Chapter 49 - Choices (October 29, 2018)

19.2K 567 285
                                    

#IHK49

"Kung mahal mo pala ako—"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kung mahal mo pala ako—"

"I love the idea of you in my head. Oo sige. Maybe, I've been holding on for own glorified version of you in the past. Na kahit na anong nangyari, kahit na anong ginawa mo, kapag naiisip ko kung paano kita minahal noon, gusto ko na lang ulit mangyari 'yun."

"Mangyayari 'yun—"

"I love the parts of you that will forever stay in my memory. Pero 'yung ikaw. Ngayon? 'Yung kabuuan mo. It's not something I want to love anymore. I want to tell myself that love should be unconditional. Dahil naiisip ko, I should love what you should be. Pero mali. Dapat mahalin kita kung ano ka. At ngayon, ayoko na, Len. At ayokong sabihing mahal kita para lang patunayan na unconditional 'tong pagmamahal na 'to. Kasi lahat ng bagay siguro, nauubos. Pati 'yung pagmamahal."

"H-hindi kita maintindihan. If you love me, you love me."

"Pero bakit ikaw? Hindi mo pwedeng sabihing hindi nawala pagmamahal mo sa'kin? Kung hindi bakit mo ako iniwan?"

"Mia..."

"Mahal kita. Hindi siguro mawawala 'to. Siguro kahit anong mangyari meron at meron pa ring matitirang pagmamahal sa'kin kahit anong gawin mo... Pero kagaya mo, kapag ayaw mo na. Kapag gusto mo nang bumitaw, kahit mahal mo pa, sino ka para magsabi sa'kin na hindi 'yun pwede?"

Natapos ang usapan nila nang magring ang telepono ni Mia. Bago sumagot si Miala, humarap ulit siya kay Lenard.

"Lenard... mas mahal ko si mama. Kaya please?"

Wala nang nasabi ang lalaki lalo na nang tuluyan nang sinagot ni Mia ang telepono at naglakad papasok ng bahay.

Wala nang nasabi ang lalaki lalo na nang tuluyan nang sinagot ni Mia ang telepono at naglakad papasok ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa mga sumunod na araw, nag-iiwasan lang si Miala at Lenard sa bahay. Parang mga tahimik na aso't pusa na alam na may tension pero hindi nagsasalita. Kung hindi pa siguro sila napansin ng tatay ni Lenard ay baka tuloy-tuloy ang cold war sa pagitan nila hanggang sa tuluyan na silang mapansin ni Mindy.

"What's wrong hija?" sabi ni Sonny nang maharang siya nito sa hallway sa 2nd floor habang ang nanay niya ay naghahanda ng almusal. "What's wrong with you guys?

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon