CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET

97.6K 2.1K 242
                                    

RHEA POV

Hindi ko muna ni-replyan si Coby. Tinago ko ang phone ko at tumingin kay Delgado na ngiting-ngiti. Mukhang good mood na siya.

"Bagay ba?" tanong niya.

Wala sa loob akong napatango. Pilit ko munang inalis sa isip ko ang mga text ni Coby.

"Pili mo pa ako" nag-puppy eyes ang mokong at wala akong nagawa kundi magbuntong hininga.

"Tumigil ka nga dyan sa pagpapacute mo." hinampas ko siya sa balikat. Tinungo ko ang rack kung saan maraming t-shirt na pang lalaki.

Marami akong napili at nagulat ako nang bilhin lahat ni Delgado ang mga iyon. "Adik ka ba? Sabi ko pumili ka lang kung ano yung magaganda sa napili ko. Hindi ko sinabing bilhin mo lahat ng iyon." sermon ko sa kanya. Nag-make face lang siya at parang walang pakialam sa sinabi ko.

Ngiting-ngiti pa rin siya kahit ang dami niyang dala-dalang shopping bags. Kinukuha ko sa kanya yung iba pero ayaw niyang ibigay sa akin.

"Tinutulungan ka na nga, ayaw mo pa. Napaka-arte." sabi ko sabay irap. Humalukipkip ako at nauna sa paglalakad. Humabol siya.

"Bakit pa kita papahirapan kung kaya ko naman lahat 'to?" kinuha niya ang isang kamay ko at inangkla niya sa kanyang braso.

"A-ano ba?"

"Pag tinanggal mo 'yan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta niya nang nakangisi. Inirapan ko siya. Tumikhim ako dahil sa pagkailang.

"Uwi na tayo?" papalabas na kasi kami ng mall.

"Hindi pa. May iba pa tayong pupuntahan. Our date is not over yet."

Hinampas ko ang braso niya. Nagtungo kami sa sasakyan. Gabi na pala.

"Anong oras na?"

"Seven quarter. Gutom ka na ba ulit? Pwede na tayong mag-dinner."

"Sa bahay na lang mag-d-dinner?"

"Nope." sagot niya.

"Saan naman? Mcdo?"

"Come on, Rhea. Ayokong matapos sa fast food ang date natin. Doon naman tayo sa fine dining restaurant. Let's eat something healthy."

"Masyado ka naman! Hindi ba healthy ang mga pagkain sa fast food?"

Hindi siya nagsalita. Prente lang siya sa pag-d-drive. Huminga ako ng malalim.

Bumaba kami sa isang restaurant na malapit sa baywalk. Hindi lang ata ito basta restaurant dahil tingin ko ay nasa loob iyon ng 5-star hotel. Tumingin ako kay Delgado. Kakain ba talaga kami? Hindi kaya. . .

"H-hoy, anong gagawin natin dito?"

"Kakain." simple niyang sagot. Nanliit ang mata ko.

"Kakain ng ano?"

Kumunot ang noo niya. "Natural, pagkain."

"Sure ka? H-hindi tayo. . ." napatingin ako sa hotel at bumaling ulit sa kanya. Namula ang buong mukha ko. Nanlaki naman ang mata niya at natawa.

"Don't tell me your thinking something malicous?"

Umiwas ako ng tingin. "A-anong pinagsasabi mo dyan! Alam ko namang kakain lang tayo-"

Tumawa siya ng pagkalakas-lakas at inakbayan ako. "Naughty, Rhea. . ."

Kinurot ko ang tagiliran niya. He hissed in pain. "Aww. Nakakarami ka na, ah. Mamaya, makakaganti rin ako sayo."

Nag-aaway kami habang papasok sa hotel. Natigil lang ako nang makita na parang masyadong classy ang mga nandito. Napatingin ako sa suot ko. Bigla akong nanliit. Dapat pala nag-dress na lang ako para hindi ako masyadong out-of-place! Napatingin ako sa damit ni Delgado. Hindi niya na hinubad yung pinili kong polo shirt. Semi-formal tuloy ang dating niya. Err, ako lang ata itong wala ka-class class.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon