Chapter 72 - Let go

817 29 0
                                    

Liezel pov

Ang sakit pa din at hirap pa akong maglakad. Mabuti at nakauwi na din ako,ayoko ng mag-stay pa sa kwarto na iyon dahil naaalala ko lang ang mga nangyari.

Nahiga ako sa kama ko, ni kumain ay hindi pumasok sa isip ko at nakatulog na lang ako sa sakit at pagod.

Kinabukasan..................

Sino kaya ang kumakatok kay aga-aga.

Aray! Mahapdi pa din yung nasa baba ko. Mukhang di na muna ako papasok.

"Sandali lang, papunta na."

Patuloy pa din sa pagkatok kung sino mang istorbo ito hanggang sa pagbukas ko.

"Sino k.."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa sobrang gulat at galit ko.

"Liezel bakit naman umalis ka agad sa hotel, binalikan kita sa kwarto akala ko nagpapahinga ka na."

Hindi ko pa din nagawang kausapin ang bastos na ito, ang walang hiya na ito, ang hayop na ito.

"Pwede bang kausapin mo ako. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko, mahal kita at sa tingin ko naman nagustuhan mo ang ginawa natin. Kapag pinilit mo pa rin ang manatili sa buhay nung butch na yun masisira ka lang. Ako, mabibigay ko lahat pera, pleasure, anak , kinabukasan ng pamilya mo at magiging pamilya natin."

"Naririnig mo ba ang sarili mo Tristan, akala mo ba ginusto ko yun, akala mo ba yun ang kinabukasan na hinahanap ko. Walang tayo Tristan, ngayon o kailanman. Umalis ka na bago pa ako hindi makapagpigil at mapa-pulis kita."

Isasara ko na ang pintuan ng tinitiran ko pero pinigilan lang ni Tristan ito, sa lakas niya wala na akong nagawa. Mau-uulit nanaman ba ang nangyari. Paano na kami ni Alex? Karapat-dapat pa ba ako para sa kanya?

"Hindi ka makakatakas sa akin Liezel, hinding-hindi ka din mapupunta kay Alex." pagalit na sabi niya

Nagtagumpay siyang makapasok sa bahay at itinulak niya ako agad sa pader at madiin na hinalikan. Nagpupumiglas ako pero sa sobrang lakas niya ay wala akong magawa.

"Mahalin mo ako at iwanan mo siya, sapagkat gagawin ko ang lahat kahit buntisin pa kita ng ilang beses layuan ka lang ni Alex."

Pak!

Nasampal ko siya ng malakas dahil sa mga narinig ko sa kanya.

"Kahit kailan hindi kita mamahalin, nakuha mo man ang gusto mong physical sa akin pero ang puso ko sa iisang tao ko lang maaaring ibahagi."

Sa sobrang galit napunit na niya ang suot kong damit.

Alex!!!! Please tulungan mo ako. Yun ang gusto kong isigaw pero wala dahil hinahalikan ako ng hayop na ito.

"ANO ITO?"

😨

Si Alex

"Gag* ka! Pati ba naman girlfriend ko!" sigaw ni Alex

Agad sinuntok ni Alex si Tristan ng sunod-sunod, gusto ko siyang pigilan pero naisip ko na dapat lang kay Tristan na mangyari iyon.

"Gag* ka!Gag* ka!Gag* ka! Anong tinatawa-tawa mo ha!"

"Kawawa ka naman iniwan ka na niya, alam mo hindi ka na niya mahal, gusto na niya ng tunay na lalaki. Hindi mo kasi maibigay ang kaya kong ibigay."

Tumigil si Alex sa ginagawa niya pero nakahawak pa din sa kwelyo ni Tristan.

"To-totoo b-ba?" utal niyang tanong habang nakatingin sa akin

"A-alex p-pakinggan m-..."

"Pare alam mo ba secret lang ha pero ang sarap at ang sikip niya"

May sinabi si Tristan ngunit hindi ko ito marinig at maintindihan, napansin ko na lang ang sobrang galit sa mukha ni Alex.

Nagsimula siya ulit sa pagsuntok kay Tristan at bigla siyang tumayo at pinagsisipa ang tiyan nito dahilan para mapahiga at mapasuka ng dugo.

Papalabas na siya ng bahay nang pigilan ko.

"Alex sandali lang ano ba, wag mo akong iwan. Buti na lang at dumating ka dahil hindi ko gus.."

"Bitawan mo ako!"

"M-may problema ka ba?" tanong ko sa kanya habang nakahawak pa din sa kanya

"I said Let Go!"

"Alex! Bakit ka ba nagagalit? At ano ito lasing ka ba? Di ba alam mo naman mahina ang tolerance mo..."

"Pwede ba tumigil ka na, hindi mo na kailangan maging concern sa akin, alam ko naman na balewala lang ako sa buhay mo. Magsama kayong dalawa tutal bagay naman kayong dalawa parehas na manloloko. Ano masarap ba! Dapat sinabi mo na sa akin nung una palang tunay ang hanap mo para hindi ako yung mukhang tanga na naghahabol sa iyo. Katulad ka din ng ibang bayaran diyan."

Hindi ko na napigilan at nasampal ko siya ng malakas. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya at magpaliwanag pero hindi niya ako hinahayaan.

Naiwan ako dito sa labas habang papalayo na ang sasakyan niya.

"H-hayaan mo na siya Liezel tayo na lang dalawa."

"Umalis ka na! Wag na wag ka ng magpapakita pa sa akin muli. Layas!"

"Babalik ako."

Isinara ko na ang pinto, at humiga ulit sa kama. Papalipasin ko na lang muna ang araw na ito at pupuntahan ko na lang si Alex para makapagpaliwanag, lasing siya at ako naman nahihirapan pa din, kaya baka kung saan pa umabot ang pag-aaway namin. Ay hindi, walang away, misunderstanding lang.

6:00pm..............

Ano ba yan sino nanaman ba itong kumakatok

"A-alex?"

Biglang siyang napayakap sa akin, kaya inalalayan ko na lang siya papasok sa loob.

"Alex uminom ka nanaman ba. Ilang beses ko.."

Hinalikan niya ako at ako naman itong ga*a hinayaan lang.

"Mahal na mahal kita Jen, pero paano mo nagawa sa akin iyon. Kaya naman kitang pasayahin sa ibang paraan, sana noon pa lang di mo na ako sinagot kasi ang sakit-sakit."

"Kung ano man ang sinabi sa iyo ni Tristan hindi totoo yun, oo nagalaw niya ako pero ikaw, ikaw ang mahal ko."

Pagtingin ko tulog na yung mahal ko. Kukuha nga muna ako ng bimpo at pawis na pawis na siya.

Ang gwapo niya kapag ganitong tulog siya. Bakit mo naman ginagawa ito sa sarili mo? Sorry sa lahat ng nangyayari sa atin, wala naman akong ginusto, kung pwede lang o kung may paraan na makabalik ako sa dati gagawin ko.

Patuloy ko lang siyang pinunasan hanggang sa bumigat na lang ulit ang mga mata ko at nilamon na ako ng dilim.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Seventy- second chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon