Chapter 57 - Happy birthday (November 17, 2018)

15K 520 127
                                    

#IHK57

Kahit anong isip ni Miala, hindi niya talaga maalala kung anong address ba 'yung apartment nila Andres dati na pinuntahan nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit anong isip ni Miala, hindi niya talaga maalala kung anong address ba 'yung apartment nila Andres dati na pinuntahan nila. 'Di niya alam kung wala lang ba siyang sense of direction, o sobrang pasikot-sikot lang talaga ang dinaanan ni Andres noon habang nakasakay sila sa motor.

Kaya while scrolling in facebook, nakita niya na lang na lumitaw ang isang picture ni Andres from 2009 dahil nagcomment dito ang ka-banda nito na si Carolino.

Natawa si Miala ng makita ang isang lumang picture from aalmost 10 years ago. Medyo may kapayatan pa si Andres dito at nang magcomment si Caroline, gusto talaga niyang lumitaw ulit ito sa taas ng news feed. Mga gawain ng barkada.

But instead of dwelling on the picture, biglang may naisip si Miala. Minessage niya si Caroline. Hinihingi niya ang number nito dahil gusto niya itong kausapin ng personal. At kabilin-bilinan niyang mga huwag sabihin kay Andres ang pinaggagagawa niya.

As soon as she sent the message, agad naman itong nagreply na akala mo bot lang. Binigay ang numero at sinabing hinding-hindi niya sasabihin kay Andres lahat ng kung ano mang mangyayari. Kaya maya-maya, tinawagan agad ni Mia si Caroline."

"Hello?"

("Hello! Haha! Tangina! Shet! Sister-in-law na ba kita?!") Natatawa-tawang sagot ni Carolino sa kabilang linya.

"Shhh! Baliw! Baka may makarinig sa'yo diyan!"

("Wala. Nasa mall ako. Wala si Andy dito. Ano ba kasing gagawin mo? Isu-surprise mo ba siya at kailangan ng kooperasyon ng Dodo?")

"Huh? Paano mo nalaman?"

("Ikaw na-surprise no? Hindi pa ba halata? Bakit hindi pwedeng ipaalam na tatawag ka sa'kin? Dahil ba jojowain mo ako?")

"Siyempre hindi!"

("Exactly sister-in-law.")

"Maka-sister-in-law naman 'to. Sobra ba talagang halata?" Naramdaman ni Mia na namumula na naman siya. Kahit hindi niya kaharap si Caroline para makita ang pagmumukha niya, nahihiya pa rin siya.

("Halata kasi. Sino bang magbi-birthday? Sobrang obvious.")

"So tulungan mo ako. Ano ba? Ano ba pwede?"

Naging tahimik sa kabilang linya na parang nag-iisip si Caroline.

("'Di ko alam kung gusto niyang ma-surprise. Pero baka naman kapag ikaw, okay lang.")

"Luh? Bakit ayaw niya ba ng surprise?"

("Di ko talaga sure. Never pa naman siyang na-surprise eh. Pero malay mo ngayon. Birthday niya kasi sakto may klase siya. Kaya nga tutugtog kami sa susunod na weekend pa.)

"Uy! Ayun sakto! Pero teka. Ba't naman?"

("Anong ba't naman? Kilala mo naman 'yung tao. Madaot pa kami 'non. Pero siguro para safe, huwag 'yung sobrang elaborate na surprise. Ikaw ano bang naisip mo? Bakit sakto?")

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon