Chapter 55 - Properly, this time (November 13, 2018)

15.2K 503 170
                                    

#IHK55

Kabilang sa mga dala ni Andres ay kung ano-anong kahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabilang sa mga dala ni Andres ay kung ano-anong kahon. But what's striking are the bouquet of flowers na halos hindi na nito madala dahil sa sobrang dami at laki.

Lumapit ito kay lola Roxy at ibinigay ang isa.

"Ay, for me?" Naglakad palayo ng dining table si lola Roxy at tinanggap ang bungkos ng bulaklak.

Mayroon pang dalawang bouquet natitira in Lenards hands. Miala realizes that one is for her and the other is for her mom.

Medyo natatakot na napatingin siya sa nanay niya. Alam niyang maraming beses niya ng kinausap ang nanay niya tungkol sa pagboboyfriend. Minsan sinabi niya pa nga na nanliligaw na sa kanya si Andres kahit ang totoo wala pa naman pormal na nagaganap.

Kaya ngayong dumating nga ang lalaki habang may dala-dalang mga ganito, parang gusto niyang magtago. Lalo na't ni hindi man lang ito nagpasabi. Hindi lang tuloy nanay niya, ang nagulat. Siya rin!

"I'm sorry kung nakaabala. Aakyat lang po ng ligaw kay Miyaw."

"Miyaw?"

Aaaaah!!!

Gusto na talagang maging invisible ni Miala. Nararamdaman niya kasing umaakyat ang dugo sa ulo niya. Hindi niya alam kung nahihiya lang ba siya o nagulat sa biglang pagdating ng lalaki. At hindi man nito lang binigkas ang totoong pangalan niya. Kahit sa harap ng nagluwal sa kanya at ng ibang tao, Miyaw pa rin?!

Pero parang hindi man lang natinag si Andres. Hindi niya alam kung hindi ba nito naintindihan kung bakit inulit ni Mindy ang pagsabi ng Miyaw o ayaw lang talag nitong intindihin.

"Ahm. Hijo." Si Sonny ang sumagot. "Upo ka muna. Have a dinner with us. Seat. Seat."

"Ilapag mo muna 'yang mga 'yan sa gilid. Mamaya na tayo mag-usap usap lahat okay?" Si lola naman ang sumalo.

Mindy's expressioned softened. Nakabawi sa pagkabigla na may nanliligaw na nga sa anak niya. Tumango-tango and gestures for Andres to seat down.

Umikot naman ito para umupo pa sa tabi ni Miala. Ang puwesto kasi sa lamesa ay nasa kabisera naturally si Sonny. Magkatapat sa unang mga katabing upuan si Mindy at lola Roxy, habang si Lenard at Miala naman sa pangalawang magkatapat.

Biglang tumalas na naman ang pagkakatitig ni Mindy with Andres' boldness pero agad din nitong pinakalma ang sarili lalo na ng makita niya si Miala na nakatingin sa kanya full of accusations.

Si Sonny na naman ang nagsalita muli para maayos na naman silang makakain.

"So, kumain na tayo ng Mechado. Ng napakasarap na mechado. Kain ka hijo. Mamaya na tayo doon sa sala mag-usap usap ah. Igalang natin ang napakasarap na pagkain." Ani Sonny na parang hindi lang si Andres ang kinakausap, kundi pati si Mindy.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon