Chapter 47 - Not for him (October 7, 2018)

82.5K 1.9K 482
                                    

#IHK47

"Maligo ka na rin Miala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maligo ka na rin Miala." Hindi namalayan ni Miala na nandoon ang lola Roxy sa pintuan. Kanina lang, binibigyan nito ng ubas sa baba si Andres. Parang sobrang bilis nitong nagteleport sa labas ng kwarto niya habang may dala-dalang mga swimsuit.

"Lola ano 'yan?!" Pinamulahan na naman si Mia ng mukha. Sobra kasing provocative ng mga swimsuits na dala-dala ni lola. "Hindi po ako maliligo.

"Hay. Sayang naman. Pinalinis ko pa ang pool na 'yan ah para makaligo tayo."

"Kayo din ba?"

"Aba oo. Lahat tayo. Kaya magpalit ka na. Corny kung naka t-shirt sa pool."

Walang nagawa si Mia kundi pumili. Mabuti na lang at meron doong medyo cute at conservative ng konti. Isang high waist at retro style na swimsuit na kulay yellow. Ihahatid na sana niya si lola palabas nang may marealize.

"Lola. Alam mo ba na nag-away kami ni mama? Hindi pwede 'to. Maya-maya, papauwiin na natin si Andres ah."

"Mia. Hayaan mo lang. Bukas o sa isang araw pa yata ang dating ng mga 'yun. Isinama siya ni Sonny sa business trip. You can do everything you want."

"Lola ah. 'Di ko alam kung anong pinaplano mo pero huwag natin damay si Andres dito ah."

"Mia. Magswimming na lang tayo. Okay?"

Hindi alam ni Mia kung paano papagandahin ang reaksyon. Para kasing alam niya na ang gustong gawin ni lola eh.

"Nasaan si Lenard?" Tanong niya dito bilang. pagkumpirma si binabalak ni lola.

"Wala. Wala pa si Lenard. Makikipagkita yata doon sa future ex girlfriend niya."

"Lola bad ka!" Parang unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya sa matanda. Pero mabuti na lang din na wala si Lenard. At least, hindi lang ito ginagawa ni lola para makita nito.

"Bumaba ka na at mamaya kulubot na si Andres doon sa sobrang babad. Hindi mo ba sasamahan 'yung tao?"

Napapikit na lang si Mia at kinuha ulit ang dilaw na swimsuit.

"Sige na sige na lola. Bababa na. Basta ikaw din ah?"

Maya-maya, suot na rin ni Mia ang bigay ni Lola Roxy pero na-bother siya ng makita ang itsura sa salamin.

"Shet. Kahit conservative na 'to, parang 'di pa rin." She knows she has all the different curves na hindi na tulad noong bata siya. Ang ineexpect niyang magiging itsura niya sa swimsuit nito ay ibang-iba. Parang sobrang pa-sexy pa rin. Nagsuot pa tuloy siya ng ibang pang patong dahil sobrang show-off pa rin ng skin.

Pagbaba niya, natuwa naman siya na nandoon nag si lola at naliligo din sa pool. Ayun lang at naka rash guard ito.

"Walangya lola. Dapat ganyan na rin suot ko."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon