Chapter 58 - Gentle (November 20, 2018)

15.6K 481 105
                                    

#IHK58

Andres is really surprised

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andres is really surprised.

Nahiya na lang din si Miala sa ginawa niya na pinagtulakan niya si Andres na motorsiklo niya para makaaalis na sila doon.

"Hatid mo na ako." Nahihiyang sabi niya.

"Wait wait."

"Anong waiiit? Halika na kaseeee!" Gustong tumalikod ni Miala. Pero ang dami talagang tao na mas nakakahiya kapag nakita niya 'yung mga taong nakakkita pala sa ginawa niya. Magpapalamon na lang siya sa lupa o magpapakuha sa darating na ipo-ipo.

Pero wala. Walang dumadating na ganun. Nanatili siya doon na namumula ang mukha.

"So what's that?"

"Bakit ka ba nagtatanong?! Birthday gift!"

"Okay haha." Naghahanda na si Andres sa pagsakay sa sasakyan habang bumubulong. "Eh kung sinasagot mo na ako para wala na akong tanong."

"Puppy!"

"Biro lang hahahaha!"

Sumakay na rin si Miala kay Angelina nang mapatigil na naman si Andres.

"Ano na naman?"

"Wala pala akong helmet. Baba. Baba." Pinababa siya ni Andres sa sasakyan. "Nakalimutan kong magdala. Wait lang."

"Wala ka ring dala?! Ano ka ba?"

"Nagmadali kasi ako. Nung nalaman ko kay Caroline, pinalipad ko si Angelina papunta dito. Kaya hindi ako nakapagdala kahit isa. Okay lang sana kung meron, para sa'yo maihahatid kita."

"Anong okay 'don? Ikaw 'yung wala?"

"Concern ka na talaga sa'kin no?" Natatawang sabi ni Andres. "Saglit lang. Uwi lang ako saglit, kuha ako helmet.

"Bawal kasi walang helmet. Buti hindi ka hinuli kanina?" Defensive pero natatawang sagot din ni Miala. "Magtaxi na lang ako. Pero paano ka uuwi ng walang helmet? Ano ba 'yan?"

"Hindi ako pwedeng maghintay dito. At may dinner pa tayo? Uuwi ka talaga? Iiwan mo ako?"

At saka lang uli naalala na pinagpaalam na nga daw pala siya nito. Nagtataka na nga lang siya kung bakit hindi tumatawag ang nanay niya para i-check siya eh.

"O sige. Mag-taxi na lang tayo. Hindi rin pwedeng ang dumi-dumi ko."

"At iiwan ko si Angelina?" Nangangambang sagot ni Andres.

Natawa na lang si Miala. Sobrang petty ng problema nila.

"Saglit lang kasi. Dadaan ako sa eskinita. Babagalan ko lang. Kukuha ako ng helmet. Mabilis lang 'to. Para hindi naman mapurnada 'yung reservations ko."

"At may reservations ka pa ah."

"Siyempre. So ano? Saglit lang? Sige pwede ka magtaxi, pero kailangan ko lang i-uwi si Angelina."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon