Chapter 66- Ako ba ang dahilan?

880 33 2
                                    

Alex POV
Matagal akong nag-antay sa kanya pero kung minamalas nga naman hindi ko na siya naabutan, ansabi sa akin pinauwi na daw ng manager at sa likod dumaan.

Pinuntahan ko na lang siya sa bahay nila Chelsea para makausap ko, mahirap na baka bukas hindi ko nanaman siya mahagilap.

"Manong nandiyan po ba si Liezel?"

"Pasensya na po pero matagal ng hindi dito nagtratrabaho ang mag-ina."

"Ha? Ah? Eh? Paano po nangyari yun? Alam niyo po ba kung saan sila tumutuloy ngayon?"

"Naku pasensya ka na hi......

Bago pa matuloy ni Manong guard yung sasabihin biglang may nagsalita

"Manong ako na bahala diyan, iwan mo muna kami."

"Si-sige po Sir."

"Alis na rin naman po ako manong salamat po."

Tumalikod na ako agad.

"Oy! Bakit aalis ka na, di ba may hinahanap ka? Sayang naman ang pagpunta mo kung wala ka din palang mapapala."

Hay, kapag pinatulan ko siya, kung saan pa mapunta itong pag-uusap namin

"Alex! Pwede ba tigilan mo na si Liezel pati din ang kapatid ko. Lumayo-layo ka na kasi kapag nakita pa kitang lumapit sa kanila hindi ako magdadalawang isip na basagin yang mukha mo, tutal feeling mo naman lalaki ka di ba!" pang-aasar niyang sabi

Aba sinusubukan talaga ako nitong si Tristan, argh!!! Kung pwede lang!

"Mauna na ako Tristan, its nice to see you!" yun na lang ang nasabi ko at patuloy naglakad pabalik sa kotse ko.

"Hoy! G*go! Sinabing kakausapin pa kita eh! Lakas talaga ng apog mo noh! Anong pinagmamalaki mo ha!"

"Pwede ba, ayoko lang ng gulo. May project kaming dalawa ni Liezel and half of our grade for that major subject will depend on the outcome."

"Project! Tigilan mo ako Alex! I know everything! Well technically not everything kasi ayaw magsalita ng kapatid ko o ng parents ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit kasi sa dinami-dami ng babae sa kanya ka pa umibig at nagkagusto, nandiyan naman yung kapatid ko na wala ng ginawa kundi mahalin ka despite of your rejections."

"Ilang beses ko din bang sasabihin na hindi ko kayang ibigay yung hinihingi niya, ayokong pagsisihan lang namin dalawa sa huli kung ipipilit namin na pumasok sa isang relasyon na isa lang sa amin ang nagmamahal."

"Pwede mo naman matutunan na mahalin ang kapatid ko, wag mo nang idamay si Liezel at ang nanay niya."

"Ha?"

"Walang sinabi sa akin sina Mama, Papa at Chelsea kaya kinausap ko ang mga katulong namin at nalaman kong pinalayas sila."

"A-ako ba ang dahilan?"

"Tinatanong pa ba yan!"

Kailangan ko silang mahanap. Ah! Tama pupuntahan ko si Angela baka sakaling may alam siya.

"Uy di pa tayo tapos!....."

Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya agad na akong sumakay ng sasakyan at pinaharurot na ito papunta sa bahay ni Angela. I've known her since elementary in fact yung mom niya at mom ko magkaklase nung college kaya I know where she lives.

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now