Chapter 32 - Moving In (September 01, 2018)

155K 2.7K 422
                                    

Araw-araw, hindi alam ni Miala ang mararamdaman niya. Naiinis siya kapag naiinis 'yung sitwasyon na kinahantungan niya. Paano ba naman at sa lahat-lahat ng lalaki, tatay pa talaga ni Lenard 'yung nagustuhan ng nanay niya? After all this years? Kung hindi lang rin naman parehas ang lihis ng bituka nilang mag-ina at sa iisang dugo sila nainlab.

"M-ma?" Tanong nita dito habang nagbe-bake ito ng cake na kinuha lang ang recipe sa internet. Pinapakiramdaman niya kung may nasabi na ba si Lenard o kung may nangyari na ba ayon sa demands niya.

"Oh? Halika nga dito at tignan mo kung tama ba 'yung ginawa ko dito, kasi bakit lubog 'yung gitna."

Gusto na lang din matawa ni Mia sa nanay niya. Hindi kasi maayos at wala man lang dome 'yung cake na ginawa nito. At tulad nga ng sabi ni Mindy, lubog nga ang gitna at parang hindi naluto.

"Kulang pa yata sa oras ma."

"Jusko, napakahirap naman pala in real life, eh 'yung nasa youtube eh ang dali-dali.

Kitang-kita 'yung effort nito sa ginagawa na alam niya naman kung para kanino. Siguro, nagpa-practice ang nanay niya ng baking na totoo namang isang desirable trait.

"Ulitin mo na lang ma."

"Oo nga eh." Napakamot ng ulo si Mindy at saka naalala na may sadya nga pala si Miala. "Anong meron?"

"Ah..." Pinakiramdaman ni Mia ang nanay niya. Mukhang hindi nga siya talaga dininig ni Lenard. "Wala po."

Kung siya lang rin naman. Kung hindi lang rin naman masisira ang relasyon nila ng nanay niya kapag sinabi niyang naging ex niya si Lenard, baka sinabi niya na sa nanay niya ang lahat para hindi lang matuloy 'to. Pero hindi eh. Kilala niya si Mindy. Mana kaya siya dito. Alam niyang kapag sinabi niyang nagkaroon siya ng boyfriend dati, mauungkat lahat ng kasalanan niya simula pinanganak siya. Baka pagduduhan na rin ng nanay niya lahat ng bagay na posibleng tinago at pinasinungalingan niya. Dahil hanggang ngayon, tall order pa rin ang bawal magboyfriend. 

Eh paano pa kapag nalaman nitong anak ni Sonny ang naging boyfriend niya? Paano kapag naungkat lahat ng issue at pinagdaanan niya. Baka itapon siya sa kangkungan. Kaya nga hinihiling niya na lang sana na si Lenard na ang gumawa ng paraan. Kahit ngayon lang. Wala siyang pakialam kahit anong rason. Bilang alam naman ng tatay nito na nagkaroon sila ng relasyon dati, inisip niya na sila na lang ang mag-usap mag-ama. Kesa siya pa ang magsabi sa nanay niya at masira pa ang relasyon nila. 

Shoulders, drooping, bumalik na lang si Miala sa kwarto niya na parang nag-aantay ng dooms day. Ni hindi niya masabi kay Riley ang lahat because she refuse to acknowledge this as a reality.

Masaya lang si Mindy. It's like the best days of her life has finally come.

The day that she and her mom will move in to Lenard's house came

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The day that she and her mom will move in to Lenard's house came.

Halos maubos ang tissue sa kamay niya. May gawain pa naman siyang naggugulanit-gulanit ng tissue kapag nai-istress.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon