang nandoon. Katulad ng isang chinese painting na kasalukuyang inilalagay sa tabi.

Miala didn't know what happened between Mindy and Sonny. After their confrontation at the condo, dinala na siya dito ng nanay niya and Mindy went back to Lenard's house, alone next morning. Basta ang alam niya, bumalik na lang ang nanay late that night at iyak ng iyak.

And Miala can't do anything. She was also too tired to do anything. Paligsahan na lang sila ng nanay niya ng pag-hikbi. It took them a couple of days bago tuluyang mag-usap ulit. Nang niyaya siya ng nanay niya na kumain ng pinadeliver nitong pagkain.

But later, wala rin namang kumain sa kanila. Kaya hinang-hina na ngayon si Mia and needed to eat that chocolate bar just to have some energy. Na kung hindi pa siguro siya nahihilo, baka hindi niya rin gawin.

Because she really has no drive.

It took more or less 20 minutes before the workers have finally squeezed everything inside the apartment. Nag ayos-ayos din si Mindy ng ilang bagay na alam naman nitong hindi permanenteng mailalagay sa rented space na 'yun. One was clear, hindi sila permanente doon.

"Ma..."

"Kumain ka na. Tapos, matulog ka ng maaga." Hindi pinansin ni Mindy si Mia.

"Ma. Umuwi na lang tayo sa bahay natin..."

"No! At kapag sinabi kong hindi. Hindi. Okay!?" Bulyaw ni Mindy bago pumasok sa kuwarto nito.

Mia can only sit back down the sofa. Nararamdaman niya ang tunaw na tsokolate na nagkalat na sa kamay niya. She can only stand up again para itapon ang pinagbalatan nito at maghugas ng kamay. And while the water is streamig down her hands, narinig na naman niya ang paghagulgol ng nanay niya sa loob.

Tumulo na rin ang mga luha ni Mia.

Dahil ganun si Mindy these past few days. Galit at matigas sa harap niya. But inside her room, iyak lang ito ng iyak. Nagaalala na rin si Mia hindi lang para sa nanay niya, pero sa magiging kapatid niya.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon