Isa

40.5K 1K 299
                                    

Maingat kong inaayos at itinutupi ang mga gamit ko sa loob ng bag ko dahil kailangan ko makaalis agad at may importante akong lakad kinabukasan.

"Selene? Sigurado ka ba? Ala-sais pasado na tsaka ka pa aalis?" tumango lang ako sa matalik kong kaibigan na si Sam, habang patuloy pa rin ako sa pagtutupi ng mga damit ko mula sa aparador nitong hotel na tinutuluyan namin.

"Selene! Ano ba? Delikado sa daan ano bang importanteng lakad yan at mas importante pa talaga sa bakasyon natin magbabarkada?"

Napahinga ako nang malalim at saglit na napatigil sa pag-iimpake, marahan akong tumingin sakaniya nakapang-bathing suit pa rin siya at halatang kakatapos lang niya lumangoy sa dagat dahil basang-basa pa ang buhok niya. Si Sam, ang babaeng hahangarin nang lahat ng lalaki sa mundo dahil sa taglay niyang ganda at talino. Isa siyang model ng kilalang brand ng damit at ume-extra sa mga palabas sa telebisyon kaya halos magkandarapa ang lahat ng lalaki sakaniya pero ni-isa wala manlang nagtagumpay makuha ang puso niya.

"Selene! Ang mata sa mukha ko huwag sa katawan ko, tsk! Sabihin mo lang kung type mo ako!" hindi ako nakatimping batuhin siya ng damit ko sa mukha niya kaya agad itong lumukot.

"Mukha mo! At Oo, Sam need ko talagang bumalik ulit ng Manila dahil may interview ako sa hospital bukas nang maaga." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya lumapit ako at niyakap siya kahit basa pa rin ang katawan niya.

"Sam, babawi ako, okay? Pagbalik niyong Manila let's go on a date, my treat. Sounds fair?" kumalas ako ng pagkakayakap at nakita kong lumabi muna siya bago tumango. Ganito kami sa sweet sa isa't isa at kahit pa maraming nagtatanong sa barkada namin kung kami ba, eh ako na mismo ang sasagot na hindi, dahil bestfriend ko si Sam since grade school at wala na sigurong hihigit pa doon kahit pa alam nang lahat na nagkakagusto ako sa babae.

"Oo na, sige basta magtext ka sa akin kapag nakauwi ka na! Sisipain talaga kita kapag ako ay walang text na natanggap!" sumaludo ako sabay ngiti sakaniya.

"Yes, ma'am!" at agad akong bumalik sa pag i-impake.

Matapos kong ayusin ang gamit ko sa kotse ko ay nagpaalam na ako sa lahat na mauuna na akong bumalik na Manila. Humalik ako sa pisngi ni Sam bago ako sumakay ng kotse.

"Ingat Sel!" sigaw nang lahat, bago ako makaandar ay binuksan ko ang bintana sabay kumaway sakanila at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Tinignan ko ang oras, lagpas ala-siete na halos mawala na ang simoy ng dagat at napalitan ng amoy ng mga basang halaman at lupa. Kung hindi lang importante talaga ang interview ko sa hospital, hindi pa ako uuwi dahil hindi ko manlang nasulit ang maalon na dagat ng Baler.

Madilim ang daan pabalik pero hindi nabigo ang buwan na magbigay nang liwanag nito sa mundo. Kaya lang ay kabado ako dahil first time ko lang talaga magmaneho mag-isa nang ganito kalayo at isa pa, gabi na rin dagdag pa natin na isa akong babae kaya dinadaga ang dibdib ko ngayon. Pinili kong buksan na lang ang radyo para maalis ang tensyon na nararamdaman ko---hindi ko rin alam bakit para akong kiti-kiti sa pag kakaupo.

Nagmenor ako unti-unti nang mapansin kong may nakahambalang na baka sa gitna ng kalsada. Nakailang busina ako pero na nanatiling nakatayo ang baka sa gitna.

"Ano ba ito?" tinantsa ko pa ang makabilang gilid kung kakasya ba ang kotse ko pero mukhang hindi dahil SUV ang dala ko.

"Seryoso ba talaga 'to?" patuloy kong pagtatanong sa sarili ko, binaba ko ang bintana at sinubukang itaboy ang baka.

"Baka! Shoo! Shoo! Hoy! Alis na!"

"Baka! ano ba?!"

"Alis!"

"Shoo!!"

Pero tila inaasar pa ako ng baka na ito dahil tinignan lang niya ako habang ngumunguya. Napabagsak na lang ang magkabilang balikat ko.

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon