Chapter 11 - The Entourage (July 10, 2018)

172K 3.3K 538
                                    

Jane and Tom's wedding day comes. 

Isang tulog na lang, magiging misis na ang kaibigan niya. Miala is pretending na ito ang inisiip niya pero alam naman ng lahat, kahit siguro ni Misha na nakahiga sa tabi niya, ang totoo.

Sa Transfiguration of Christ Parish Antipolo gaganapin ang kasal. Paborito daw kasi nila Tom and Jane ang movie na One More Chance, at kahit hindi nila masyadong nagustuhan ang sequel nito na A Second Chance, gusto pa rin nilang ikasal kung saan kinasal si Popoy at Basha.

Akala ni Miala, doon na siya didiretso sa simbahan, pero biglang may group message si Katie sa kanila na kailangan muna nilang pumunta sa earlier ang buong entourage sa Thunderbird Resort sa Rizal and stay with the bride for the photoshoot.

Gustong magwala ni Miala. Anong klaseng wedding planner ang magme-message ng ganito a day before the wedding? Gusto niya itong sisihin at pagsisigawan. Pero bigla niya ring naisip ang sitwasyon. Halos medyo may kaliitan lang ang wedding na ito, at ginagawa na lang ni Katie ang best niya para punan ang mga hindi pa nagagawa at naasikaso ni Jane at Tom.

Tinignan niya ang group chat na binuo nito. Inisa-isa niya ang mga pangalan, until she finds the name she'll never admit she's looking for.

"Nag-iba nga siya ng facebook." She concluded. Dahil alam niya. She blocked Lenard's facebook matapos ang lahat ng drama.

Isa-isa, nagsireply-an ang mga bridesmaids at groomsmen. Actually, maliit na bagay lang naman ito eh. For someone na inimbita sa wedding, malamang sa malamang, idinivote na ang buong araw niyan para sa buong kasal. Especially sa mga girls. Mag-aayos pa and all. So walang kaibahan kung pupunta ng maaga sa venue. And a lot has even expected this kind of photoshoot.

Nainis tuloy lalo si Miala sa sarili niya na bakit hindi niya naisip 'yun?!

Inaantay-antay niya kung magre-reply ba si Lenard, pero hanggang sa kahuli-huling taong nagconfirm, sila pa pala ni Lenard ang hindi sasagot. Kahit kita naman ng lahat na seen na nila ito.

Nagpapakiramdaman.

Ayaw niya pa naman sanang makatabi o makasunod ang reply nito sa irereply niya. Oo, umabot na siya doon sa ganoon ka-petty.

Pero ilang minute na, wala pa rin.

"Wala ba siyang balak magreply o inaasar niya lang ako?!"

At Lenard's house, both lola he and Lola Roxy are waiting for the confirmation kung a-attend si Miala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At Lenard's house, both lola he and Lola Roxy are waiting for the confirmation kung a-attend si Miala.

Pero noong parang sobrang tagal na at wala pa rin itong sinasabi, na-lungkot bigla si lola Roxy.

"Ah, apo. Parang medyo masakit 'yung katawan ko eh. Baka hindi na ako makasama sa'yo bukas." Pagdadahilan ni lola.

Lenard squints his eyes. Ang totoo, noong sinabi ni Tom sa kanya na huwag niya na muna sanang isama si Graciella, si lola Roxy na lang ipinalit niya sa + 1 niya san a RSVP. At sobrang obvious din na kaya hindi na ito sasama dahil hindi pa nagrereply si Miala.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon