Chapter 63 - As long as you're happy (December 01, 2018)

15.5K 471 157
                                    

#IHK63

Abot ulo ang kaba ni Mia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abot ulo ang kaba ni Mia. Alam niyang nalaman na ng nanay niya ang tungkol sa viral video. She's sure this is the reason why her mom is here. Ang hindi niya lang sigurado ay kung anong nasa isip nito.

So she waited.

"Mia, ano ba naman 'tong kumakalat na video? Akala mo ba hindi ko malalaman?"

"M-ma..."

"Bakit ka nakikipagaway sa girlfriend ng kuya mo!? Alam ko close na kayo pero hindi ka dapat umaabot doon. What did you do?"

Mia tilted her head. She isn't sure what's happening, pero alam niyang kulang pa rin ang impormasyon nito sa pangyayari. Hindi niya alam kung hindi ba nabalitaan ng nanay niya ang mas nauna pang video na nakipagbreak na si Lenard kay Graciella.

"Girlfriend?" She unconsciously asked. Hindi niya kasi maintindihan kung anong issue ng nanay niya. Na parang pinapagalitan pa siya, hindi dahil sa pagkakasangkot sa awayang ito, pero dahil inaway niya ang girlfriend ng kuya niya.

"Anak naman. Ano bang nangyari doon? What did you do to make her act like that? Nakakahiya sa kuya mo at sa tito mo."

Siya 'yung sinabunutan. Siya 'yung kinalmot at nasaktan. Pero kung magsalita ang nanay niya, parang hindi nito nababasa ang mga comments doon. Na parang siya ang may kasalanan at nagsimula ng gulo.

Inaamin niya na kasalanan niya rin naman na itinago niya itong sa nanay niya. Kasalanan niya na hindi siya nito mapagtatanggol dahil sa mga tinatago niyang mga dahilan. Pero hindi niya inasahan na sa lahat ng bagay na pwede nitong sabihin sa kanya ngayon, hindi niya alam na masisisi pa pala siya kahit na halatang-halata na dehado siya kahit saang parte ng video na 'yun.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na hindi pa rin nabigyan ng koneksyon ng nanay niya ang relasyon nila ni Lenard, pero sobrang sumasama na naman ang pakiramdam niya.

Gusto niyang sabihing wala naman siyang ginagawang masama. Pero kapag naiisip niya ang mga bagay na ginawa niya bago ang paghaharap nila ni Gracy na 'yun, alam niyang masama pa rin siyang tao kaya hindi niya masagot-sagot 'yun sa nanay niya Dahil alam niyang meron. Hindi man konektado kung bakit sila umabot sa sakitan, pero meron pa rin.

"Hindi ako ang nagsimula ma..." Aniya na lang. Sobrang sama ng loob niya sa nanay niya na ang iniisip pa rin ay ang sasabihin ng iba. Ang sasabihin ng tito Sonny niya. She knows it's part of everyone's toxic trait na isipin ang sasabihin ng ibang tao, pero nahihirapan pa rin siyang tanggapin na marinig ito mula sa nanay niya.

"Kahit na hindi ka nagsimula. Dapat hindi ka sumasama sa away na 'yun! Napagbibintangan ka tuloy 3rd party."

Tumango-tango na lang siya. She lost hope that her mom will ever understand things the way that she wanted her to. She felt so drained that she lost her will to explain.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon