Chapter 67 - Dread (December 11, 2018)

14.2K 407 91
                                    

#IHK67

Nakababa na lahat ng kumakanta at nawalan na rin ng gana si Miala kumilos at magsalita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakababa na lahat ng kumakanta at nawalan na rin ng gana si Miala kumilos at magsalita. She feels bad. Really bad. Kahit on the surface kasi ay nagkantahan lang ng 90s songs ang mga tao sa pailigid niya, those three boys started it all.

And even though she's still denying it, at the back of her mind, all the innuendos are creeping in. Freud must be proud.

Nasa pangatlong tasa na siya ng kape na ngayon ay sigurado na siyang kanya at hindi 'yung basta-bastang kinuha niya lang mula sa mesa kahit walang ideya kung kanino talaga, katulad kanina.

Sa huling pag-taas ng tas, pinigilan na siya ni Andres na uminom.

"Tama na. Masama uminom ng maraming kape."

"Talaga ba?" Tanong ni Miala.

Parang nakaramdam naman si Jane at tumayo. Niyaya si Riley na magbigay ng kape sa mga matatanda na bagong dating. Nandiyan na rin kasi ang mga magulang at ibang kapamilya ni Tom.

"Tara, Ry?"

"Wait."

"Tara na." Pilit ni Jane. "Tulungan mo ako doon.."

There is stress in every word. Wala na ring nagawa si Riley. Sumulyap ng isang beses kina Andres at Miala na halatang evident pa rin ang tensyon.

Maya-maya, hindi na rin napigilan ni Andres si Mia na inumin ang kape. Parang alak na ininom ng isang shot bago tumayo.

"Stop it. If magtitimpla ka ulit, tama na. I'm sorry."

"Hah." Miala chuckled. Hindi niya rin alam kung anong nararamdaman niya at kung paano ilalabas ito dahil wala naman talagang umaamin kung anong totoong ibig sabihin nang nangyari kanina. "For what?"

"For what happened."

"Ano bang nangyari?"

"Okay. Listen. I'm not always mature. I'm not always responsible. Minsan, ganito rin ako ka-petty."

Napakamot si Mia. She's really frustrated.

"I'm triggered. For god's sake, Miala. Kinakantahan ka nila." He whispered furiously.

Tumingin si Miala kay Andres at hinila ito sa labas.

"Alam mo, bakit ba alam na alam mo lahat? Bakit ang bilis mo ma-gets 'yung mga nangyayari?!"

"Because it's very obvious, Mia."

"Tapos? Bakit ka naki-join? Anong ibig sabihin 'nun? Nakakahiya! Hindi ba kayo nahihiya kay Jane? Sige, kahit hindi naiintindihan ng iba, tingin niyo ba, si Jane clueless din? Grabe. Sobrang insenstive nun!"

"Kaya nga sorry eh."

"Fine. Alam kong hindi mo kasalanan. Hindi naman ikaw 'yung nauna. Pero bakit nakisali ka din?" Mia fake a snort. "It's gonna be me? Talaga?"

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon