Chapter 56 - Friends? (November 15, 2018)

15.9K 477 70
                                    

#IHK56

"Partner up guys! Snag up your buddies para may katulong kayong sumagot ng seatwork na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Partner up guys! Snag up your buddies para may katulong kayong sumagot ng seatwork na ito."

"Count of po ba ma'am?" May nagtanong sa isang ka-klase ni Veterinary Entomology & Protozoology.

"Hindi na bahala na kayo."

Hindi pa man natatapos ng prof ang sinasabi niya, nagkagulo na ang buong klase sa pagkuha ng kaibigan nila sa room. May mga tumawid sa kabilang aisle para makasama 'yung pinakamagaling sa subject na ito. 'Yung iba naman tahimik na nagtinginan lang at alam na nilang partners sila. Pero meron pa ring magugulo. Tulad ng tatlong estudyanteng halos magkasabunutan because they are claiming that the three of them are bestfriends at naghihilahan at ayaw may magpaiwan.

"Ma'am hindi po ba pwedeng tatluhan." Sabi ng isa sa tatlo. "Ayaw kasi ni Sandy makpartner sa iba."

"Bakit ako 'yung papartner sa iba? Ikaw kaya!"

"Ako na lang kaya ang sa iba, kayo dalawa dito?" Sagot ng pinagaagawan sa gitna.

"No!" Sabay na sigaw ng dalawang nagaagawan at hula ni Mia, either best in congeniality yata ang kaibigan nila na 'yon o mas matalino sa dalawa.

"You're even in this class, you can all get partners. Bilisan niyo at kapag nakapag-partner na kayo, lalabas tayo."

Natuwa ang buong klase, pero nalukot ang mukha ni Sandy dahil ultimately, siya rin ang sumuko sa kanilang tatlong magkakaibigan.

Si Miala naman ay hindi makagalaw. For the first time in a long time, naging ganito sila ka-awkward ni Riley. Normally, wala ng usap-usap, sila na ang partners, pero ngayon, magkalayo sila ng upuan na inupuan pero mukhang hindi sila pinaghihiwalay ng tadhana. Wala kasing nakikigrupo kay Miala at ayaw niya rin namang mag-initiate makipag-grupo sa iba dahil ayaw niyang makita ni Riley na sinasadya niyang hindi ito i-partner. Kaya lalo siyang naiinis na hindi rin ito gumagawa ng kahit na anong move para kausapin siya. Iniisip niya na lang na baka nagtatampo pa rin. O baka nga galit pa rin.

"Mia, tayo na lang partner?" Sabi ni Sandy sa kanya matapos itong umalis sa group ng tatlo.

Tatango na sana si Mia ng magsalita ulit ito.

"Ay, ano ba 'yan. Automatic na nga pala kayo ni Ry na partner. Sige sige hanap na lang ako. Sorry ah." Tumayo agad si Sandy matapos ring tapikin si Riley at pumunta sa classmate nila sa dulo.

Wala na din tuloy nagawa ang dalawa but to gravitate towards each other nang wala na palang natitirang tao na walang ka-partner.

"Nasaan libro mo?" Tanong ni Mia na hindi tumitingin habang lumalapit si Riley papunta sa kanya.

"Naiwan ko eh. Dala mo naman 'yung sa'yo 'diba?"

"Oo."

Sobrang awkward pa rin nila. Nilabas ni Mia ang libro niya habang nagdi-distribute naman ng papel ang professor.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon