Chapter 73 - Concerned Citizen (December 31, 2018)

15.8K 406 140
                                    

A/N: 4th UD. Chaps 70-72 were updated earlier.

#IHK72

Lenard's hands are shaking as he tries to withdraw money

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lenard's hands are shaking as he tries to withdraw money. Gusto niya na lang umalis ulit. Iwan ang lahat ng ito. Magpakalayo-layo.

He tries to look book for flights pero hindi siya makapagdesisyon kung saan siya pupunta. O kung tama na naman ba ang gagawin niya. But he really wants to distance himself from everything. Dahil ngayon, dalawang bagay lang ang nangyayari sa kanya. Paminsan parang wala na siyang maramdaman. Para lang siyang nakalutang. Pero madalas, katulad ngayon, he is just feeling everything. Na ultimo mga mata niya, sobrang sakit na.

He has almost convinced himself to finally book to Hong Kong. Pero bigla na lang niyang nakita ang tawag ni Jane.

Ilang segundo niyang pinagiisipan kung sasagutin ba ito, dahil sigurado siya, nagsumbong na dito si Jewel. Sinabi na ng kapatid nito ang nakita nito kahapon when he was rage-punching the post.

Ultimately, the call died, pero isang text message naman ang lumabas.

|Tangina Lenard. Don't be a prick na pati ako pagaalalahanin mo. You know I have a lot in my hands right now, so please be a good boy and answer the damn phone!|

A few minutes later, nag-ring na naman ang cellphone ni Lenard and he decided to answer it.

("Where are you?!")

"I dunno."

("Anong I don't know!? Saan ka ngayon. Pupuntahan kita!")

Lenard looked at the street sign near him dahil ang totoo, hindi niya na rin talaga alam kung saan siya nakakarating.

A few minutes later, nakita niyang bumababa ng taxi si Jane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A few minutes later, nakita niyang bumababa ng taxi si Jane.

Dahan-dahan itong naglakad patungo sa steps na kinauupuan ni Lenard malapit sa banko na pinagwithrawhan niya ng pera kanina. Walang sabi-sabi, Jane just sits beside Lenard. Wala ring tanong-tanong. Walang akusasyon. Just what he needs. And he's glad that he still got her.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon