Chapter 01 - He's Coming Back (June 26, 2018)

322K 4.9K 511
                                    

"Is she gonna be there?"

Patuloy sa pagsusuot ng kurbata si Lenard. Kunwari'y hindi narinig ang sinasabi ni Graciella or Gracy, girlfriend niya ng 2 years na nakaupo sa sofa ng boutique na tanaw niya mula sa reflection ng life size mirror kung saan niya tinitignan ang sinukat na damit.

"Nandoon ba siya? Si Mia, right? Her name's Miala?" Ulit ni Gracy.

"Ah..." He pretended to shrug na parang wala lang. Na parang hindi siya nag-aalala. Na parang hindi niya makikita si Miala. Ang ex-girlfriend niya sa kasal nina Tommy at Jane. "I'm not actually sure. Wala pang invitations eh. But maybe she will be there. She's Jane's friend so..."

"Are you gonna be okay?"

Ramdam ni Lenard ang sincerity sa boses ni Graciella. He knows she's saying that not because she's jealous or anything, but out of good intentions. Gracy is the most secure girl he knows. Alam niyang itong mga simpleng pakikipagkita sa mga ex-girlfriends ay wala lang dito. Kinaya nga nito ang baliw na si Angeli dati, si Miala pa ba?

"I will be okay." Lumapit siya kay Graciella at umupo sa tabi nito. "Oo, medyo weird dahil sobrang tagal ko ng hindi umuuwi doon at nagpapakita sa barkada pero okay lang ako. Ako ang nang-iwan sa kanila right? S,o chances are, sila ang 'di okay na pupunta ako."

"But you're the best man. You can't not go."

"Exactly. And you, my love, are going with me." Tinayo niya si Graciella at niyakap. He has never met a woman as amazing as her and he is thankful. Na kahit alam niyang hindi niya deserve ito, Gracy is staying in the relationship.

"Of course, I would love to go with you." Hinawakan ni Gracy ang baba ni Lenard at bahagyang pinisil. "Pero ayusin muna natin 'tong isusuot mo. Kahit ano pa man, you have to look your best, my love."

"Hindi pa ba ako gwapo?"

Tumingin si Gracy sa boutique staff.

"Pipili pa kami ng ibang style of the same color."

"Baka naman hindi kasya sa'kin 'yan ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Baka naman hindi kasya sa'kin 'yan ah." Angal ni Miala kay Jewel, ang kapatid ng bride at siya ding maid of honor. Dumalaw lang talaga si Mia sa bahay nila Jane para kunin ang isusuot niya.

Hindi naman kasi bongga ang kasal nila Tom at Jane. Murang suppliers lang ang kinuha nila sa event place at food. Sari-sariling bili ng mga damit ang entourage basta ayon sa theme at color which is royal blue. Pero nakisabay na lang din si Mia sa pag-order kay Jewel ng mga isusuot ng bridesmaids.

"Infinity dress nga 'di ba? Siyempre kasya sa lahat."

"Siyempre may limit pa rin pagkakastretch nito no."

"Kaya nga 'te Mia, go isukat mo na at mamaya pa dadating si Ate Jane, nagpunta pa sila doon sa videographer para icheck 'yung prenup photos pero pabalik na 'yun. Una ka na 'don sa kwarto niya, welcome ka naman 'don anytime."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon