Chapter 07 - The Bachelorette Party (July 03, 2018)

180K 2.9K 348
                                    

"Ready na ba. Ready na ba? Ia-akyat na ni mama si ate Jane in a while so 'yung mga napagpractisan natin ah. When she gets inside, just be in your respective positions mga ate and fire up the confetti canons as soon as the lights turn on." Ani Jewel, slightly panicked dahil biglaan lang talaga ang hen party na ito.

"Get ready. Get ready." Sabi din ni Katie na kanina lang din ipinakilala sa mga bridesmaids. Finally, naghire na rin pala ang pamilya ni Tom ng wedding planner for them para makabawas-bawas ang stress especially hindi na nila maasikaso ang lahat-lahat during the wedding day.

Nakaupo lang si Miala sa tabi ng kama habang kinakabahan sa ipe-play na video for Jane later. Dito kasi ilalabas ang mga old photos nila Tom and Jane at iba pang mga old pictures and videos nila. Hangga't maari naman, Miala tried to filter those pictures na hindi kasama si Lenard. And Angeli for that matter. Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin niya natanggal at least si Lenard sa group pictures kapag masyadong maganda and memorable ang moment para sa bride and groom. Hahayaan niya na lang na masaktan siya mamaya dahil at least, alam niya kung saang parte ng picture titingin kapag nilabas ito ni Jewel.

Sinabi na lang ni Miala sa sarili niya na kailangan niyang mag-enjoy tonight. Kailangan niyang i-compartmentalize ang feelings niya para hindi maghalo-halo na para siyang sasabog sa confusion, hate and nostalgia. Lalong hindi niya tuloy magawang mafilter kung ano talagang estado ng puso niya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jewel.

Napansin din ni Miala na lahat ng tao naka-alalay sa kanya. Nakatingin and at some point halata ang pagaalala sa kanya like she's a ticking bomb.

"Ano ba guys. Okay lang ako?!" She said almost too exaggerated na kahit siya, parang hindi makapaniwala na ganito siya kasaya. "Basta, kung ayaw ni Jane, akin ang macho dance tonight ah." She joked.

"Sabi mo 'yan ah." Sagot ni Katie which confirms na meron ngang lalaki mamaya.

"'Di nga?" Hindi talaga siya makapaniwala. Nagbibiro lang naman siya kanina eh.

"Oo nga ate." Natatawang sagot ni Jewel. "Magready ka na ate, kasi kahit magsisigaw ka diyan, walang makakarinig sa'yo sa labas. Totally soundproof 'tong unit na 'to." Pagmamalaki nito.

Naramdaman ni Miala ang pamumula ng mukha. Not that she's really looking forward to the stripper, pero bigla lang siyang nahiya. Naalala niya rin ang sinabi niya sa nanay niya na parang surprise party lang ang magaganap. During that time, she wasn't even lying dahil ang alam talaga niya, walang lalaki. Walang mga maghuhubad o ano pa man. Pero ngayon, dahil alam niya na, parang nagsinungaling na rin siya.

"Ready na. Sabi ni mama, nasa lobby na daw sila!" Sigaw ni Jane.

Nadistract na rin si Miala sa internal pagkapahiya niya dahil moved at amazed siya kung paano suportahan ng pamilya ni Jane ang kasal nila. Considering hindi pa sila graduate ni Tom.

Kahit naman kasi graduating na ito next year sa kursong Mass Comm, hindi pa rin normal sa isang babaeng hindi naman buntis na ikasal nang hindi pa graduate at least. Naisip ni Miala na siya nga, hanggang ngayon hindi pa rin pinapayagang magboyfriend pero si Jane, ikakasal na. The difference in their family values. Hindi alam ni Miala kung maiinggit ba siya o ano. Kasi alam niya naman na mahihirapan ang mga ito to build a family dahil hindi pa sila settled. But, of course, a part of her is still very very envious of Jane. Sino ba naman ang may ayaw na may lalaking magmamahal sa'yo at pipiliing pakasalan ka. Tapos may mga magulang pa siyang naka-suporta sa kanilang dalawa.

Maya-maya, dumating din si Jane. Sobrang gulat nito nang sumabog ang laman ng mga confetti canons at naiyak. Playfully sinisisi ang nanay nito sa pagiging accomplice sa surprise bachelorette party na ito. Ang palabas kasi ng mga magulang nila Jane ay nag-awa ang dalawa at kailangang maglayas muna ng nanay niya.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon